Epilogue

332 9 4
                                        

You seriously made it all here, my navies. Arigatou mina!
-admiral rosas.

__

Azlan’s Heart

I can still remember how I asked for a miracle that I will thank forever. And I never thought that God will grant it.

Napangiti ako habang nakaupo sa isang bench. I’m in a garden filled with different flowers. Mas maganda pa ata ‘to kaysa sa garden namin sa bahay at sa school. I’m here for almost an hour. I had been waiting for him.

“Shia...” Napasinghap ako kasabay nang pagngiti. Nilingon ko ang tumawag sa akin. Looking handsome again as ever, Mr. Azlan stared at me with love and gentleness in his eyes.

A warm feeling filled my heart. Hindi ko napigilang tumayo sa kinauupuan ko para lakarin ang distansya naming dalawa at yakapin siya. Oh God, thank you for hearing my prayers.

This is the happy ending I’d ever wanted.

“You miss me that much, miss?” He chuckled sexily. Umirap ako sa ere at hindi sumagot. In the end, he tightened his hug on me. Napahinga ako ng malalim.

Ang layo na nang narating namin. Mula sa simpleng pagtatagpo ng landas naming dalawa ay hindi namin inakalang malaki pala ang papel namin sa isa’t isa. God’s plans are always amazing and beautiful.

“I miss you more, miss.” I felt him kissed the top of my head. I close my eyes, feeling the calm heartbeats of my heart. Ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. The feeling of his warm body wrap around me is the real definition of home.

“I love you, Ayshia Peony Montreal." Lumunok ako kasabay nang paglandas ng luha sa mga mata ko.

Akala ko noon ay imposibleng may magmahal sa akin. Akala ko ay imposibleng may lalaking tatanggap at yayakapin ako sa kung sino ako, but Azlan came. He became that someone. He is always that someone.

“Kapag inaya ba kitang magpakasal sa akin ay papayag ka?” tanong niya. Ikinagulat ko iyon kaya napahiwalay ako sa yakap niya para lang tignan ang mga mata niya.

Wala pa ring pagbabago roon. His eyes is still expressive as always.

“I-I’m still young!” wala sa sariling protesta ko kasabay nang pagnguso. Natawa siya agad at pinanggigilan ang pisngi ko kakapisil. I was struggling so badly until he suddenly stop.

“But will you marry me if ever I ask you?" His voice is now lace with seriousness. Hindi napigilan ng puso kong mag-react doon.

“Saan ba tayo magpapakasal kung ganoon?” tanong ko sa kaniya. That made him laughed so hard. Aliw na aliw ang mga mata nito habang nakatitig sa akin habang ako ay matalim ang tingin sa kaniya. Such a jerk! Seryoso ako rito oh!

Pero nabura ang ngiti sa labi niya. Nawala ang aliw sa mga mata niya. He became serious all of the sudden.

Nakaramdam ako ng kaba.

“You need to wake up first.” Napakurap-kurap ako. Gising naman ako ah?

He held into my hand and squeezed it. Bumuntong hininga siya. He fought back his tears when he looked up to me. He nibbled his trembling lower lip, and smiled.

“Wake up now, miss. I’ll be waiting for you... in our next lifetime.” That is when I felt him kissed my forehead. Napapikit ako kasabay nang pagbigat ng dibdib ko.

“I love you. I will always love you, miss.”

***

“Her hands move!” Kumunot ang noo ko habang pinapakinggan ang sigawan sa paligid ko.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon