Chapter Eight

147 17 4
                                    

Pain

“What the hell?!” Napatalon-talon siya sa harapan ko. Pero wala ata akong maramdamang awa dahil sobrang talim pa rin nang pagtitig ko sa kaniya. Ha! Serves him right!

Mainit-init pa ang gatas na iniinom ko kaya hindi nakakapagtaka kung mamumula siya dahil napaso. Kung ang thermos lang ang hawak ko ay naisaboy ko na sa kaniya ang mainit na tubig. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Siya? As in siya? Titira na rito sa bahay namin? Anak ka nga naman ng mama mo, bakit dito pa siya titira? Wala siyang bahay? Pamilya?

Kung maganda lang sana ang sinabi niya noong una naming pagkikita ay baka pagbigyan ko pa siya kaso nga lang gago siya at dinagdagan niya pa ang inis ko kanina. Pabida nga naman. Kapatid niya nga ata talaga si Jollibee.

At ito ngayon ang napala niya.

“What the heck was that for, Ayshia?!” kunot na kunot ang noo niya habang nagtatanong pero ngumisi lang ako. Kung akala niya ay matatakot ako sa kaniya o maaawa ay nagkakamali siya. May sakit lang ako pero hindi ako anghel. Tignan natin kung hanggang saan niya kakayanin ang pagpapahirap ko sa kaniya.

“I want you out tonight. Kapag nakita pa rin kita bukas dito sa bahay ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin. I can do worst than this. Believe me, Mr. Azlan.” I turned my back at him when he suddenly grab my arm and pinned me down in the island counter.

Wala sa sariling napakurap-kurap ako kasabay nang pag-tibok ng puso ko. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ako nahirapang huminga sa tibok na iyon. Ang mga tingin ko ay natagpuan agad ang itim niyang mga mata. Dahil sa dim na ilaw ay mas lalo lamang na gumanda ang mga ito sa mata ko. Napuno ng paghanga ang puso ko.

How can his eyes be so expressive and beautiful at the same time? I don’t even know why I’m happy seeing frustrations in his eyes. Punong-puno iyon ng inis at tila nagtitimpi. Pero sa kabila niyon ay ang paghanga ko.

If only...

“Why are you being so mean and bitchy? Ano bang nagawa ko sa iyo, huh? I can’t even remember doing anything wrong to you pero ginaganito mo ako.” Naging malamig ang boses nito at sa mga oras na iyon ay natauhan ako kung bakit tumitibok nag malakas ang puso ko pati na rin kung bakit natitigan ko nang matagal ang mga mata niya. Ngayon lang ako natauhan na hawak niya pala ako.

Seriously? What’s gotten into me? Napailing-iling ako sa likod ng isipan ko at binalewala ang magaganda niyang mata para bumalik sa reyalidad.

“Bakit mo ako tinatanong? Why don’t you ask yourself instead?” I glared at him. Pilit akong kumawala mula sa pagkakahawak niya pero nang maalalang mapapagod lang naman ako dahil mas malakas siya sa akin ay tinigilan ko na lang din at tinaliman na lang siya lalo nang tingin.

“What? You are being unreasonable. I didn’t do anything wrong to you. Dahil pa rin ba ito sa pagtawag ko sa iyo ng maid? Nagpaliwanag naman na ako, hindi ba? Won’t you accept that? Hindi ko nga iyon sinasadya.”

Ha! Para sa kaniya ay okay na dahil hindi naman siya ang nasabihan. So what if I’m being unreasonable? I just want him out of our house! Out of my life if possible!

“Bitawan mo ako, Mr. Azlan. I can sue you for this! And I’m not that shallow. Pinatawad na kita sa nangyari pero hindi ibig-sabihin na welcome ka sa buhay ko. I don’t want you to send me to school nor fetch me. At wala kang karapatan na iparamdam sa akin ang mga emosyon na dapat ay maramdaman ko. Who are you to tell me what’s right and wrong? What not to do and do’s? Hindi naman kita kapatid at mas lalong hindi kita magulang. All I want was for you to leave this house peacefully. Wala akong pakialam kung business partner ka ng mga magulang ko. Bakit? Wala ka bang bahay? Pamilya? Ha! Pinagloloko mo naman ata kami niyan. If you want, sa kalye ka tumira tapos maging clown ka roon tutal ay pabida ka.” Itinulak ko ang katawan niya at sa pagkakataon na ito ay nakawala na ako sa pagkakahawak niya. Hindi ito agad nakasagot sa mga pinagsasabi ko at tila gulantang pa pero wala na akong pakialam pa sa reaksiyon niya.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon