Willing
Dahil sa nangyari ay hindi natuloy ang dapat na snorkeling namin, at hinintay na lamang na dumating sina Mommy. Nanatili lang kaming dalawa sa bangka nang hindi nag-uusap. I felt really guilty because of what happened, kaya hindi na rin ako umangal sa plano niyang dito muna kami.
Mr. Azlan’s face is void with emotions. Those who are happy go lucky makes me feel uneven especially if they are like this. Masiyadong opposite sa kung ano sila sa pang-araw araw kaya nakakakaba. Xian also became like this. Parang noon lang ay lagi siyang masaya, at tumatawa pero nang umalis si AC ay naglaho na parang bula ang ugali niyang masiyahin noon. Its like, AC took his liberty to be happy again.
Nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Babalik pa kaya ang lahat sa rati?
“Hey...” Umawang ang labi ko nang maramdaman ang isang daliri sa pisngi ko. Doon ko lang namalayan na umiiyak pala ako. Mr. Azlan’s worried face welcomed me. Puno nang pag-iingat na hinila niya ako hanggang sa mapunta ako sa tabi niya.
“Shhh... I’m sorry...” Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya, at hindi ko na napigilan pang humikbi. Bakit ganoon? Bakit kahit hinihigpitan mo ang kapit sa isang bagay ay nagagawa pa rin nitong makawala sa ‘yo? Hindi ba puwedeng akin na lang ‘to hanggang dulo?
Bakit kailangang masira kami? Bakit kung kailan napamahal na ako sakanila ng sobra ay tsaka pa kami nagkawatak-watak? Bakit hindi nila inisip ang mararamdaman ko? Nasasaktan din naman ako pero inisip ko sila... sila ba ay ganoon din? Bakit nakalimutan ata nila ang tungkol sa akin? Kaibigan ba talaga nila ako?
“Iiwan mo rin ba ako tulad nila? Dadating din ba ang araw na ikaw na naman ang mawawala?” hindi ko napigilang itanong sa kaniya. I looked up to him, tears is swelling up in the corner of my eyes. I bit my quivering lower lip.
Nanahimik lang ako noon dahil ayaw kong masaktan ang mga kaibigan ko, pero sa totoo lang ay sobra akong nasasaktan sa ginawa nila. Si Xian na parang nakalimutan ang pinagsamahan namin, ang pinsan ko na para bang si AC lang ang naging kaibigan niya dahil sa biglaan niyang pagkakalimot sa presensya ko. And I know that both Nicho, and Canix are already tired with us. It’s true, no friendship is a fairytale. Mas malala pa ang ang pagkakaibigan kaysa sa mga relasyon ng magkasintahan.
“Hey... of course not. Bakit naman kita iiwan, hm? Ano bang sabi ko sa ‘yo? 'Di ba ay araw natin ‘to? Hindi ba ay wala munang sila?” Hinawakan niya ang ulo ko at ibinaling sa pwesto niya. Nawala ang pagkakasandal ko sa balikat niya, at bumungad na naman sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko, at inilagay ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga ko.
“Everyone leaves...” I whispered. Ngumiti siya akin, at pakiramdam ko ay nakakita ako nang liwanag sa kabila ng sunod-sunod na problemang ibinigay sa akin ng mundo.
“Pero hindi ibig-sabihin na iyon na ang katapusan. Hayaan mong umalis ang gustong umalis dahil ang mga taong mananatili ay ang mga taong totoo, at hindi peke.”
“Come on... kailangan mo na atang makita ang mga isda.” He stood up, pulling me with him. Siya mismo ang nagsuot ng googles ko bago niya ako hinila sa gilid ng bangka. Nauna siya sa pagbaba bago ako sumunod.
“Madaya ka. Hindi mo tinupad ang deal nating dalawa,” his low voice uttered. Ngumuso ako dahil doon, ngumisi naman siya nang mapansin iyon.
“Punishment, miss. Are you ready for it?” he asked. Isinuot niya ang sariling googles bago inilagay sa bibig iyong snorkel. Ginaya ko naman ang ginawa niya bago humawak sa kamay niya. He was caught off guard because of that, but eventually smiled at me. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, at itinuro ang dagat gamit ang kabila niyang kamay na hindi ko hawak. Sign iyon na lalangoy na kami kaya tumango-tango ako.
I saw myself under the sea after that. Pumayapa ang mabigat kong damdamin nang masilayan ang ilalim ng karagatan. May mga nakita pa akong turtle na ikinahagikhik ko minsan. Hawak pa rin ni hukluban ang kamay ko, at hindi ko rin naman siya binibitawan. Just his touch, and I will be fine.
May itinuro siya mula sa kung saan at nagulat na lamang ako nang sumalubong sa amin ang napakaraming maliliit na isda. They looked cute and fluffy! Iba’t iba ang mga kulay nilang lahat, at may nakita pa akong parang rainbow dahil sa kulay nito. I smiled upon seeing their differences towards each other.
“They are so pretty...” Dahil sa tube na nasa bibig ko ay nakapagsalita pa rin ako, at alam kong narinig niya iyon dahil tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. We spent our time in the ocean. Iba’t ibang klase ng isda ang nakita ko, ang nakikilala ko lang doon ay mga angel fish, jelly fish at iyong mga crabs.
My heavy heart was replaced by an unexplained happiness.
“Tapos may nakita akong sobrang laki na turtle, ate! Ganito kalaki oh... ganito...” Iminuwestra ng kapatid ko ang kamay niya, at patango-tango lang naman ako. Kanina pa siya nagkukuwento sa mga nakita niya kuno sa dagat. My little brother Paolo looks dreamy, and I don’t want to cut his happiness so I let him talk there like an entertainer.
“Tapos may seahorse akong nakita, ate! Kulay yellow sila tapos orange! Huhulihin ko sana at ibibigay sa ‘yo para iyon na lang ang gift ko kaso ay hindi raw puwede. Bibilhan na lang kita ate nang bagong gift pero seahorse pa rin.” Humagikhik ang kapatid ko na ikinangiti ko na lamang. I motioned for him to come near me, and he did. Hinagkan ko ang pisngi niya, at kinurot iyon.
“Mahal na mahal ka ni ate, Pao-Pao. Always remember that, hm?” He nodded and hugged me so tight. Hinayaan ko na lamang siya, at hinaplos ang buhok niya.
“Mahal na mahal ka rin namin, Ate Shia. Gusto namin happy ka,” he mumbled under his breath.
“Aysus! Ang sweet-sweet naman ng mga baby ko! Sali naman ako riyan!” Nakanguso na naman si Mommy na agad napalitan nang bungisngis. I opened my arms to welcome her, and she immediately run towards our way to hug us.
“I love you, my babies!” Napangiti na lang ulit ako. My friends my not be here right now, but I have them and that’s already enough.
Tinapos namin ang gabing iyon na puro lang tawanan sa hapagkainan. The breezy wind of the starry night brushes through our skin as we spent our time outside. Kaya nang tuluyan na akong makahiga sa kama ay hindi ko na napigilan pa ang pagngiti. Punong-puno ng kaginhawaan ang puso ko na hindi ko mapigilang ngumiti kada oras.
I hope for this to not end. I want this.
Isang katok sa bintana ko ang nakapagpabangon sa akin. Nilisan ko ang kama, at kinuha ang jacket ko bago iyon isinuot para lumabas. I saw Mr. Azlan leaning in the bamboo wall when I finally came out. He’s holding a cup, and I bet that its a milk. Agad ko iyong tinanggap nang ibinigay niya iyon sa akin.
“Mainit pa ‘yan.” I pouted because of what he said. Hindi na iyon sa likod ng isipan ko dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa, at doon pa lang ay alam kong napansin niya ang biglaan kong pagnguso.
Nanatili kaming tahimik dalawa hanggang sa nakarating kami sa dalampasigan. I can hear the ocean’s lullaby from where I am standing and it feels heaven. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang sumipsip sa tasa ng gatas na hawak ko. Agaran na nanuot sa dila ko ang lasa at init no'n hanggang sa bumaba iyon sa lalamunan ko.
“Thank you for making me happy. I appreciated it.” Yumuko ako at nilaro sa paa ko ang pinong buhangin ng beach. Ramdam ko naman ang titig niya sa akin na hindi ko na pinansin.
“At nakikita kong ang rami nang nagbago sa iyo. Mula sa pagiging loner at snob, ay naging selfless ka. Ang hindi lang ata mawawala sa ugali mo ay iyang kamalditahan mo. You should tone it down a bit.” He chuckled, and I know that he’s already grinning at me. Nilingon ko siya at agad na binigyan nang masamang tingin.
“I am just like this to a jerk like you. Kaya kung ayaw mo sa kamalditahan ko ay umalis ka na lang sa buhay ko,” walang kaabog-abog na sabi ko sa mismong pagmumukha niya. I saw a glint of unknown emotion in his eyes, and then he flashed a smile. A very mesmerizing one.
“If only I could then I will. But if faith will let me and lead the way, the question would be...”
“Am I willing to come?” That made me blink. In that moment, I realized that both of us were facing the same road in different levels.
Right. Are we willing though?
___
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...