Good morning, my dear navies!
-admiral.__
Nasty
“Glad that you are here already.” Lezzana smiled at me, and I smiled back as I greeted the boys a good morning. Pagkatapos nang sinabi noong mommy ni AC ay inaya na ako nitong pumasok. I was really nervous the whole time, and it’s making me uncomfortable.
“Ang aga niyo masiyado,” sabi ko habang nililibot ang paningin sa buong sala ng mga Ramos. Magagara ang muwebles dito, at halatang galing sa iba’t ibang parte ng mundo. May nakita pa nga akong painting na obra ng isang kilalang pintor sa mundo, but the gloomy feeling of the place didn’t vanished. Parang namatayan ang pamilya ng mga Ramos dahil sa aura na ibinibigay ng bahay nito.
“Natagalan ka lang. Ang sabi mo kanina sa text ay parating ka na, pero ang tagal mong dumating. Saan ka pa ba pumunta? Si Tito Peter ba ang naghatid sa ‘yo?” usisa niya. Naupo naman ako sa tabi niya, at dahil malaki naman ang sofa ay nagkasya lang kaming dalawa.
“Hindi si Daddy ang naghatid sa akin dito,” sagot ko. Marahang nagusot na naman ang mukha ko nang maalala ang hukluban na iyon. Kumunot ang noo ni Lez at halata sa mukha ang pagtataka.
“Sino?” Bago ko pa man siya masagot ay may pumasok na sa pintuan at iniluwa n’on si Mr. Azlan. Kapansin-pansin ang pawis sa noo nito na dumadausdos pababa. I looked away when he caught me staring at him. Para namang gusto ko siyang titigan... pero parang ganoon na nga.
“Kuya Azlan!” gulat na bulalas ng pinsan ko na napatayo pa sa upuan niya para lapitan ito, and God knows that I don’t want to know what they are doing, kahit beso-beso pa iyon o ano. I heard the old hag chuckled. Nakita ko ring nagulat ang mga lalaki nang makita ito pero kaniya-kaniya ring nagsitayuan sa kinauupuan nila para salubungin ito. Ako lang ata ang hindi tumayo, so what?
“Where’s AC? Is she now fine?” Obviously not. Pupunta ba naman kami rito kung hindi? Aabsent ba naman si AC kung okay lang siya? Lutang ka po?
“Nagiging okay na rin naman ang pakiramdam niya, kuya. Pahinga lang po at makakabalik na rin siya sa school.” Narinig kong sabi ni Lezzana. Nang hindi makatiis ay nilingon ko ang mga ito para lang magtagpo ang tingin naming dalawa. Nakatayo silang lima at ang tatlong lalaki ay nakapamulsa habang siya ay naka-cross arms. Mas lalo tuloy siyang naging manly tignan, hindi nakakapagtakang modelo siya. Bakit kasi hindi ko siya kailan man nakilala? Ni kahit kailan din kasi ay hindi ako nagkaroon ng interes sa ibang tao lalo na sa mga lalaki, pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala ko siya at ang mga kaibigan ko.
“I’m glad to hear that. Umupo na tayo.” Wala sa sariling napakurap-kurap ako nang mapansin na sa gawi ko siya papunta. Sa sobrang gulat ay hindi na ako nakaangal nang maupo siya sa tabi ko at sa kabila naman ay si Lez. I glared at him, ininguso ko pa ang kabilang upuan para palipatin siya pero ang hukluban ay umiwas lamang nang tingin. Argh! Whatever! So annoying!
Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming anim. Hindi na rin kasi nagloloko si Xian, his face has no emotion, its empty, and so not him. Hindi ko makita sa mukha niya ang dating siya. Ang Xian na loko-loko, at palatawa. Ang raming nagbago, ang raming bagay na hindi ko na makilala pa. Parang noon lang ay hindi pa namin alam kong paano kumapa sa dilim, pero ngayon na nagkaroon na ng ilaw ay bigla na lang kaming nag-iba ng daang tinahak. Ang noong magkahawak naming kamay ay nagkahiwalay, at hindi na kailangan ang isa't isa para suportahan ang sarili sa bagay na hindi kami sigurado.
Ito ang ikinatatakot ko. But I can’t blame them too, I had taken the risked, and I have to be ready for its consequences.
“Guys! You’re here!” Sabay-sabay kaming napatingin sa itaas kung nasaan ang hagdan. AC wearing her usual clothes greeted us with her smile. Kahit nakangiti ito ay halata sa mukha niya ang pagod. Parang hirap na hirap siya, at may pinagdadaanang malalang sakit. Buti na lang, at alam kong pagod lang siya kung hindi ay sobra akong mag-aalala.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
De TodoA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...