Chapter Sixteen

99 13 3
                                    

Amnesia

“Woy, dito tayo oh! Arcade muna!” sigaw ni Xian. Akbay niya pa rin si AC na himalang tahimik pa rin. I already announced them as my friends, what’s their problem? Pati kasi si Lez ay tahimik na rin at malapit pang maumpog kanina sa ibang tao dahil sa kakayuko. Kung hindi lang nakabantay si Nicho sa bawat galaw niya ay matagal na siyang natumba. Hindi ko talaga siya tutulungan, bahala siya. Itatanggi ko talaga siya bilang kaibigan at pinsan!

“Tch, laro na naman? At saka sumama lang tayo rito ah. Ibig-sabihin ay naki-tag along lang tayo kaya wala tayong karapatan sa plano. Bakit hindi natin tanungin ang mga babae? Eh sila naman ang may pasimuno nito...” Nilingon ni Nicho si Lez.

Nagpakawala ako nang buntonghininga sa tamad na paraan. I crossed my arms and stared at them. Wala rin naman akong sasabihin dahil unang-una ay plano ito nina Lez at AC. Naki-tag along lang din naman ako kasi ayaw kong maiwan sa bahay kasama si Mr. Azlan.

Speaking of that guy. Ano na kayang ginagawa niyon ngayon? Baka nasa bahay na naman siya ng mga Lim at nanglalandi. Nako, puwedeng-puwede ko na pala siyang patirahin sa kalye kasi isa naman siya sa mga nangre-rape at hindi ang nire-rape! Bakit kaya hindi ko ito naisip noong una? Baka nga kaya niya ako tinawag na maid noon dahil insecure talaga siya at natatakot malamangan. Eh hindi naman ako maid talaga kaya talo ko siya.

Napabuntonghininga ulit ako. Why do I have this feeling of wanting to go home? Gustong-gusto ko na talagang umuwi at alamin kung nasaan ang lalaking iyon.

“Careful...” Napakurap-kurap ako nang marahan akong yakagin ni Canix sa braso. Doon ko lang napagtanto na malapit na akong makabangga ng bata. Minsan ay masaya ang ganitong hobby ko kung saan nalulutang ako kapag may iniisip pero minsan ay nakakainis din. Why am I preoccupied again because of him?

“I-I’m sorry...” I muttered silently to the mother of the child and smiled slightly. Nang tumango ito ay napanguso na lang ako sa likod ng isipan ko.

“Don’t space out, please. Tatlo na kayo kapag nagkataon.” He smiled at me. Para tuloy akong nakakita ng anghel dahil doon. Why is this guy so handsome anyway? Para talaga siyang prinsepe sa libro o hindi kaya ay iyong mga male lead character sa mga Disney movies. Iyong tipong siya ang prinsepe na magliligtas sa iyo sa kapahamakan. I really love such kind of guy!

“Prinsepe ka ba? Bakit ang gwapo mo?” mahina kong tanong. Ngumiwi rin ako pagkatapos dahil natatangahan ako sa sarili kong tanong dahil siyempre kung prinsepe siya ay wala siya rito. Prince have so many responsibilities in their life. Kung mag-aaral ang mga prinsepe ay puwede naman silang i-homeschooled.

“Nagsasalita ka rin pala? Akala ko pipi ka...” Natawa na siya nang mahina dahil doon. But I remained silent. Bakit pamilyar ang sinabi niya? Saan ko nga iyon narinig?

Oh? Nagsasalita ka pala? Akala ko pipi ka e.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Sinong nagsabi niyon? Am I just hallucinating things?

“Hey, what happened?” Napaangat ang tingin ko at doon ko lang napansin si Lez. Her faced seems worried again. Ngayon ko lang din napansin na nakikipag-asaran na si AC kay Xian na tila walang nangyari kanina. They are both back on track.

“Okay na kayo?” tanong ko na lamang sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Ngayon ay masaya na naman ang mukha niya at wala nang mabasang pag-aalala roon na ikinangiti ko sa likod ng isipan ko.

“Yep! Sorry, nag-alala lang ako sa iyo kanina at nagulat na rin noong sinabi mong tinuturing mo na kaming kaibigan mo. I am very honored to be your friend! Ipagmamayabang ko talaga ito sa iba nating pinsan para mainggit sila sa akin at dahil takot sila na may mangyari sa iyong masama ay wala silang magagawa. Ako lang ang friend mo sa mga pinsan natin hehe!” It’s like the first time I meet her. This is her bubbly and carefree side. And I’m starting to like it.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon