Teacher
“Miss Montreal, are you listening?” Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong nagpakawala nang malakas na buntonghininga dahil sa pagpipigil nang inis. Napakarami-rami naman namin sa loob pero bakit ako lang lagi ang napapansin niya?
Iniwas ko ang tingin sa labas ng bintana at nilingon ang guro naming nakapameywang sa harapan. Gusto kong tumango sa sagot niya dahil totoo naman na nakikinig ako kahit nasa labas ang tingin pero baka pasagutin niya rin ako ng mga equations sa harapan kaya huwag na lang pala.
“No sir,” tipid kong sagot na ikinataas ng kilay niya sa akin. Kung alam ko lang na kaya pala nag-ceased fire ang bangayan namin ay dahil dito ay sana nakipag-away na lang ako sa kaniya. This whole thing is a freaking torture!
“Stop peeking your crush in the window then. Wala kang mapapala sa mga lalaki, Miss Montreal. Mas mabuti pa ay makinig ka sa klase ko.” Lumamig ang boses nito at kung hindi ko lang pinagtuonan nang pansin ang una niyang sinabi ay matatakot na rin siguro ako tulad ng mga kaklase ko. Crush daw! Kahit saan talaga ay ang seloso ng isang ito! Hindi ko naman aagawin ang mga lalaki niya sa kaniya. Malakas talaga ang kutob ko na binabae siya e.
“Yes sir,” ang napili ko na lamang na isagot kaysa patulan siya. Wala kami sa sarili naming playground kaya hindi kami dapat nagbabangayan.
Kahit si Lezzana kanina ay gulat na gulat nang makita siya at tinanong pa ako kung hindi ko ba raw alam ang tungkol sa pagiging substitute teacher nito na ikinailing ko lang. Malay ko ba sa laman ng utak ng lalaking iyan. Si AC ay kilig na kilig, nakalimutan na ang lahat nang makita si Mr. Azlan. Ako lang ata ang kalmado at naiinis.
Ikailang ulit niya pa akong tinawag at pinasagot sa harapan bago niya ako tinigilan. Pigil pa lagi ang inis ko na huwag baliin ang chalk kapag nasa harap ng blackboard lalo na ang suntukin ang pagmumukha niya kapag nakukuha niyang ngumiti sa akin. Kahit saan talaga ay panira ang lalaking ito. He is just too annoying! Hindi ko alam ang plano niya pero isa lang ang alam ko... hindi pa siya tapos sa pamimikon sa akin.
Nagpapasalamat pa naman sana ako sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit ako natutong makipagkaibigan pero argh! Hukluban nga pala siya! Isip batang hukluban!
“Okay ka lang, Shia? Para kang papatay ng tao sa tingin mo kung alam mo lang hehe...” AC handed me the vanilla shake she’s holding. Soju naman ang kaniya dahil isa iyon sa paborito niya laging inumin maliban sa coke.
“Sino ba kasi ang guro na iyon? Ang laki ng galit niya kay Baby Ayshia natin, ah. Marami naman sana tayo sa room pero bakit si Ayshia lang lagi ang tinatawag niya?” sumandal si Xian sa upuan niya at nagsalubong na rin ang mga kilay.
“Luh? Hindi mo siya kilala? Model iyon sa US! Sikat kaya iyon tapos ang gwapo pa! Ewan ko na lang talaga, ang talino niya pa! Hehe gets ko agad ang lessons natin sa math kanina tapos naamoy ko rin si Sir Vergara nang pinasa ko ang worksheets ko, geez ang bango-bango!” Nasapo pa ni AC ang mukha habang mamula-mula ang magkabilang pisngi. Ngumiwi ako, ano kaya kung sabihin ko sa kaniya ang totoong katauhan ni Mr. Azlan nang tigilan na niya ito? Wala naman siyang mapapala sa hukluban na iyon eh. Lalaki rin kasi ang gusto niyon.
“Siya iyong nagbigay sa akin ng gamot mo, Shia. Sino nga ba iyon? Kapatid mo?” Napaubo ako nang malakas sa tanong ni Nicho na ikinataranta nilang lahat dahil sa pagkagulat pero bago pa man sila makalapit ay may nauna nang humaplos sa likod ko. Ang naka-pony tail kong buhok ay iginilid niya at nilagay sa balikat ko.
“Buti at hindi tumalsik ang laway mo sa lakas nang ubo mo kanina...” Marahan itong natawa na ipinagsalubong ng kilay ko. Nang makaraos sa nangyari kanina ay agad ko itong hinarap at hinampas ang dibdib niya dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
