Double update again! Hihi!
Good morning my dear navies!
-admiral rosas.
__
Hukluban
“Ano ba?!” pikon kong sigaw kasabay nang malakas kong paghawi sa kamay ni Mr. Azlan.
My first week in school passed like a whirlwind. Nagawa ni Lez ang script nang dula namin at nagsimula na rin kaming mag-practice lalo na at two weeks lang ang ibinigay sa amin ni Miss para matapos ito. Ginamit namin ang rooftop para mag-practice at dahil na rin kay Lezzana ay nagawan namin nang paraan para hayaan kami ng Dean na roon ganapin ang practice. Private kasi ang rooftop at delikado rin daw roon kaya ipinagbabawal pero nangako namin kami na wala kaming gagawin na ikakapahamak naming anim.
I don’t know how it happened too, but I am slowly getting comfortable with my group mates. Napapailing na lang ako kasabay nang pagngiti kapag nagkakagulo na naman sina AC at Xian dahil sa hindi malamang dahilan. Basta kapag trip nilang mag-away ay mag-aaway talaga sila.
And Lez whose always there for me. Nasanay na rin ako at hindi na lang sila tinataboy pa. Ako lang din naman ang mapapagod saka hindi naman ibig-sabihin na hinahayaan ko sila ay kaibigan ko na sila. They are still not my friends and never will be. And Nicho, that guy is a notorious playboy! Totoo talaga ang sinabi ni AC na makikipagkita ito sa babae niya. At siyempre ay may nag-iisang good boy kami. Canix slightly became at eased with us.
Ang rami rin naman kasi nilang kalokohan lalo na si AC at Xian. Ni hindi nga namin natatapos nang maayos ang practice namin dahil sa kalokohan ng dalawa.
At kung magulo sa school ay mas lalong magulo rito sa bahay kada pag-uwi ko lalo na ngayong weekends. Tulad na lang ngayon. Hindi nga umalis si Mr. Azlan. He is officially living in our house and the worst part there is that he’s very free to pissed me off! Walang palya ang pang-iinis niya sa akin. Lahat nang bawal na sinasabi ko ay ginagawa niya.
“Akin nga to eh! Kumuha ka ng sa yo! Nakakainis ka na ah!” bulyaw ko. Hindi alintana ang malakas kong boses. Nasasanay na rin ata akong sigawan siya kada oras. Hindi ko na nga napapansin ang puso ko dahil normal lang naman lagi ang tibok nito. Hindi ko na masyado nararamdaman ang pananakit nito minsan. I can also sleep peacefully at night.
“Konti nga lang ang hihingin ko. Ang takaw mo eh hindi ka naman tumataba.” Umirap ako sa hangin dahil sa sinabi niya at hindi siya pinansin.
We really got along very well, by mocking each other.
“Wala ka bang trabaho? Sabado ngayon ah?” kunot noong sabi ko. Itinuon ko ang pansin sa pelikulang pinapanood ko. Wala naman si Paolo at nasa bahay ng mga pinsan namin kaya akin ang TV ngayong araw na ito. Wala rin naman akong ibang gagawin pa. Nasanay na ata ako sa ingay niyong lima kaya ayaw ko na sa katahimikan.
“Pahinga ko ngayon at mamigay ka nga. Hindi mo naman ian maisasama sa hukay mo at ano ba iyang pinapanood mo? We Bare Bears? That’s for kid!” Matalim ko itong tinignan dahil sa sinabi niya.
“May kamay ka. Kumuha ka roon at puwede ba? Huwag kang mang-istorbo. Get the hell away from me!
“And so what kung pang-bata ang pinapanood ko? I can watch anything I want,” dagdag ko. Nakakainis ang isang ito.
“Bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay ng mga kaibigan mo? O hindi kaya ay ayain mo silang mag-shopping,” aniya. I saw him leaning his back at the backrest of the sofa from my peripheral vision.
“I don’t have friends. At tigilan mo nga ang kakakulit sa akin. You are so annoying,” I mumbled while slowly chewing the popcorn I requested from Yaya Milan earlier.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
DiversosA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
