Almira: Bago ang Wakas 4

2.1K 119 9
                                    

Talasalitaan:

Layaw- Pampered, indulgence

Haligi ng tahanan- Father

Kumadrona- Midwife

Nag-dadalang tao- Pregnant

Sa mga hindi makaalala:

Panghimagas- Dessert

Katuwang- Concubine

Kabanata 4

"...ral."

"Heneral!"

"Ha?" gulat na tanong ni Rule sa kasamahan.

"Heneral, pinapatanong po nila kung kakain ka ba? Oras na po ng tanghalian."

Tinignan ni Rule ang orasan ng opisina nila. Labing-limang minuto nalang at ikalabing dalawa na ng tanghali.

"Um, mauna na kayo, hindi pa ako nagugutom," sabi ni Rule at binalik ang tingin sa binabasang papel.

Sumaludo ang kasamahan niya bago umalis. Nang siya na lang maiwan mag-isa sa opisina ay binaba niya ang hawak na papel at bumuntong hininga.

Isang buwan, halos isang buwan na siyang wala sa wisyo at palaging lutang. Ikaw ba naman iwanan ng babaeng gusto mo kinabukasan pagkatapos may mangyari sainyo, sinong hindi babagabagin ng pagtataka.

"Hah!"

Bumuntong hininga si Rule bago umubob sa lamesa. Pagkagising niya ay wala na sa tabi niya si Irah at ang pag alis nito na dapat ay sa susunod na bukas pa ay mas napaaga ng mismong araw ding iyon kaya't hindi niya ito nagawang makausap. Alam niyang iniiwasan siya nito!

Gusto niya itong sundan sa bayan nito sa Anuga pero hindi niya naman maiwan ang trabaho. Ang plano niya ay tapusin muna ang trabaho pagkatapos ay maglalakbay siya patungong Anuga, ngunit ang problema ay wala siyang matapos na gawain!

Umupo siya ng maayos at tinitigan ang mga dapat gawin at ipasa ngayong buwan.

Umayos ka, Rule! Hindi ka makaalis dito hangga't 'di mo 'to natatapos!

**********

"Binibini, parating na po ang Ginoong Seda kasama ang pamilya niya," balita ng katulong kay Irah.

Binaba niya ang mga hawak na papel. Opisyal na niyang minana ang titulo ng ama ng pagiging kapitan kaya't abala siya ngunit hindi niya pwedeng palampasin ang kaarawan nito.

Nagkaayos na sila ng ama niya. Humingi din ito ng paumanhin sa pagpilit sa mga gusto nito sakanilang magkakapatid. Mukhang dahil nawala ang tatlong anak niya ng sabay sabay ay natauhan ito. Ngayon ay wala itong ibang ginawa kung hindi ang bumawi sa bunso nila na si Seda at sa pamilya nito.

"Sige, susunod na ako, ipahanda na ang hapunan," utos ni Irah sa katulong, nag bigay galang naman ang katulong at lumabas.

Nag unat si Irah sa upuan, isang buwan na ang lumipas ng mangyari ang seremonya ng pagtanggap niya ng titulo ng ama at isang buwan na din simula ng may mangyari sakanila ni Rule at takbuhan niya ito.

Abala si Irah dahil wala pa siyang kalihim, ngunit kahit gaano kaabala, minsan ay tutulala siya sa hangin at maalala ang nangyari sakanila ni Rule.

Katulad nalang ngayon, nakatulala nanaman siya.

TOK. TOK. TOK.

Nabalik si Irah sa kasalukuyan dahil may kumatok ulit. Napamaang siya, kagagaling lang ng katulong dito, 'di ba?

Gayunpaman, "Pasok."

"Binibini, may ibang bisita pong dumating."

"Ibang bisista?" takang tanong ni Irah, sa pagkakaalala niya ay wala siyang inimbita. Baka si kuya Beron ang nagimbita?

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon