Kabanata 50

3.2K 205 31
                                    

Talasalitaan:

Bagwis- Wings

Bakunawa- Serpent like dragon that is in Philippine mythology

Katad- Leather

"Kamahalan, paparating ang kalaban!"

"Ano?!"

Napatayo si Lirik sa trono, paanong nalaman nila na dito ang kuta niya? Wala sa plano niya umalis sa palasyo ng Alanta hangga't hindi napupulbos ang dalawang bansa, ngunit sinasabi ngayon ni Lore na inaatake sila.

"Sa pangununa po ni..." nag alangan si Lore kaya't tinignan niya ng masama si Lirik.

"Heneral Almira, kamahalan," ang inaasahang galit ni Lirik ay hindi nangyari, bagkus ay ngumisi ito. Napakagaling talaga ng babaeng gusto niya.

Paparating na pala ang binibini.

"Ako ng bahala kapag umapak sila sa palasyo, ngunit dahil bilang ang alaga ko na nandito ngayon, gusto ko lang na siguraduhin niyo na walang hahadlang sa pagtatagpo namin ni Almira," utos niya, sumunod naman ang tatlo.

**********

Bumaba si Almira sa kabayo, kinuha ang espada niya at hinarap ang mga kasama, nasa lupa na ang mga ito at dala ang sariling mga Armas.

"Halughugin niyo ang buong lugar, ang sino mang tao na nasa loob ay kalaban, wag magaalinlangan na pumatay kung ayaw niyo kayo ang mamatay," panuto ni Almira, hindi niya na inantay ang sagot nila at naunang pumasok sa malaking tarangkahan.

Kabaliktadan sa inaasahan, napakatahimik ng lugar at walang umatake sakanila. Nakarating sila sa pintuan ng walang sagabal. Tumigil si Almira at buong lakas na sinipa ang pinto. Nagsimulang pumasok ang mga sundalo ng nakahanda ang armas at ang katahimikang sumalubong sakanila ay hindi nagtagal.

RAWR!

Tatlo agad ang namatay sa kasama nila sa pagsulpot ng halimaw, mukha itong tigre ngunit berde ang balahibo at sobrang lalaki ng mga pangil. Binitawan nito ang tatlong katawan na hawak sa bibig.

RAWR!

Nagsimulang makipaglaban ang anim sa kanila habang nagtuloy ang natirang hindi nakikipaglaban, ang plano nila ay magtuloy tuloy hanggang sa mahanap nila si Loyen.

Ngunit bawat liko nila ay may nakakasalubong silang halimaw, oso na may anim na paa, agila na kasing laki ng isang bahay, ahas na kayang lumunon ng isang buong tao.

Madalas makipaglaban si Almira sa gubat ng Kisol ngunit hindi siya nakakita ng ganito karaming halimaw sa isang lugar. Habang papalapit sila sa bulwagan ng trono ay paunti sila ng paunti.

Ang mga tao ay mahilig manatili sa mga lugar na nakakabit sa nakaraan nila, iyon ang pinaka dahilan kung bakit nila nadakip si Arus noon. Ganoon din ang nagyayari ngayon kay Loyen, ayon sa kwento ni Lagro kay Kayro, tungkol sa pagkapatay ng ina nito at paggiging konorohang prinsipe nito bago ipanganak si Lirik pinagpalagay ni Almira na pwedeng tatlong lugar ang maaring paglagian nito. Una ay ang bulwagan kung nasaan ang trono, pangalawa ay ang kwarto ng kinoronahang prinsipe, at ang pangatlo ay kwarto ng ina nito.

Ngunit mukhang mauubos sila bago pa man niya mapuntahan ang lahat. Naiwan si Deno at Maru sa huling halimaw na nakasalubong nila. Ngayon si Olen, Nair, at Daren nalang ang kasama nila ni Arus. Pagkakataon nga naman, masasabing kasama niya ngayon ang dating grupo, napangisi si Almira kahit hindi ito ang oras para doon, natutuwa siya makasama ulit ang tatlo.

Inalis niya ang ngisi sa labi, hiling lang ngayon ni Almira na sana, nasa bulwagan si Loyen. Tuloy sila sa pagtakbo ngunit napatigil nang may tatlong lalaking humarang sa kanila, ang dalawa ay magkamukha.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon