Kabanata 27

3.6K 230 58
                                    

Talasalitaan:

Salansanan- Shelf

Alo- console

"Sinungaling!" kalmado ngunit may diing sabi ni Almira.

Nabalot ng nakakabinging katahimikan at nakakatindig balahibong lamig ang silid kung saan nag pupulong ang buong grupo ni Sulong. Pagkatapos makarating ni Almira sa dormitoryo ay agad siyang sinundo ni Seda para sa biglaang pulong at para ipaalam ang nakakabasag ng puso na balita, patay na si Migo... patay na ang dakilang bantay ng Paygo.

"Bi-"

Hindi naituloy ni Maru ang sasabihin dahil ibinaling ni Almira sakanya ang tingin, gusto niyang sabihin na maski sila ay hindi makapaniwala sa nangyari pero parang may pumutol sa dila niya ng malamig siyang tinignan ni Almira.

"May sinasabi ka, kapitan, ituloy mo," malamig na sabi ni Almira ng makita na itinikom na ni Maru ang bibig niya.

Pero kahit sinabi iyon ni Almira, ang mata nito ay pinapahiwatig na kapag may kahit sinong magsalita ng hindi niya nagustuhan, walang alinlangan niyang pahihintuin ang hininga ng taong iyon.

Dalawang heneral, dalawang kapitan, at tatlong sarhento ang nasa loob ng silid, ngunit lahat sila nasasakal sa presensyang nilalabas ni Almira, pakiramdam nila daig pa nila ang nakaharap sa dalawang hari.

"Almira, pwede mo kaming tawaging sinungaling ngunit hindi kami magsasabi ng ganitong balita kung hi-"

BLAG!

Hindi na naituloy ni Sulong ang sasabihin sa kapatid dahil bigla nitong ibinagsak ang kamay sa lamesa.

"Saka na tayo magusap kapag handa na kayong sabihin ang gusto ko madinig," malamig nitong sabi at walang pakialam na lumabas ng pinto. Napabuntong hininga si Sulong.

"Rule, Seda, bumalik na kayo sa pagbabantay sa dalawang prinsipe, tapos na ang pulong," utos ni Sulong tumango ang dala at mabilis na lumabas, dahil sa totoo lang, panandalian lang sila pumunta dito para makumpleto sila.

"Heneral, mawalang galang na pero gusto ko lang itanong, bakit ganoon si Binibining Almira? Sobrang layo niya sa mga babaeng kilala ko," sabi ni Deno, alam niya na maraming naitulong si Almira sakanila ngunit hindi siya sanay sa babaeng kayang magpatahimik ng pitong lalaki gamit lang ang presensya at mata niya.

"Trinato siya ni ama na hindi iba saamin ni Rule, pantay na karapatan at pantay na pagbibigay ng pangangailangan... pero hindi ko alam, mas matanda kami ni Rule kay Almira pero minsan mas magaling pa siya saamin," sumusuko ding sabi ni Sulong, walang umimik sa apat na natira sa silid.

"Noong una nga siyang makapatay ng halimaw ay pitong taon lang siya at walang wastong pagsasanay... kalimutan niyo ang sinabi ko 'yon."

Lalong natahimik ang buong kwarto.

"Siko, Maru, samahan niyo ako at aasikasuhin natin ang lamay ni Migo, kayo naman, Deno, Siyo, pumunta kayo sa palasyo ng Maharlika para madala dito ang labi niya," pag-iiba ni Sulong ng pinaguusapan saka lamang nawala ang katahimikan at sabay-sabay naman silang tumayo at inasikaso ang dapat gawin.

**********

Naglalakad na si Almira sa loob ng paaralan dahil hindi naman kalayuan ang kuta nila sa paaralan, mabilis siyang nakabalik. Tumigil siya sa kung nasaang parte man siya ng paaralan at napaupo, niyakap ang tuhod.

Tahimik ang gabi, walang tao, at masasabing payapa. Pero sa paningin ni Almira napakagulo ng mundo, gustong niyang magwala at sumigaw o kaya naman umiyak nang umiyak. Ngunit pag ginawa niya iyon ibig saihin ay tinatanggap niyang patay na nga si Migo.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon