Kabanata 48

3K 199 24
                                    

Talasalitaan:

Asotea- Terrace

Pampang- Sea shore

Magkasamang ipinadala si Rule at Irah sa Aar kung nasaan ang kaharian ng Hinirang. Si Rule ang naatasan mamahala sa pagsasanay ng mga sundalo ng Hinirang, habang si Irah naman ang namamahala sa mga miyembro ng Anino.

Kung nakakamatay lang ang pagtingin ng masama, kanina pa nakabaon sa lupa ang mga lalaking pumuporma kay Irah. Isang linggo ng ganito ang senaryo. Nang mapatuyan kasi na may kakayahan ang mga kababaihan ay nagsimulang lapitan ng mga sundalo si Irah at nagdahilan na magpapaturo. Kahit kasi gupit lalaki, hindi maikakaila na maganda pa din si Irah at wala namang magawa si Rule kung hindi tignan lang ang mga lalaking iyon ng masama.

"Kausapin mo na kasi siya, heneral."

Napalingon si Rule kay Siyo na nagsalita. Kasama nito ang kakambal na si Siko at parehas na nakasabit ang pana sa likod.

Mukhang galing ito sa pagsasanay ng mga arkero na nasa kabilang bakuran lang. Sa Hinirang galing karamihan ng magagaling na arkero kaya't minabuti ni Almira na isama kay Irah at Rule ang kambal para sila nga ang nagsasanay sa mga sundalong humahawak ng pana.

"Tapos na kayo?" tanong ni Rule para maiba ang paksa, alam na kasi ng buong grupo nila ang tungkol sa kanilang dalawa ni Irah, kinuwento lang naman ng magaling niyang kapatid na si Almira.

Nainis siya nung una niyang malaman na alam na ng lahat ngunit nawala din agad dahil alam niyang wala ding saysay kung magagalit siya.

"Oo henral, tapos na kami," sagot ni Siyo. Akmang magsasalita si Rule ngunit inunahan siya ni Siko.

"Sandali, heneral, wag mo munang baguhin ang usapan... wala ka bang plano kausapin ang Tinyente Se... ibig ko sabihin Binibining Irah."

"Sa totoo lang, Heneral Rule. Hindi namin planong mangialam ni Siyo sayo, pero... isang linggo ka ng tingin ng tingin ng masama sa mga lumalapit kay Binibining Irah at pasensya na pero, ang sakit mo sa ulo tignan... wala ka ba talagang plano lapitan siya?" tanong ni Siko.

Napaisip naman si Rule, simula ng mahuli ang buong grupo nila Irah ay hindi niya pa ito nakaka-usap na hindi trabaho ang paksa. Tinanaw ni Rule si Irah, nakikipagtawanan at kwentuhan ito sa mga sundalo.

Hindi ko alam kung hindi mo napapansin na sinusubukan ka nilang pormahan o talagang wala ka lang pakialam.

"Heneral alam mo ba kung bakit kami pinasama ni Heneral Almira dito?" nabaling ulit ang atenyon ni Rule kay Siko.

"Uh... dahil kailangan niyo turuan ang mga arkero na galing dito?"

"Diyan ka nagkakamali, heneral. Masyadong nagaalala si Heneral Almira na magka-ilangan kayo ni Binibining Irah kaya pinasama niya kami."

"Pero nandito ka, walang ginawa kung tumitig imbes na kausapin ang binibini," dagdag ni Siyo sa sinabi ng kapatid.

Napabuntong hininga si Rule, natamaan siya sa sinasabi ng kambal pero hindi na siya nainsulto. Palibhasa silang tatlo ang pinakamalapit kaya't kahit napakapranka ng dalawa ngayon ay wala lang sakanya. Binaling niya ulit ang mata kay Irah.

"Hindi ko alam kung paano magsisimulang kausapin siya... magtanong ba dapat ako? Kamustahin ko ba dapat siya? Hindi ko alam kung paano kami maguusap ng hindi nagkaka-ilangan," bulong ni Rule ngunit sapat para marinig ni Siko ay Siyo. Nagkatingin silang magkapatid at...

"Hahahahahahahaha!" sabay na tumawa, tinignan sila ni Rule.

"Alam niyo, napakasama niyong dalawa, kita niyong nagseseryoso ako dito," asik niya ngunit imbes na tumigil ay lalong tumawa ang dalawa.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon