Kabanata 28

3.6K 220 3
                                    

Talasalitaan:

Kinatawan- Representative

Talhib- Tall Grass

Puntod- Grave

Walang lamay na naganap at pasikreto ang paglibing ang nangyari kay Migo, piling tao lang ang mga nakipaglibing. Kasama doon ang buong grupo ni Sulong, bilang pagbibigay galang sa sakripisyo ni Migo, ipinaalam nila sa mga hari na silang pito ay dadalo sa libing nito. Ang pamilya ng Paygo ang nag-ayos ng lahat dahil ulila si Migo.

May pinadala ding tao ang dalawang hari para mag silbing kinatawan nila. Si Mariya at Teresa ay patuloy ang pagiyak habang inilulubog ang kabaong ni Migo sa lupa, halos parang anak na din nila ang binata nalulungkot sila na hindi man lang nila ito makita na magkapamilya.

Si Aro at Sado ay tahimik lang ngunit bakas sa mukha ang lungkot, ganoon din ang sitwasyon para sa kina Sulong at sa grupo niya. Si Almira naman sa isang banda na nakasuot ng itim na bestida, belo at sombrero. Walang emosyon ang mukha, walang lungkot o hinagpis sa ekspresyon, sadyang blanko.

Maaliwalas ang panahon na para bang walang malungkot na nangyari sakanila, matapos matabunan ng lupa ay sabay-sabay na inuluhod ng pitong sundalo ang isa sa tuhod nila sa harap ng puntod bilang pagbibigay karangalan sa namatay na kasamahan.

**********

Natapos ang libing ni Migo, umalis ang kambal para bumalik sa pagbabantay sa dalawang prinsipe. Ngunit sumama si Almira sa kuta ng grupo nila, pinapakiramdaman siya ng limang lalaki na natira ngunit binigyan niya lang sila ng malamig na pakikitungo.

Pagtigil ng karwahe sa kuta nila, nanguna si Almira sa pagpasok sa opisina at kinuha ang isa sa espada na nakasabit sa dingding, humarap siya sa kagrupo na nakasunod sakanya.

"Mga heneral, mag ensayo tayo," malamig niyang sabi at lumabas ng opisina para pumunta sa kabilang kwarto kung saan pwede silang maglaban.

Nagkatinginan ang buong grupo at ibinaling ang tingin kay Sulong at Rule, silang dalawa lang henral sa kwartong iyon. Napailing si Sulong bago kumuha ng sariling espada.

"Rule, halika na, kailangan natin tulungan maglabas ng sama ng loob yung isa," malokong sabi ni Sulong, napalunok naman ng laway si Rule bago tumango bago kumuha ng sariling espada sa pader.

"Heneral, sigurado po ba kayo?" tanong ni Deno, nginitian lang siya ng magkapatid.

"Kung gusto niyo pwede kayo manood," sagot nalang ni Sulong bago hilahin ang sariling kapatid papunta sa kabilang silid. Sumunod naman ang tatlo sakanila.

Pagpasok ay nakita nila na prenteng nakaupo si Almira sa gitna ng walang lamang kwarto habang nakatusok ang dulo ng espada niya sa lapag. Mukha siyang alagad ng Anito na gabay ng kamatayan at handa na silang sunduin dalawa.

"Diyan lang kayo sa gilid," utos ni Rule sa tatlo.

Sabay silang lumapit ni Sulong kay Almira, tumayo ang dalaga mula sa lapag at binigyan silang dalawa ng ngisi.

Sabay na kinilabutan ang magkapatid, ganitong ganito ang nangyayari sakanila kapag may atraso sila sa kapatid. Idadaan iyon ng kapatid nila sa ensayo pero pupuruhan sila nito bago matapos ang laban. Ngunit sa pagkakatanda nila, wala silang ginawang kasalan dito! Ang akala lang nila ay gusto nito maglabas ng lungkot, kung alam nila na may tampo ito sakanila, hindi sila papayag na makipaglaban dito!

"Almira, san-" TING!

Hindi na natapos ni Rule ang pag pigil kay Almira dahil inatake nito si Sulong na agad ding dumepensa, napailing nalang si Rule at inatake din ang kapatid.

TING. TING. TING!

Pagtama ng espada ng tatlo lang ang maririnig sa silid, si Almira laban kay Sulong at Rule, napanganga naman sa gilid si Seda, Deno, at Maru. Anong klaseng halimaw ba si Almira at nagagawa niyang labanan ang dalawang heneral ng sabay? Ngayon pa lang ay manghang mangha na sila, paano kaya kapag nalaman nila ang laban ni Almira sa mga hari?

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon