Kabanata 14

5.8K 413 34
                                    

Talasalitaan:

Piitan- Jail, dungeon, prison

Burda- Stitched

Kitilin- Kill

Pangamba- Fear

Hindi hinarap ni Almira si Ranu nang tinanong niya ito ngunit nang maramdaman niya ang pagtango nito sa katangungan niya ay napangiti siya. Inangat niya ang bestida at isa isang niyang binunot ang mga punyal na dala niya gamit ang kaliwang kamay at ipinatama sa binti, braso at balikat ng nasa kanan niya. Dahil sa bilis ng pangyayari at hindi handa ang kalaban ay nabitawan nila ang espada, hindi naman nagdalawang isip si Almira na pulutin iyon habang gulat pa silang lahat.

Ganito, ganito ang napapala kapag minamaliit ang kalaban! Umatake si Almira at nagsimula siyang pagtulungan ng dalawa sa kalaban. Ngunit madali niyang nasasabayan ang dalawa dahil hindi naman ganoon kapulido ang pag gamit ng mga ito ng espada,ngunit hindi niya namalayan na napalayo siya sa prinsipe.

"Tigil, prinsesa, kung hindi ay gigilitan ko ng leeg ang prinsipe."

Huli na ng mapagtanto ni Almira na wala na sa tabi niya si Ranu at hawak na ng isa sa kanila ang prinsipe at ngayon ay may nakatutok na punyal sa leeg nito, napatigil siya at ang dalawang kalaban niya.

"Bitawan mo ang espada," utos ng lalaki, nairita siya, napakadumi talaga!

Tinignan niya si Ranu at nakita niya ang takot sa mga mata nito, lalo namang kumulo ang dugo niya sa kalaban ngunit ng magsalubong ang mata nila ni Ranu ay binigyan niya ito ng ngiti.

Nakatitig si Ranu sakanya at nakita ng batang prinsipe ang pagpalit ng kulay ng mata ni Almira habang binibitawan ang espada, kulay pula. Ngunit hindi nakadama ng takot si Ranu, bagkus ay nawala ang kaba niya kahit may nakatutok na punyal sa leeg niya. Para siyang inaalo ng mga pulang mata ni Almira.

Akala mo ay napakabagal ng lahat dahil lahat ng kalaban ay nakatingin sa paglapag ni Almira ng espada. Hindi nila napansin ang paghigit nito sa punyal mula sa hita gamit ang nagdurugong kanang kamay.Tuluyang binitawan ni Almira ang espada kasabay ng pagbato niya ng punyal sakto sa kamay ng lalaking may hawak kay Ranu.

TING. TING. TING!

Nabitawan ng lalaki ang punyal at nalaglag sa lupa, napunta doon ang atensyon ng dalawa pang kalaban kaya't kinuha ni Almira ang pagkakataon na iyon upang pabagsakin sila na agad niya namang nagawa.

Sabay na bumagsak ang dalawa at tumakbo naman payakap sakanya si Ranu, nilingon niya ang natitirang may malay pa, tinignan niya ito at nabato ang lalaki dahil sa kulay ng mata na nakita niya. Habang nakayakap ang isang braso kay Ranu ay ginamit niya ang kabilang kamay para ilabas ang punyal, binaliktad at hinawakan ang talim at simpleng binato sa lalaki. Sakto itong tumama sa noo ng lalaki at kagaya ng iba, bumulagta ng walang malay.

Naramdaman ni Almira na nabasa ang damit niya, tinignan niya si Ranu na ngayon ay umiiyak, malamang ay nakaramdam ito ng takot.

"Shh! tahan na, kamahalan, ayos ka lang. Ayos ka lang."

Hinagod niya ang likod nito at pinunasan ang luha habang nakatingala sakanya. Palibhasa ay hanggang bago niya lang ito magdibdib.

"Yung mata mo," utal utal at humihikbing sabi ni Ranu, bumalik na kasi ang kulay nito sa kulay kape.

Ngumiti si Almira, mukhang hindi niya naitago ang galit kahit may batang kaharap.

"Sikreto natin iyon, kamahalan," pilya niyang sabi kaya't niyakap siya ni Ranu at tumango tango habang humihikbi.

**********

Bumukas ang pintuan ng bulwagan at inuluwa si Almira at ang ikatlong prinsipe na nakayakap sa bewang niya, parehas silang may dugo sa damit at mukha kaya't nagkagulo ang lahat ng nandoon.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon