Kabanata 40

2.8K 203 27
                                    

Malayo sa palaging suot at itsura ni Seda o mas magandang sabihin na si Irah, ay nakabestida ngayon dahil dumalo siya sa pagdiriwang ng ika-sampung taon ng Anino. Kanina pa siya nandirito sa malaking pampublikong bulwagan ng Hana na pwedeng upahan, kung hindi kakain ay igagala niya ang mata. Bukod sa marangyang palamuti at disenyo ng bulwagan, pansin niya ang pagkakakilanlan ng mga taong nandito.

Mapababae o lalaki, lahat sila ay kilala sa mundo ng pangangalakal, nakakita din siya ng mga kriminal na nagbagong buhay, may mga tao na kilala bilang muntik ng mawala ang titulo nila sa pangalan ngunit nakabangon, may mga sundalong labas din, at kung hindi siya nagkakamali, may mga ministro na natanggal sa posisyon. Ang iba ay hindi niya na alam kung saan niya nakita, ngunit pamilyar ang lahat.

DING. DING. DING.

Napalingon ang lahat sa may entablado kung saan may nagpatunog ng kampanailya. Nandoon ang isa sa kanilang tagapamahala na kung tawagin ay Na.

"Alam ko na kanina niyo pa iniintay na ipakilala ang tao na nasa likod ng Anino, at hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, aking ipinapakilala ang utak sa likod ng anino... Ginoong Lirik."

Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao sa pag akyat ng isang lalaki sa entablado. Nagsabi ito ng salita ng pasasalamat, ngunit bago ito matapos sa sasabihin ay may biglang nagsalita na lalaki.

"Ginoo, nasaamin ang pasasalamat sa ikalawang pag-asang binigay mo," pagkatapos ay iniluhod nito ang isa sa tuhod na para bang nagbibigay galang.

May pumangalawa sa ginawa ng lalaki, may pumangatlo, may pumangapat, at hindi nagtagal ay nakasadsad sa lupa ang isa sa tuhod ng lahat, maski si Irah. Oo, ganoon kalaki ang respeto nila sa taong si Lirik kahit ngayon palang nito nakilala, wala ni isa sa taong nasa harap niya ngayon ang babaliktadin siya. Alam iyon ni Lirik dahil bukod sa pera, ay sa konsepto ng katapatan niya nabuo ang Anino.

"Tumayo kayo, sapat na ang pagpalakpak, hindi ko kailangan ng magarbong pagtanggap," sabi ni Lirik sa kanila kaya isa isa namang tumayo ang lahat.

"Hindi lang ang pagpapakilala ko ang ipinagdiriwang natin dito, kung 'di ang sampung taon na pananatili ng Anino, at hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa katapatan niyo... kaya't magpakasaya ang lahat."

Muling nagpalakpakan ang mga tao. Bumaba si Lirik sa entablado. Hinagod ng tingin ni Irah ang lalaki na naglalakad papalapit sakanya, ang berde nitong mata na kilalang kilala niya at ang itim nitong buhok na ngayon ay purong pula na ang kulay.

"Ginoo," bati niya ng tumigil ito sa harap niya.

"Mag-usap tayo."

**********

"Heneral nahanap na namin ang taong nagmungkahi ng Anino."

Panimula ni Ludis, makatapos ang halos pitong oras na paghahanap nila sa katitikan ng pulong ay nahanap din nila. Ngunit nakatulala lang si Almira sa kanila.

"Heneral?" tawag pansin ni Sulong.

"Sandali lang, manahimik muna kayo," sabi ni Almira kaya naman ilang minuto silang nabalot ng katahimikan.

Bawat isa may kanya kanyang iniisip, halos lahat ay ang dalawang prinsipe, ngunit naiba si Rule na si Seda ang laman ng utak. At ang kambal na Arda, sila ang nakita nila sa katitikan ng pulong at ang nabasa nila doon ay pwedeng ikagulo ng lahat.

"Ituloy mo kamahalan," utos ni Almira makatapos patayin ang kahit ano mang emosyon sa loob niya at maisaayos ang mga sasabihin.

"Gaya nga ng sinasabi ko nahanap namin ang katitikan ng pulong at ang taong nagmunkahi ng pagtatatag ng A-"

"Huhulaan ko," naputol si Ludis sa pagsasalita ni Almira.

"Gobernador Heneral Pillo Marka, hindi ba?" mas pahayag na sabi ni Almira kesa patanong. Napatingin lahat sakanya, maski si Rule, paano niya nalaman?

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon