Kabanata 52

3.8K 208 9
                                    

Prenteng nakaupo si Almira habang inaantay ang doktor niya. Madalas, natural na naalis naman ang tahi pero nang sinabi niya doon sa tatlo na siya na lang magaalis, pinagalitan at sinermonan siya. Ituring niya na lang daw ito na check-up niya.

"Uh, Miss Almira Fuego?"

"Yes ako nga," pagkukumpirma ni Almira sa naka-coat na doktor niya, pumasok ito at umpupo sa swivel chair.

"You're not Doc Michael"

"Oh, he's my cousin, nadelay yung flight niya ng dalawang oras kaya ako muna ang sumalo ng shift niya, I'm Lyric Andrada, you can call me Lyric."

"Oh, yeah. Nice to meet you, Doc Arthur."

"Excuse me, Arthur?"

"Uh, yes, sabi mo, Arthur ang name mo," napamaang si Lyric, nagkamali ba siya ng pagpapakilala? Ang alam niya, Lyric ang ibinigay niyang pangalan.

"May problema ba, doc?" tanong ni Almira, umiling naman si Lyric. Tinignan niya ang records ni Almira.

"So, pwede ko ba tignan yung tahi mo?" tumango si Almira at nagsimulang hubadin ang pangtaas.

"Wait, Miss Fuego, what are you doing?!" tarantang reaksyon ni Lyric at napatayo pa pero tinuloy lang ni Almira ang paghuhubad.

"Here."

Inalis ni Almira ang benda sa bewang niya. Tinitigan naman siya ni Lyric, she's wearing a sports bra, bigla naman nakaramdam ng hiya si Lyric, sobrang pagod niya, kung ano anong pumapasok sa utak niya.

Tumikhim siya bago kuhain ang mga gamit, lumapit siya kay Almira. Umupo sa lamesa si Almira at umupo naman si Lyric sa kanina nitong inuupuan.

"Excuse me, then," sabi niya at nagsimulang tanggalin ang labindalawang tahi ni Almira sa tagiliran.

Habang ginagawa niya ang trabaho ay hindi niya maiwasan mapansin ang mga ibang peklat ni Almira. Meron sa kaliwang bewang at may dalawa na malapit sa diaphragm.

"Ayos na," sabi ni Lyric pagkatapos lagyan ng bagong gauze at tape ang sugat ni Almira.

Sinuot ni Almira ang damit ngunit hindi lumampas sa tingin ni Lyric ang peklat nito sa magkabilang balikat at sa bandang gitna ng likod na hindi natatakpan ng sports bra.

Inayos niya ang mga ginamit sa isang gilid at kinuha ang stethoscope, flashlight, thermometer, blood pressure machine at ilan pa na kakailanganin para sa check-up ni Almira. Nagsimula siyang i-test lahat kay Almira at makatapos ay umupo sa upuan.

"Miss Fuego, you are fine physically... regular ba ang menstruation mo?" tumango si Almira.

"How about dizziness, for the past six months, hindi ka ba nakakaramdam ng hilo?" umiling si Almira.

"Okay, then you're good," sabi ni Lyric, tumango nalang ulit si Almira at nagpaalam. Pagkalabas ni Almira sa opisina ay napasandal si Lyric sa upuan.

I'm tired.

**********

Seryoso ang tingin ni Heneral Madrid sa sobre na nasa lamesa niya. Bumuntong hininga siya bago tignan si Almira.

"Sigurado ka ba dito, Major Fuego?" tanong niya sa dalaga, pero bago pa ito makasagot ay inunahan niya ito.

"No, let me ask again, Almira, seryoso ka dito?" may ngiti na tumango si Almira.

"Yes, general."

"Almira, kung pagod ka, you can take a leave bu-"

"General, for the past days, nag isip ako. Kung bakit parang may nag iba saakin pagkatapos kong magising sa coma... but no matter how hard I think, I can't find the reason why."

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon