Kabanata 41

2.7K 207 6
                                    

Talasalitaan:

Patibong- Bait

Nagliliwanag dahil sa lampara ang kaninang madilim na ilalim na kwarto na nakita ni Almira, kagaya ng nauna ay wala silang nakitang tao dito ngunit natagpuan nila ang dalawang upuan na may naiwang tali. Isang baso sa lamesa na may natirang alak at upos na sigarilyo.

Sa ngayon ang grupo lang ni Almira ang nandito sa baba, habang nagbabantay ang lahat sa taas at sa labas. Hindi sapat ang mga nahanap nila, ngunit malaki ang posibilidad na dito nanatili ang mga prinsipe.

"Maghanap tayo ng kahit ano... kahit anong kahinahinala, kailangan may mahanap tayo!" matigas niyang sabi.

Nagsimulang maghanap ang grupo niya habang nagmamasid ang mga prinsipe heneral. Tatlumpong minuto ang lumipas at kulang nalang ay pasukin nila kahit ang pinakamaliit na butas na makikita ngunit kahit anong senyales na kung nasaan napunta ang mga prinsipe ay walang lumabas.

"Heneral, tingin ko, hindi tayo makakahanap ng kahit ano dito," sabi ni Rule, nagsimula naman kumulo ang dugo ni Almira, nakaramdam siya ng matinding inis.

"Heneral, sandali, ano 'yon?" tanong ni Namis bago pa man sumabog si Almira. Napatingin sila sa tinuturo nito na likod ng nakabaliktad na upuan.

Lumapit si Almira doon at binuhat ang upuan para siyasatin ang nakalagay doon. Isa iyong sulat ng baybayin sa natuyong dugo.

Tinitigan niya at binalibaliktad ang upuan ngunit hindi niya mabasa, ang nakikita niya lang ay ang letra ng baybayin ng pa at n. Ganoon din ang ginawa ng iba, sinusubukang basahin ang makalat na dugo.

"Heneral, heneral!" napatingin ang lahat kay Siyo na biglang masiglang nagsalita.

"Alam ko ang nakasulat... Palan."

"Ah!" biglang may nagliwanag ang isip ni Almira, may sinabi si Kayro tungkol sa Palan.

"Ang alam ko ay nasunog siya kasama ng bangkay ni Nerisa sa bahay nila sa Palan, ngunit mukhang nakaligtas pa siya"

"Tama, sige, Heneral Sulong paki handa ang kalapati, susulat ako sa mga hari at..."

"Ihanda ang detalyadong mapa ng Palan."

"Mamaya na ako magpapaliwanag, bilisan niyo, kilos!" sabi niya at nagsimula naman kumilos ang lahat at nagsimulang umakyat.

Naglakad siya paakyat pagkatapos makaakayat ng lahat. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya ang upuan, Palan, mukhang narinig ng isa sa mga prinsipe kung saan sila dadalhin at nagiwan ng senyales para mahanap sila.

**********

Tama si Almira sa hula tungkol sa sulat, dahil nga gising si Isagani ng mga panahon na nagusap si Lirik at Irah, narinig niya na dadalhin sila sa Palan at dali dali niyang sinugatan ang hintuturo para maisulat sa likod ng upuan niyang kinatatalian ang 'Palan.'

Hindi niya alam kung naisulat niya ng maayos ngunit nagbabakasakali siya na may makakita at mahanap sila ng mga ito.

"Urgh!" daing niya ng tumama ang ulo niya, hindi ata maayos ang lipad nila.

Kasalukuyan siyang may busal sa bibig at nakabaluktot sa masikip na karwahe. Mas maganda ata kung tulog siya dahil bukod sa kahihiyan na nararamdaman niya dahil sa sitwasyon na kinalalagyan ay ramdam niya nag bawat pagtama ng katawan niya sa kung saan kapag may umaalog ang karwahe.

Tinapunan niya ng tingin si Ibarra na ang lalim pa din ng pagtulog kahit na umaalog ang sinasakyan nila. Nabuntong hininga siya, kung sino man ang taong inatasan na mag ligtas sa kanila, hiling niya na sana ay dumating na sila.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon