Kabanata 6

8.9K 469 54
                                    

Talasalitaan:

Silid-aklatan- Library

Tarangkahan- Gate

Pergamino- Parchement paper

Pantas- Wise men

Departamento ng Patnubay- Guidedance department

Serbidora- Waitress

Kubyertos- Tableware

Napatigil ang dalawang hari sa kanilang kinatatayuan, nasa harapan nila si Almira, naka-krus ang mga braso dahil sa mata ni Largo nakatutok ang dulo ng punyal nito at sa leeg naman ni Kayro ang talim ng espada. Hawak pa ni Kayro ang espada niya ngunit alam niyang isang maling galaw niya ay pwede siyang gilitan ng leeg ng babae.

Napatingin ang dalawang hari sa mata ng dalaga, sinong mag aakala na may kamamanghaan pa sila? Iba ang kaba at sindak na dala ng mata ng dalaga, pakiramdam nila ngayon ay kaharap nila ang Anito na gabay ng kamatayan.

Pero unti unting nawala ang kaba nilang dalawa nang linayo ni Almira ang espada at punyal sakanila at marahang yumuko sakanilang dalawa. Tumayo mula si Kayro mula sa hindi inaasahang pagluhod dahil sa sipa ni Almira.

"Isang malaking karangalan ang makalaban kayo, mga kamahalan, hiling ko lang na sana ay nagawa kong makamit ang inyong tiwala," eleganteng sabi ni Almira habang nakayuko, sabay na tumikhim dalawang hari.

Sa totoo lang, nakakahiya sa pakiramdam nila ngunit mga hari sila, dapat nilang marangal na tanggapin ang isang pagkatalo... kahit na babae pa ang nakatalo sa kanila.

"Huwag kang mag alala, nakuha mo na," wika ni Kayro.

"Salamat, kamahalan," sabi niya habang nakayuko padin.

"Tumayo ka diyan at ipagamot ang iyong sugat sa pisngi," sabi ni Largo na sinunod niya naman niya. Tinignan niya ang dalawang hari, pula padin ang mga mata ng dalaga, nginitian niya si pagkatamis tamis, napamaang ang dalawa.

Nagtataka sila kung ito ang parehas na taong nakalaban nila kanina? Ibang iba ang ngiti nito kanina sa ngiti nito ngayon. Ibang iba, akalain mong kaya palang ngumiti ng babae na parang araw dahil sa liwanag.

********

"Isagani, alam mo ba na may darating na bisita?" tanong ni Ibarra, ang itinakdang prinsipe ng Maharlika. Kagaya ng ama, ang kulay na mata ay asul at ng buhok ay abo. Isinara ni Isagani ang librong binabasa.

"Bakit, pinapasalubong din ba sayo ni Haring Kayro ang darating na bisita?" tanong din ni Isagani. Tulad ng ama, may dilaw na buhok at kahel na mata, ang itinakdang prinsipe ng Hinirang.

"Ibig ba nitong sabihin ay, parehas tayong inutusan ng kanya kanya nating ama upang salubungin ang prinsesa?" hindi makapaniwalang tanong ni Ibarra at itinigil ang pag hahanap ng libro.

Ang dalawang prinsipe ngayon ay nasa silid-aklatan at nagbabasa, dahil sa totoo lang ay gusto nilang takasan ang kanilang mga bantay, at ang tanging lugar lang na hindi sila nito masundan ay silid-aklatan.

"Mukhang ganoon na nga, ang sabi saakin ni ama ay aalisin niya ang mga bantay ko kapag sinalubong ko ang parating na prinsesa," iritableng sabi ni Isagani, napaawang naman ang labi ni Ibarra, paanong hindi? Iyon din ang mismong sinabi sakanya ng kanyang ama!

Napapikit siya sa inis na nararamdaman, prinsesa? Gaano ba siya kaimportante? Babae padin siya!

"Sasalubungin mo ba siya?" tanong ni Ibarra kay Isagani, ibinalik naman ni Isagani ang hawak niyang libro sa lalagyan.

"Kung gusto kong mawala ang mga bantay ko, wala akong pagpipilian," buntong hininga ni Isagani, kaya't napabuga din si Ibarra ng hangin, nakakairita.

Tinigan ni Ibarra ang orasan na nasa loob ng aklatan ng kasaysayan, ika-labing dalawa na ng tanghali. Ganitong oras ang sinabi ng kanilang mga ama na darating ang prinsesa.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon