Kabanata 45

2.9K 216 11
                                    

Talasalitaan:

Sangay- Branch, Division

Asiwa- Uneasy

Dalawang linggo ang lumipas ng maayos ang gulo na ginawa ni Lirik. Bukod sa ilang bulungan at kwento na kumalat ay masasabing nakabalik na ang lahat sa nararapat nitong kalagyan. Ang mga prinsipe, prinsipe heneral, at hari sa kanya kanyang palasyo, pagkatapos maayos ang posisyon ni Lirik ay bumalik ito sa kanya kanyang tungkulin.

Si Lirik, si Irah, si Olen, Nair at Daren na binigyan ng kaparusahan ng habang buhay na paninilbihan sa palasyo ay kasalukuyang ginagampanan ang inatas sakanilang trabaho. Samatala si Pillo ay inalisan ng titulo, binawi ang mga ari-arian ng Marka at inalis din sa pagiging kinoronahang prinsesa si Madaris.

Si Almira kasama ang mga kapatid niya ay bumalik sa bayan nila sa Kisol dahil nalaman ng magulang nila ang nangyari sa Palan at masyadong nag-alala ang mga ito. Isang katakot takot na sermon ang inabot nilang magkakapatid sa dalawang ina. Pinagsabihan din sila ng ama na wag magsesekreto ng ganoon kalaking bagay sa kanila. Pagkatapos noon ay inilaan nila ang oras para sa kwentuhan sa mga nangyari, maliit na pagdiriwang para sa pagiging heneral ni Almira at pagpapahinga.

Ngunit ngayong araw na ito ay babalik na ang magkakapatid sa Wan dahil nagpadala ng liham si Kayro at pinababalik sila dahil muling nanaginip si Tala.

"Wag kayong magpapalipas ng gutom, naririnig niyo ba ako?" sabi ni Teresa.

"Matulog din kayo ng maayos, wag masyadong subsob sa trabaho," bilin ni Mariya, nagkatinginan ang tatlo, medyo mahirap ang pinapagawa ng magulang nila.

"Hindi niyo sasagutin ang mga ina niyo?" tanong ni Sado.

"Masusunod po," pilit na sagot ng tatlo.

"Mag iingat kayo," sabi ni Sado, tumango ang tatlo at binigyan ng yakap ang mga magulang bago sumakay sa kanya kanyang kabayo.

Kumaway si Teresa at Mariya sa palayong karwahe ng mga anak habang nakatanaw lang si Sado. Nanatili sila doon hanggang lumipad at mawala sa balintataw nila ang sinakyan ng mga anak.

**********

Sa loob ng isa sa bulwagan ng palasyo ng Nal ay nagtitipon ang mga mahahalagang tao, kabilang sina Deno, Maru, Siko, at Siyo. Ilang mga heneral, ang grupo nila Olen, Irah, Nair at Daren at syempre ang mga prinsipe heneral, si Namis, Ludis, at Lirik.

Ang pangalawang kaguluhan na susubok sa tibay ng dalawang kaharian ay mapapaaga ang dating, iyan ang mismong sinabi ni Tala kaya nga mabilis na pinatawag ni Kayro at Lagro ang mga taong nasa loob ngayon ng bulwagan para magplano at pagtibayin ang depensa nila para sa hindi kilalang kalaban.

Ngunit, mukhang mahuhuli ng dating ng magkakapatid na Paygo, hindi alam ng iba kung saan nakakuha ng lakas ng loob ang magkakapatid na iyon na pagintayin ang tatlong prinsipe heneral.

ENG!

Napalingon ang lahat sa pag-ingit ng pintuan, mula doon ay pumasok ang magkakapatid na heneral, hindi sila nakabaluti o uniporme gaya ng mga tao na nasa loob ng bulwagan ngunit walang may lakas ng loob pumuna sakanila. Marahan silang yumuko bilang pagbati at umupo sa kanya kanyang pwesto. Pagkaupo ay nagkasalubong ang mata ni Almira at Lirik, sampung araw silang hindi nagkita. Pagkatapos mag usap ng masinsinan sa tagsulok na kwarto ay ngayon nalang nila nakasalamuha ang isa't isa dahil sa sobrang abala.

"Umh!" tumikhim si Almira at nagiwas ng tingin, "Magsimula na tayo."

"Ayon kay Tala, anong nakita niya?"

"Ang sabi niya ay aatakihin tayo ng mga hindi mabilang bilang na halimaw, sisirain at guguluhin ng mga ito ang mga tao at maraming mamatay," sabi ni Ludis.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon