Kabanata 17

6.1K 330 51
                                    

Talasalitaan:

Batis- Pond

Pulot- Honey

Karagatan- Sea

Hagkan- Kiss

Kwadra- Stable

Tinignan ni Almira ang paksa nila ngayon sa pampalakasan ng may sindak sa mata, nagitla ang bibig niya sa sobrang gulat. Sa lahat ng bagay na pwede nilang pag aralan, bakit 'to?

"Prinsesa," napabalik ang atensyon ni Almira sa paligid niya at tinignan si Arus na tinawag siya.

"Ba- bakit?"

"Sabi ko, ayos ka lang ba? Namumutla ka, may masakit ba sayo o baka may lagnat ka," nag aalalang wika nito at hinawakan ang noo niya.

Natulala ulit si Almira, pakiramdam niya ay lalo siyang naubusan ng dugo sa paglapat ng kamay ni Arus sa noo niya, gayunpaman, pinilit niyang bumalik sa katinuan.Hinawi niya ang kamay ni Arus sa noo niya.

"Ayos lang ako," pilit niyang sabi at ibinalik ang tingin sa tema ng pampalakasan nila... napakaraming kabayo, sa lahat ng bagay na natutunan ni Almira, isang bagay na hindi niya naaral ng tama ay ang pangangabayo.

Una, dahil sa wala siyang lugar na pwedeng pagsanayan, bukod sa pagtakas niya ay hindi talaga siya pinapayagan lumabas ng bakuran ng bahay nila. Pangalawa, nalalag siyang ng isang beses at hindi na siya ulit pinayagan ng mga sobrang mag-alala niyang kapatid, sa pag aakalakang masasaktan siya. Ngunit paano ba matuto kung hindi ka masasaktan sa umpisa hindi ba?

"Isang linggo na gagawin ang pampalakasan sa pangangabayo dahil hindi sila pag-aari ng paaralan, sa loob ng isang linggo ay ibabalik na sila sa mga may ari," sabi ng kanilang guro ngunit ang tanging narinig lang ni Almira ay isang linggo, anong klaseng kamalasan ba naman itong napasukan niya?

"Ngayon ay magbubunutan tayo para sa magkapares, pagkatapos ay mamili kayo ng kabayong gagamitin," sabi ng guro kaya't isa isa nilang sinulat ang pangalan sa kapirasong papel at nilagay sa garapon.

**********

Kasalukuyang nakatingin si Arus kay Almira at sa kapares nito na si Ibarra, bakit ganon? Bakit sa simpleng ganito pakiramdam niya itinadhana ang dalawa? Isang prinsipe at isang prinsesa, idagdag mo pa ang uniporme nila sa pangangabayo na parehas ng kulay dahil nga magkapares sila. Tinignan ni Arus si Ibarra, ang mga mata nito ay akala mo'y nanalo ng pinakamalaking taya sa sugal, hindi niya tuloy maiwasan maiinis sa prinsipe.

Nitong mga nakaraang araw napansin niya na hindi nilulubayan ng sulyap ni Ibarra si Almira at hindi siya ganon katanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng mga titig na iyon dahil siguradong ganon din ang paraan ng pagtingin niya kay Almira. Ngunit kung iisiipin, ano bang silbi ng mga titig nilang dalawa ni Ibarra, ngayong may iba namang tinititigan si Almira.

Tsh... Heneral Rule.

"Arus, nakapili ka na?" tanong ng isa sa kaklase niya na naging pares niya, tumango nalang siya at hinila ang tali ng isa sa mga kabayo at sumakay.

"Delo," tawag niya sa kaklase, tinignan siya nito. "Marunong ka naman mangabayo, diba?" tumango si Delo.

"Ano sa tingin mo sa pagkakarera?" pilyo niyang tanong.

Napangisi si Delo, kilala bilang pasaway ang anak ng Marka kaya hindi na siya nagtaka.

"Bakit hindi?" sagot ni Delo at sumakay sa kabayo, wala namang masama sa maliit na kompetisyon hindi ba? Sumakay si Arus sa sariling kabayo.

"Ang unang makarating sa dulo ng munting kagubatan na pageensayuhan natin ang panalo," sabi ni Delo, tumango lang siya at hinigpitan ang hawak sa tali.

"Isa... Dalawa... Tatlo!"

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon