Almira: Bago ang Wakas 5

2.1K 122 1
                                    

Talasalitaan:

Talatakdaan- Schedule

Pang-upo- Booty, Ass, Butt

Ihahambing, Ihahalintulad- Comparing

Sinisinta- someone special

Sa mga hindi makaalala:

Kanlong- Shade

Yumao- Died, Deceased

Kolorete- Make up

Kabanata 5

Bago makarating si Rule sa tahanan ng mga Kiyos, at bago sila nila malaman na nagdadalang tao si Irah ay ang kwento muna ng marami pang pag-iibigan.

"Tinyente Heneral, nakabalik ka na? Kamusta ang pag-bisita?"

"Nakasalubong ko ang mga kapitan Arda, sabay kaming pumunta at naabutan namin ang babayalan na Tala at tinyente heneral Deno," sagot ni Maru sa sundalo na sumalubong sakanya at nagsisilbing kalihim niya.

Pumasok siya sa opisina, inalis ang pagkakasilukbit ng espada sa bewang at umupo, tinignan niya ang sundalong kalihim na mukhang may gustong sabihin ngunit nag-aalangan.

"Sabihin mo na, ginoo, ano 'yon?"

"Um..."

"Tinyente heneral, kasi po, ang Prinsesa Lora..."

Si Maru ay dalawang taon ng pinamumunuan ang pagbabantay sa dugong bughaw ng Maharlika. Siya ang nag nagtatalaga at namamahla ng mga bantay ng prinsesa, kaya nga nagkaroon siya ng opisina.

Ngayon ay dahil binago niya ang talatakdaan ng mga sundalo ay napunta siya bilang bantay ng pinaka-mababang prinsesa dahil ang ina niya ay isa lang sa tagapaglingkod ng Haring Kayro, o mas madaling sabihin, katulong.

Tinitigan ni Maru ang nag-aalangang kalihim kaya napilitan itong magsalita. "Pagkatapos niyang makipagkita sa reyna at ilan sa katuwang ng hari ay ayaw niyang kumain bigla at nagkukulong sa kwarto."

Napabuntong hininga si Maru, ilang oras lang siyang nawala ngunit mukhang may nangyaring hindi maganda. Alam niyang asawa ng hari ang reyna at mga katuwang nito ngunit personal siyang nakatanggap ng utos kay Kayro na wag niyang pabayaan ang mga prinsesa dahil kakailanganin niya sila para mapagtibay ang relasyon hindi lang sa ibang bansa kung hindi pati nadin sa mga pamilyang may titulo sa pamamagitan ng kasal.

Medyo nagbabago na tingin sa mga babae dahil sa paglabas ng Anino ngunit dahil tinuturo sa mga prinsesa mula pagkabata na iyon ay ang layunin nila sa buhay bilang hindi sila ipinanganak na dugong bughaw na lalaki ay tanggap na nila na pag dumating ang oras na kailangan silang gamitin. Ang problema madalas ipadispatsa ng mga katuwang ang mga prinsesa na walang kapangyarihan o kaya ay kinaiinisan lang nila.

Tumayo si Maru sa upuan. "Ako ng bahala."

**********

Naglakad si Maru sa pasilyo ng mga kwarto ng prinsesa. Makikita ang nga nakatayong bantay sa bawat pinto na sunasaluduan siya. Hindi niya na iyon pinansin at nagmadali papunta sa dulong pinto kung nasaan si Lora.

TOK. TOK. TOK.

Marahan siyang kumatok pagkatapos ay nagtanong. "Kamahalan? Maari ba akong pumasok?"

Hindi sumagot si Lora kaya minabuti niyang buksan ang pinto, baka mamaya ay may ginawa na itong masama sa sarili.

Pagkapasok ay sinara niya ang pinto, ginala ang mata at nakita ang prinsesa na nakaupo sa gilid ng kama, nakayakap sa mga tuhod.

"Prinsesa?"

"T-tinyente heneral?" taranatang tanong ni Lora at pinunasan ang mga luha. Mukhang hindi nito nadinig si Maru.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon