Kabanata 19

4.8K 282 12
                                    

Isang panibagong araw ang sumalubong sa grupo ni Sulong, kasalukuyan nilang sinusundan ang dalawang prinsipe na kasama ang kanilang kagrupo na si Almira, anak ng Marka na si Arus at ang babaylan na si Tala. Walang naging problema ng mga nakaraang dalawang araw, ni wala ngang sumusunod sa prinsipe. Gayunpaman ay mas lalong hinigpitan ng grupo ni Sulong ang pagbabantay sa dalawa dahil huling araw na ng kanilang lakbay aral.

Magkakahiwalay silang lima at nakahalo sa maraming tao ngunit sapat iyon para makita nila ang isa't isa at sakto lang ang layo nila sa mga prinsipe. Sa totoo lang ay mas ayos ang pakiramdam ni Sulong dahil natatanaw niya ang kapatid na ngayon ay pumasok sa isang malaking bunggalo na tindahan ng palamuti at alahas kasama ang apat.

Hinila ni Almira sa pulsuhan si Tala at lumapit sa isang istante ng mga porselas, sumunod sakanila ang tatlo, kahapon ay natapos nilang libutin ang buong liwasan kaya't ngayon ay nagsimula na silang mag libot-libot sa loob ng mga tindahan at establishamento na nakapigid sa liwasan.

Hindi mapirmi ang mga mata ni Arus, Ibarra, at Isagani. Pare parehas nila unang beses makapasok sa tindahan na para sa kagamitang pambabae. Sobrang bago iyon sa paningin nila at sa totoo lang naaliw sila sa nakikita ang dahilan kung bakit hindi rin nila napansin ang tingin ng nasa paligid nila. Pansin iyon ni Almira, maski nga ang tindero ay sinusundan sila ng tingin, pero sino bang hindi, lahat ba naman ng kasama niya ay may sagisag ang kapa, sinong hindi mapapatingin? Binalewala niya na lang.

"May bibilhin ka, prinsesa?" tanong ni Isagani at pumunta sa kaliwa ni Almira dahil nasa kanan niya si Tala, sabay nanapasimangot si Arus at Ibarra.

"Siguro, kung may magustuhan ako," sabi ni Almira at kinakalkal ang mga buslo sa istante, sinabayan naman siya ni Isagani na maghalungkat sa istante.

Samantala kahit may inis sa mga katawan, pinili nalang din ng dalawa na tumingin sa ibang istante at lumayo sa tatlong tao na may sariling mundo. Sa kaliwa si Arus at sa kanan si Ibarra, habang naglalakad at ginagala ang mata, may nakakuha sa atensyon ni Ibarra, lumapit siya doon at napangiti.

Bagay ito sa prinsesa.

Dinampot niya ang nakita at lumapit sa bayaran para bayaran ang binili, ngunit nandoon si Arus at nagbabayad din. Napatigil si Ibarra sa likod niya at pumila, isang dipa ang layo nila. Pagkatapos tanggapin ang nakabalot sa maliit na papel na binili niya ay tumalikod ito sa nagbabantay kaya't nagkasalubong sila, nakita ni Ibarra ang ngiti sa labi ni Arus na nabura at binulsa niya ang binili.

Hindi na siya pinansin ni Ibarra at nilampasan at mabilis na nag bayad. Sa hindi malamang dahilan ni Ibarra ay naiinis siya sa kay Arus. Hindi sila malapit dahil magpinsan lang sila sa papel ngunit hindi din sila magkaaway, ngunit masyado itong malapit sa prinsesa sa opinyon niya.

Pagkatapos magbayad ay bumalik siya sa dating posisyon, sa likod ng hanggang ngyon ay hindi padin tapos mamili ng bibilhin na si Almira, nasa ibang istante na ito kasama padin si Tala at Isagani. Nasa likod nadin nito si Arus, lumikod din siya ni Almira na may isang dipa ang layo, kapantay ni Arus, nagmukha tuloy silang bantay nung tatlo.

Samantala si Arus na nakita si Ibarra sa gilid ng mata niya ay hindi din ito pinansin. Kung ayaw sakanya ang prinsipe ay ganon din siya dito, hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig nito kay Almira, at ang paggagambala nito tuwing magkapares sila sa klase.

Si Almira na walang kamalay malay sa kumukulong dugo ng mga lalaki sa likod niya para sa isa't isa ay patuloy na namimili ng iba pang bibilhin. May ilan na siyang napili pero kulang pa siya, dahil gusto niya bigyan ng regalo ang mga kagrupo niya at yung apat na ngayon ay kasama niya.

Habang namimili ay napatingin siya sa bintana at napatigil sa natatanaw, nang bumalik siya sa pagkakatulala ay binilisan niya ang pagpili at pagbayad, pagkatapos ay hinila si Tala palabas ng tindahan.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon