Kabanata 20

4.8K 268 36
                                    

Talasalitaan:

Sagupaan- Fight

Kartero- Post-man

Makinilya- Typewriter

Bahay-aliwan- Bar

Liblib- Remote place

Serbesa- Beer

Luho- Luxury

Bumabagabag- Bothering

Nangangaliwa- Cheating

"Sinabi ko naman kasi sayo Seda, delikado ang pagiging sundalo."

Sermon ngunit may halong pag-aalala ang tono ng kapatid ni Seda. Si Beron ay may itim itong buhok, at dilaw na mata katulad ni Seda. Opisyal itong manggamot ng mga sundalo at palaging kasama sa lakad ng grupo nila, gayunpaman, hindi nito alam ang tunay na tinatrabaho ng grupo niya.

Hindi pa nagigising si Rule, Sulong, Deno, at Maru kaya't kasalukuyang ang nagbabantay sa mga prinsipe ay ang kambal na Arda. Maswerte sila na sa susunod na araw pa ang tapos at balik mula sa lakbay-aral.

"Nakikinig ka ba saakin, Seda?"

"Aray, kuya!" mahinang reklamo ni Seda dahil diniinan nito ang bulak sa sugat niya.

"Nakikinig ako."

Bumuntong hininga si Beron sa sinagot ng kapatid. "Seda, ganoon mo ba talaga kaayaw magpakasal? Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Paano pag nagkataon na hindi ako ang doktor niyo, paano pagnalaman nila na hin-"

"At ano? Isakripisyo ang kalayaan ko para sa pesteng pera, posisyon? Kuya, alam nating dalawa na mas ikamamatay ko ang makulong sa loob ng mansyon kesa sa pagiging sundalo!"

"Ngunit-"

TOK. TOK. TOK.

Hindi na natuloy ni Beron ang mga gustong sabihin sa kapatid dahil sa katok sa pinto, napatingin sila doon parehas.

"Sandali lang," sabi ni Beron at minadali ang pagayos at paglinis sa sugat ni Seda. Pagkatapos niya itong bendahan ay nagsuot ulit ng pangtaas si Seda at nagsalita. "Sino 'yan?"

Pumasok mula sa pinto ay si Almira.

"Prinsesa?!" sabay na sabi ng magkapatid.

Tumayo si Beron at nagbigay galang, ganoon din si Seda, nakayuko mula sa higaan. Bastos ang hindi tumayo sa harap ng isang prinsesa ngunit hindi na pinansin ni Almira dahil hindi naman talaga siya miyembro ng bughaw na pamilya at dahil sugatan si Seda.

"Patawad."

Natahimik ang dalawa sa unang salita na lumabas sa bibig ni Almira, at ngayon ay nakayuko ang ulo. Naiilang na tumikhim si Beron.

"Mauna na ako, kamahalan," sabi ni Beron at kusang lumabas.

Nanatili silang tahimik paglabas ni Beron. Alam ni Almira ang kasalanan niya, hindi siya nag handa para sa hindi inaasahang atake.

Alam niya na normal na magkaroon ng pagkakamali ang grupo nila ngunit bawat paghahanda, mahalaga, dahil pwedeng katumbas noon ay buhay nila, kaya nandito siya para gawin ang dapat.

"Ayos lang ako, binibini," pagaalo ni Seda sa walang ekspresyon na si Almira.

"Alam ko."

Napakunot si Seda ng noo dahil ang kanina na madilim na mukha ni Almira, ngayon ay puno na ng kumpiyansa.

"Hindi ka ba pumuta dito para kamustahin ako dahil nakokonsensya ka at nagaalala ka?"

"Ha? Hindi, ah!" tanggi ni Almira kayo lalong napakunot ang noo ni Seda.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon