Kabanata 13

5.8K 387 9
                                    

Talasalitaan:

Alituntunin- Rules

Buslo- Basket

Bumaba si Almira sa ilalim na lagusan kung saan matatagpuan ang bilangguan. Pagdating nila sa isang malaking pinto ay may dalawang nakabantay na sundalong nababalot ng baluti mula ulo hanggang paa. Binati nila si Rule bago pumasok kasama ang kapatid. Hindi na nila pinansin si Almira dahil natutunan sa pagiging sundalo ay may mga bagay na mas magandang hindi nalang nila alam.

Pagkapasok ay nakuha ng atensyon ni Almita ang mga nakataling tao, sila ang mga nahuli nila na sumusunod sa mga prinsipe. May kanya-kanyang kulungan at bugbog sarado ang mga ito. Marahil ay dahil sa mga pagpapahirap na ginawa sakanila.

Ngunit masasabi niyang humihinga pa ang mga ito. Nakakatawa minsan isipin, mahigpit ang alituntunin sa pagpatay ngunit maari silang magpahirap.

Tinignan niya ang mga ito, sa tinamo nilang mga pasa at bugbog, sa opinyon niya ay talaga ngang hindi sila aamin. Malamang sa malamang ay sanay sila sa ganitong klase ng pasakit, hindi ba iyon naisip ng mga kapatid niya? Naalala niya noon sa militar, pinaparanas sakanila ang pahirap na pwede nilang maranasan kapag nadakip sila ng kalaban bilang huling pagsusulit at ang maglabas ng sikreto ng organisasyon ay hindi makakapasa.

Lumakad silang dalawang magkapatid sa pasilyo at pumasok sa dulong kwarto. Nandoon si Sulong kasama ang tatlong sarhento at dalawang kapitan na kabilang na gumagawa sa sikretong utos sa pagbabantay sa mga prinsipe. Kasalukuyang may nakaupo sa gitna ng kwarto at mukhang kinukwestyon.

"Almira, anong ginagawa mo dito?" gulat na salubong sa kanila ni Sulong, tinignan nito ang kapatid na si Rule.

"Gusto niyang tumulong sa pag papaamin sa kanila," kusa niyang paliwanag. Napamaang naman si Sulong, ayaw niyan pumayag ngunit...

"Paano?" tanong niya dahil bigla siyang inatake ng kuryosidad sa kung anong paraan ang gagamitin nito. Itinaas ni Almira ang bestida, napaiwas naman ng tingin lahat ng tao sa kwarto bukod sa mga kapatid niya.

Ngumisi siya at hinigit ang punyal na kasing haba lang ng palad niya na nakasiksik sa sinturong pinasadya para may lalagyan siya ng punyal sa hita. Lumakad siya papapalapit at inilagay sa leeg nito ang punyal, nanlaki naman ang mata ng bihag, ngunit hindi lang siya, kung hindi lahat ng nasa kwarto.

"Heneral Sulong, ayos lang ba na ipagawa natin iyan sa prinsesa? Prinsesa siya ngunit ang pagpatay..." takang sabi ng isa sa sarhento, Seda.

Natauhan ang magkakapatid, nakalimutan nila! Bukod sa mga hari, mga gobernador, mga pantas, at sa pamilya ng Paygo, walang ibang nakakaalam na hindi siya prinsesa!

"Ahh... umhh," hindi makabuo ng sasabihin si Sulong.

Nakatingin sakanya lahat ng tauhan at natataranta siya. Inilayo ni Almira ang punyal sa bihag at tumayo sa harap nila ng maayos, nakahinga naman ng maluwag ang pobreng bihag.

"Heneral Sulong, bakit hindi mo muna ako ipakilala sakanila, sigurado naman akong mapagkakatiwalaan sila," pormal at siguradong sabi ni Almira, dahil alam niyang hindi pipili ang mga kapatid niya ng mga taong pwedeng mag traydor sa kaharian.

"Ahh... siya si Almira, hindi siya prinsesa, isa siya sa inatasan ng pinakamalaking gampanin ng pag babantay sa mga prinsipe at siya din ang may pinakamalaking ambag sa paghuli sa mga bihag natin ngayon," paliwang ni Sulong, napakunot naman ang noo ng lahat ng kasama nila.

"Heneral! Hindi magandang biro ang ginagawa niyo, nasa gitna tayo ng isang mahalagang pag-kukwestyon," sabi ni Maru, isang kapitan, na sinang-ayunan ng iba pa.

"Mukha ba kaming nagbibiro?" seryosong tanong ni Rule, natahimik silang lahat, pero hindi nila magawang makapaniwala, tumikhim si Almira.

"Pasensya na saaking panghihimasok ngunit nagmamadali tayo, gayunpaman, gusto kong ipakilala ang sarili ko... Almira, Almira Paygo, isa ako sa mga anak ni Heneral Sado."

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon