Kabanata 38

2.6K 204 15
                                    

Talasalitaan:

Kutsero- Coachman

Alingawngaw- Echo

Napatigil si Ibarra sa pagbabasa ng mga papel dahil sa biglaang pagtigil ng karwahe niya na pabalik ng palasyo ng Nal. Tatlong araw siyang nawala para makisalamuha sa mamamayan.

"Mat," tawag niya sa kapitan ng grupo na nagababantay sakanya, gusto niyang itanong kung bakit sila huminto.

"Mat?" ulit niya, ngunit wala pading sumagot kaya't inilapag niya ang mga papel na hawak at sumilip sa maliit na bintana ng karwahe. Wala siyang makita na bantay sa paligid.

Irita niyang binuksan ang pinto ng karwahe at bumaba, pagkababa ay napatigil siya at iginala ang mata. May labing pito siyang dalang bantay at lahat sila ay nakabulagta na sa damuhan. Napaatras siya ng isang hakbang dahil sa hindi inaasahang senaryo, wala siyang mahihingan ng tulong dahil kakahuyan ang dinaan nila at malayo sa liwasan ng susunod na bayan.

"Kamahalan," napalingon siya sa nagsalita, isang lalaki na may dilaw na mata, at ang buhok ay may hibla ng lila, nakatakip ang babang parte ng mukha. Matalas niyang itong tinignan at tinanong.

"Sino ka?"

"Kailangan pa ba magpakilala? Sa susunod nalang kamahalan, dadalhin ka muna naming sa aming pinuno."

"Tingin mo sasama nalang ako sayo basta basta?" asik ni Ibarra, napakunot naman ang noo ng lalaki.

"Hindi?" tanong niya kasabay noon ay dumapot si Ibarra ng espada sa isa sa mga walang malay niyang bantay ngunit hindi siya pinigilan ng lalaki at pinanood lang.

"Mabuti at alam m-"

Natigil ang sinabi ni Ibarra dahil bumagsak siya sa lupa, may umatake sakanya mula sa likod, tinignan iyon ng lalaki, isa iyon sa kasama niya. May dilaw na mata at itim na buhok na may hibla ng asul.

"En, bakit mo naman pinatulog ang prinsipe? Maglalaban pa kami!" reklamo niya sa lalaking tinawag niyang En.

"Tumigil ka Na, wala tayong oras maglaro," sabi ni En.

"Kuhain mo ang karwahe natin sa pinagtaguan, baka naunahan nanaman tayo ni Da, samatalang mag isa lang siya," inis na utos ni En sakanya, umismid lang siya bago puntahan ang karwahe nila.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsilibing kutsero si Na at minamaneho ang karwahe, may inilaglag sa karwahe ni Ibarra si En bago tuluyang binuhat si Ibarra, isinakay sa loob ng kawahe nila at sinamahan si Na sa pagiging kutsero.

**********

Ang dalawang prinsipe heneral at ang lahat ng mga kumuwestyon sa pagiging heneral ni Almira noong nakaraang pulong ay ngayon nakatulala sakanya. Ngunit hindi lang sila maski si Seda, Maru, Deno, Siko, at Siyo, na kahit papaano ay alam na ang kakayanan niya ay hindi maiwasang mamangha at mapanganga.

Isa laban sa isang daan ngayon ang nagyayari sa laban ni Almira, pagkasabi nito na handa siyang labanan ang mga sundalo ng kaharian para patunayan ang kakayanan ay may mga nag-alinlangan ngunit kasabay noon ay may hindi din nag dalawang isip na sugurin siya at doon nagsimula ang mala isa laban sa isang daan niya pakikibaglaban, ang pinagkaiba lang, hindi lang isang daan ang kailangan niyang harapin.

Hindi nabilang ng mga nanonood ngunit bilang ni Almira lahat ng pinapatuumba niya, ika pitompu't lima na ngayon ang tumuba mula sa pagsipa niya sa tagiliran nito. Kanina ay paisa isa lang sila ngunit mukhang napansin nila na hindi siya matatalo ng paisa isa kaya't nagsimula ito umatake ng grupo ng lima hanggang pito.

Mabuti nalang at naiposisyon ni Almira ang sarili sa sulok, bukod sa walang makaka-atake sakanya mula sa likod, lahat sila ay alam niya kung saan magmumula.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon