Kabanata 29

3.6K 206 31
                                    

Talasalitaan:

Darang- this happens when a person is exposed in the heat of fire

Sumamo- Beg

Paslang- Kill

Halimuyak- Smell

Unang beses... unang beses makita ni Arus na nagniningning ang mata ni Almira, at ang dahilan, ay dahil sa isang nagtatanghal ng komedyang dula sa kalsada. Hindi masyadong halata dahil hindi naman siya pumapalakpak kagaya ng ibang manonood o kaya may ngiti sa labi, pero kitang kita sa mata niya na interesado siya sa ginagawa ng mga nagtatanghal.

Napangiti si Arus habang nakatingin kay Almira, tama, mas maganda na ningning ang nasa mata niya kesa luha.

"Prinsesa, tingin ko kailangan natin ng kapa," bulong ni Arus dahil nakita niya na tinitignan si Almira ng iba. Kulay kape ang mata ni Almira, isang bagay na hindi pangkaraniwan sakanila. Bukod sa nakauniporme sila,

"Ah, ganoon ba?" sabi ni Almira na tumingin sakanya at tumingin ulit sa palabas ng dula.

Sa totoo lang, nanghihinayang si Almira, sa tanang buhay niya hindi pa siya nakapanood ng dula, hindi iyon magarbo katulad ng mga pinagastusang pagtatanghal ngunit totoong naaliw siya.

"Mas marami ka pang makikita diyan, prinsesa," sabi ni Arus at hinila si Almira at pumasok sa bilihan ng damit, mabilis na kumuha ng dalawang itim na kapa na may kaputsa at binayaran. Parehas nila iyong sinuot at nagsimula mamasyal.

Maraming tao sa liwasan ng Rinam at katulad sa lahat ng iba pang bayan, may mataas na tore kung saan nakakabit ang orasan, isa lang ang orasan sa bawat bayan dahil hindi pa naman ganoon kaunlad ang teknolohiya.

Isang bagay na siguro ay naiba kumpara sa lahat ng lungsod ay wala na halos puno na makikita sa Rinam bukod sa ipinagbabawal na pasuking kakahuyan. Halos lahat ay gusali na o kaya ay bahay na bato, nagkalat din ang pampublikong karwahe. Palibhasa, Mahnira ang pinakamaunlad na lugar sa dalawang bansa.

Nasisiyahan naman si Arus na tignan si Almira na naaliw, nakangiti na ito at maaliwalas ang mukha. Mula sa pagkain ng mga pagkaing kalye, pagtingin ng mga mumurahing alahas at damit sa iba't ibang tindahan pati nadin ang pagpasok sa bilihan ng armas, ginawa nila.

Sa kabilang banda, tunay na natutuwa si Almira sa pasyal na ginawa nila. Totoo na parte ng Maharlika ang Laso ngunit kung ikukumpara sa liwasan ng Rinam, hindi hamak mukhang liblib kung saan nakatayo ang tahanan nila. At dahil nga wala naman siyang inatupag kung hindi ang mag-aral sa sining ng pakikipaglaban, hindi niya naranasan ang mamasyal talaga sa lungsod.

"Haaa!" may ngiti sa labi na umunat ni Almira.

Nakaupo sila ngayon sa isang upuan sa liwasan at nakatanaw sa dagat, nahahati sa tatlong lungsod ang Mahnira at lahat iyon may daungan sa timog na bahagi. Doon nagaganap ang pinakamalaking kalakaran ng negosyo at palitan ng produkto

"Hindi ka pa ba nagugutom, prinsesa?"

Palubog na kasi ang araw at puro meryenda lang kinain nila sa pagagala. Umiling si Almira kay Arus, hindi niya inakala na ganito pala kasaya mamasyal at hindi puro trabaho lang.

Tinanaw niya ang mga batang naghahabulan, sa tingin niya hindi marangyang tignan katulad ni Ranu pero malinis at kaayaaya naman. Isang bagay na napansin niya sa dalawang bansa, lahat may trabaho na sapat ang kita, palibhasa tunay na may malasakit ang bughaw na pamilya at mga gobernador sa nasasakupan nila. Wala ding pulubi, magnanakaw o batang walang magulang na nagkalat sa lansangan dahil maraming ampunan na kumukopkop sakanila.

Ito ang isang bagay na hindi niya nakita sa dating bansa, na puro kurapsyon at pera ang batas. Siguro kung pantay ang tingin nila sa babae at lalaki ay magiging perpekto na ang lugar na ito. Limitado ang pagpipilian ng mga babae ngunit masasabi ni Almira na ayos lang dahil, sa mundong ito, hindi nabibili ang hustisya, babae ka man o lalaki, pagnapatunayan ang pagkakasala, paparusahan ka ng nararapat at higit iyon sa sapat para magtiis si Almira.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon