Kabanata 30

3.5K 222 7
                                    

Talasalitaan:

Daop- Joined

Yumao- Died

Kalugmukan- Demise

Labi- Corpse

Tukador- Vanity table

"Hah!" buntong hininga ni Sulong habang nakapikit at nakasandal sa magkadaop niyang palad.

Nasa harap siya ngayon ng iba pang sundalo dahil nagtipon tipon sila dahil sa pag-atakeng naganap kagabi. Tahimik ang lahat na para bang iniintay ang pagsasalita niya, palibhasa siya ang may pinakamataas na katungkulan bukod sa prinsipe heneral ng Hinirang na si Namis.

Sa Aar ng Apora kung nasaan ang palasyo ng Hinirang, nagpunta ang buong grupo nila Sulong dahil doon ginanap ang seremonya ng pagtaas ng ranggo ng kanilang tatlong sarhento bilang tinyente, ngunit, kinagabihan, biglang sumulpot ang sampung halimaw at binulabog ang palasyo. Nasa labing-isa ang namatay na sundalo.

Ngunit hindi iyon nakakalungkot kung ikukumpara sa nangyari sa Nal, nakakapanghina ng tuhod ang nangyari sa Maharlika, kasama sa apatnapung katao ang dalawang prinsesa sa namatay.

"Sa pagkakaalam niyo naman, hindi normal ang nangyari sa palasyo ng Hinirang at Maharlika," panimula ni Sulong, nagsimula naman siyang titigan ng lahat ng tao sa malaking silid.

"Maraming nasawi, lalo na sa Nal, ngunit pare parehas natin hindi alam ang dahilan kung paanong nangyari na may higit sa dalawampung halimaw ang lumabas sa isang gabi lang," totoo iyon, dahil kung lumabas ang halimaw ay madalas isa hanggag tatlo lang at misan lang iyon sa isang buwan.

"Nasa pala-isipan din kung bakit ang kaharian lang ang inatake nito," sabi ni Sulong dahil ng ipatingin niya sa iba pang sundalo ang mga kalapit na bayan, payapa ang mga iyon, maski sa Maharlika.

"Gayunpaman, ay bubuo ako ng grupo para mag imbestiga kung ano talaga ang mga dahilan sa trahedyang naganap kagabi."

Tinignan ni Sulong ang lalaki na may kahel na mata at itim na buhok, siya si Namis. Tinanguan siya nito na para bang sinasabing ituloy ang mga sinasabi niya. Binalik ni Sulong ang tingin sa mga kasamahan.

"Ngunit sa ngayon, sa kapangyarihan at pahintulot na binigay saakin ng mga hari, gusto ko munang ipagpaliban ang pagiimbestiga at bigyan ng karangalan ang mga yumao nating kasamahan, nararapat na sila ay pagluksaan, isa sila sa mga bayani ng dalawang bansa."

Nahaluan ng paghanga ang tingin ng lahat kay Sulong, talagang anak nga siya ni Sado. Pero sa totoo lang, may parte kay Sulong na ginawa niya iyon para dahil ayaw niyang magaya ang mga ito kay Migo, na halos walang nakakaalam ng kabayanihan at sakripisyong ginawa.

Nagpatuloy ang pulong ng matiwasay at natalakay lahat ng importanteng bagay.

**********

Matamlay na nakahiga sa sopa ang isang lalaking may kulay berdeng mata. Walang emosyon nakatulala sa kisame ng silid na para bang iyon ang pinakaineresanteng bagay sa mundo. Sa gilid ng sopa ay nakatayo ang isang pigura ng lalaki, abong mata at itim na buhok na may hibla ng dilaw, walang iba kung hindi si Pillo. Malilim ang kwarto kahit sikat na sikat ang araw sa labas dahil gaya ng nakasanayan, nakasarado ang kurtina.

Ang naiba lang siguro sa sitwasyon ay walang hawak na baso ng alak si Lirik, at hindi nagwawala, bagkus ay parang wala ito sa tamang pagiisip at tahimik na nakatitig sa kawalan.

Masyado bang masaya ang ginoo sa nangyari sa dalawang palasyo?

Palibhasa, dumating na sakanila ang balita na inatake ng mga halimaw ang palasyo ng parehas na bansa. Mukhang nasa panig nila ang langit, tinutulungan ata sila ng Anito na gabay ng ganti. Gustong tanungin ni Pillo ang susunod nilang hakbang ngunit ayaw niya din sirain ang kalmadong pagkilos ni Lirik na bihirang-bihira lang mangyari.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon