Kabanata 7

7.9K 461 17
                                    

Talasalitaan:

Sipnayan- Mathematics

Pisara- Blackboard

Kwaderno- Notebook

Kanlong- Shade

Pluma- Quill Pen

"At sa ganoong paraan, makukuha niyo ang sagot," sabi ng kanilang guro na nagsusulat sa pisara, ilang araw na ang lumipas at ngayon ay nasa klase ng sipnayan si Almira.

Kahit na hiwalay ang klase ng babae ay nasama siya sa klase ng dalawang prinsipe, syempre, ano pang silbi ng pagpunta niya dito kung hindi niya mababantayan ang mga prinsipe, hindi ba?

Ngunit siguro isa sa mga bagay na nakakairita ngayon sa posisyon niya ang ang katotohonanng kailangan niya ulit makinig sa inaaral nila. Buryong-buryo na siya! Napag-aralan niya na lahat ng 'yan!

Gayunpaman na hindi siya natuto ng bago sa mga diskusyon nila, may natutunan naman siya sa mga tao ng paaralan. Kagaya nalang sa klase nila; labing apat na lalaking kaklase. Sampu ang anak ng gobernador, ang dalawang ay ang kinoronahang prinsipe, ang isa ay anak ng gobernador heneral at ang huli ay babaylan. Pang labing-lima siya na nagiisang babae.

Nung una nga siyang pumasok sa klase na ito ay siya ang pinaguusapan, paanong ang isang babae daw ay nasa klase nila? Akala ba nila ginusto ko 'to? Kung may ibang paraan para maramdaman ko ulit ang kalayaan, 'di ko gagawin 'to.

"At ito ay para sa inyong takdang aralin, bukas ang pasahan," sabi ng guro nila, tinignan ni Almira ang pisara at kumopya nalang din.

"Iiwan ko na kayo, maari na kayong mananghalian," sabi ng kanilang guro at umalis.

Habang kumokopya si Almira ay may bumangga sa siko niya kaya dumaplis ang sinusulat niya at natapon din ang lalagyan niya ng tinta, nakauniporme siya! Puting blusa na may pabilog at bagsak na kwelyo na pinaresan ng itim na palda na lampas tuhod at itim na sapatos na may takong. Ayos lang sa palda ngunit, hindi! Sa damit niya iyon tumapon at ngayon ay may marka na!

Inis na tinayo ang lalagyan ng tinta at ibinalik ang tingin sa sinusulat at... may malaking pahalang na guhit doon. Ang bawat kwarto ng mga magaaral nila ay gawa sa kahoy ang lapag at bato ang dingding na pininturahan ng puti. Malawak iyon at may tagiisa silang lamesa at hiwahiwalay na upuan, maluwag din ang pagitan ng bawat lamesa, kaya't paano?! Paano siyang nabangga?! Masama niyang tinignan ang nakatalikod na lalaki sakanya, gusto niyang manuntok!

Kalma, Almira, kalma!

Pauulit ulit 'yan sa isip niya, dahil baka pag hindi siya nakapagpigil, uuwing mga bangkay ang lahat ng nandito sa klase niya. Huminga siya ng malalim at pinabayaan nalang. Kung nasa dati niya siyang buhay, matagal ng nakahiwalay ang ulo ng taong iyon sa katawan niya. Ano na bang nangyari sakanya? Sobra naman na atang humaba ang pasensya niya, napailing siya sa sarili.

Pumasok si Migo sa klase niya, hindi ito nakabaluti ngunit nakauniporme ng pangsundalo. Kulay asul iyon na may kanlong na katulad ng madilim na gabi, may kwelyo ang leegan at hanggang pulsuhan ang manggas. Pinaresan ng itim na pambaba at balat na sapatos habang may nakasabit na espada sa bewang.

"Binibini, ayos ka lang?" iyan ang unang tinanong nito ng makita ang mantsa sa uniporme niya.

Tumango nalang siya at isiniksik sa ilalim ng lamesa niya ang mga kwaderno. Nagsimula silang maglakad palabas, pinagtitinginan padin sila ng ibang mag aaral kahit halos isang buwan na siya dito.

"Nahuli mo ba yung sumusunod sa mga prinsipe?" bulong ni Almira, tumigin sa kaliwa at kanan si Migo bago marahang tumango.

Isang buwan na nila itong ginagawa ni Migo, kaya nga hindi ito nakabaluti, para mas madaling gumalaw. Palagi silang nakabuntot sa dalawang prinsipe, si Almira ang magtuturo kung nasaaan may matang nakatingin at si Migo ang huhuli; mayroon na nga din silang sariling paraan kung paano sila mag uusap ng hindi mahuhuli ng dalawang prinsipe.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon