Almira: Bago ang Wakas 7

1.7K 105 2
                                    

Kabanata 7

"Ipalaglag mo."

"Ama!" hindi makapaniwalang sabi ni Beron.

Namutawi ang katahimikan, hindi sinasadya ay napahawak si Irah sa tiyan niya at napatingin kay Rule na nakatingin din sakanya.

"Beron, alam kong hindi tama pero, kailangan din natin protektahan ang kapatid mo, nag sisismula pa lang magbago ang mundo."

"Hindi pa katanggap tanggap ang mga anak na walang ama."

Muli ay kinain sila ng nakakabinging katahimikan. Masakit para sa ama nila na sabihin iyon kay Irah, lalo na at halos kakayos lang nila ng relasyon nila nilang pamilya ngunit, totoo lahat ng sinabi niya.

"Irah, anak, patawarin mo ako ngunit, mukhang kailangan mong ipalag-"

"Ginoo," napatigil si Rihan sa sinasabi dahil pinutol siya ni Rule, lumuhod ito sa harap niya.

"Ako po ang ama."

"Heneral!" sabi ni Irah na para bang pinipigilan si Rule.

"Ipapahanda ko po ang kasal sa lalong madaling panahon at papanagutan ko si Irah."

"Pasensya na po na sa ganitong paraan ako hinihingi ang kamay ng anak niyo pero..."

"Pwede po ba na sundin natin ang kumadrona at pagpahingahin ang binibini?" pakiusap ni Rule.

Napahawak sa sentido si Rihan, nanlilisik niyang tinignan si Rule bago tumayo.

"Sige, bukas natin 'to pag-usapan pero mag-usap kayo ni Irah dahil mukhang may hindi kayo pagkakaintindihan."

"Beron, mauna na tayo."

"Masusunod, ama," sagot ni Beron kahit may gulat. Tinapunan niya ng tingin ang dalawa bago sundan ang ama sa paglabas.

Tumayo si Rule mula sa sahig at umupo sa kama kaharap ni Irah. Akmang magsasalita si Rule ngunit inunhan siya ni Irah.

"Heneral, paano kung sabihin ko sayo ngayon hindi iyo yung bata?"

Natulala si Rule, bigla silang natahimik parehas. Nauutal na nagsalita si Rule.

"Bi- binibini, ano bang sinasabi mo? Kung tama ang pagkakabilang ko, ako ang ama ng bata."

"Kaya nga heneral, pinapaalam ko sayo ngayon, hindi ikaw ang ama ng bata!"

"Ngayon, ipapalaglag mo?"

Napalunok si Irah, pero hindi pa man siya nakakasagot ay niyakap siya ni Rule.

"Wag mong ituloy, masasaktan ka lang at makasama para sayo."

"Importante pa ba 'yon, heneral? I- ipa- ipala-"

"Irah, wala kang ipapalaglag... aakuin ko."

"Heneral!" humiwalay si Irah sa pagkakakayakap kay Rule. "Sinabi kong hindi iyo yung bata! Anong aakuin mo?!"

"Narinig mo ako, Irah, mahalaga pa ba kung akin yung bata?! Sinasabi mo saakin na ipapalaglag mo, pero kung makikita mo lamg yung ekspresyon mo sa salamin..."

"Kulang nalang, bawian ka ng buhay! Kaya sinasabi ko ngayon, akin man 'yang bata o hindi, aakuin ko!"

"Hindi ko maintindihan, heneral, bakit?"

"Apat na beses... kung papakawalan pa kita ngayon, ikaapat na pagkakataon na."

"Nung pangatlo pa lang, dapat niyakap kita ng mahigpit para hindi ka nakatakbo."

"Hindi sana tayo hahantong na kailangan mo magsinungaling saakin ng ganito, hindi ko alam kung bakit ayaw mong ipaako saakin yung bata na alam ko, ako naman yung ama."

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon