Almira: Bago ang Wakas 9

4K 163 20
                                    

Talasalitaan:

Pinsel- Paint brush

Kabanata 9

"Ang sabi, kamahalan ay namataan sa Garis ang Prinsipe Ibarra."

Balita ng isa sa mga sundalo ng Hinirang kay Isagani.

"Sige, maghanda, tutugisin natin ang prinsipe," panuto niya dito.

Marahan yumuko ang sundalo bago umalis sa opisina ni Isagani para tipunin ang mga hahabol sa pinsan niya.

Sumandal si Isagani sa kinauupuan kasabay ng pagbuntong hininga. Ang dami niya ng trabaho para sa kaharian nila at halos bilang na bilang ang oras niya para kay Riya, ngunit narito ang pinsan niya at ang lakas ng loob dagdagan ang gawain niya.

Dalawang taon na kasi ang lumipas simula ng tumakas ito sa tungkulin ng pagiging kinoronahang prinsipe at nag-iwan lang ng sulat na ibigay kay Ranu ang posisyon.

Noong unang taon ay nahanap ito ni Ludis sa mga sundalong labas ngunit hindi pa man nahahawakan ang pinsan niya ay nakatakas ito. Pagkatapos noon ay wala ng balita.

Sa kanilang dalawa, si Ibarra ang mas matino, mas resposable at masasabing mas prinsipe kumilos, hindi alam ni Isagani kung anong nangyari sa pinsan.

TOK. TOK. TOK.

"Kamahalan, nakahanda na po ang mga sundalo," sabi ng boses mula sa labas kaya't napabalik sa kasalukuyan si Isagani.

"Susunod na ako."

Tumayo siya at kinuha ang sariling espada at lumabas ng opisina. Magkamatayan na, ibabalik niya ito sa Maharlika. Wala siyang oras na problemahin pa ang pagbubulakbol ng pinsan.

**********

"Paalam, guro."

"Mauna na kami, guro."

"Bukas ulit, Binibining Dara."

"Mag-iingat sa daan."

Binilinan ng babaeng nakatali ang mahabang buhok at naka-kamisetang bestida at may delental, ang mga mag-aaral niya na nagpapaalam sakanya.

Tinanaw niya ang mga bata na masayang naglalakad palayo mula sa munti niyang paaralan ng pagpipinta.

Nang mawala sa tingin niya ang mga mag-aaral ay bumalik siya sa loob at nagsimulang iligpit ang mga pinta, pinsel, at papel na ginamit ng mga bata.

Si Dara ay labing siyam na taong gulang, anak ng isang sorbetero sa bayan ng Garis, isang babae na tinitiis ang buhay ng hindi pagkakapantay pantay kahit na napakatalentado niya sa larangan ng pag guhit ay walang pagkakataon. Ngunit simula ng suportahan siya ng grupo na kung tawagin ay Anino magdadalawang taon na ang nakalipas.Nagbago ang buhay ni Dara, pinondohan siya ng grupong ito at ngayon bukod sa pagpinta mismo ay nagtuturo siya ng sining sa mga batang babae.

"Binibining Dara, tapos na sila?"

Napatigil si Dara sa pagpulot ng mga gamit at nilingon ang nagsalita. Isang lalaking may asul na mata, ang dulong bahagi ng buhok ay itim habang ang kalahati pa ay kulay abo. Nakasandal ito sa pintuan.

"Ginoong Ibarra?"

"Napadpad ka dito, akala ko hahanap ka ng bagong ipipinta?"

Kumibit balikat si Ibarra, pumasok ng silid at umupo sa isa sa mga upuan ng mag-aaral. "Hindi ko nahanap doon ang hinahanap ko... pero may bago akong pininta."

Winagayway ni Ibarra ang nakarolyong papel. Tinignan siya ni Dara bago bumuntong hininga at tinaggal ang delental. Para kay Dara, si Ibarra ang unang mag-aaral niya.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon