Kabanata 18

6.4K 325 15
                                    

Talasalitaan:

Bahay- tuluyan- Inn

Kaputsa- Hood

Bumbunan- Top of the head

Gabay- Guide, in this context, they mean, tour guide

Liwasan- Plaza, park

Hidwaan- Fight

Sorbetes- Ice cream

Manlalakbay- Adventurer, Tourist

Busilak- Kind, pure

Kapansin pansin ang pagtitipon ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Mahnira sa tarangkahan. Nakapila ang mahahabang karwahe na pareparehas ang disenyo sa labas ng paaralan at nakapaligid ang hukbo ng sundalo na bantay sa lakbay-aral.

Ang mga aaral na nakakalat ay nakasuot ng makukulay na damit, hindi sobrang garbo ngunit bakas ang karangyaan sa kasuotan nila, karamihan ng lalaki ay nakabarong na may kwelyo, may manggas na hanggang pulsuhan at nakaipit sa pambaba. Habang ang mga kababaihan kung hindi nakabestida ay nakablusa na pinarisan ng iba't ibang kulay ng palda at nagpapataasan na bakya.

Ngunit sa gitna ng magulong paligid ay dalawang tao ang nangingibabaw. Una ay si Prinsipe Ibarra na nakaitim, at pangalawa ay si Prinsipe Isagani na nakaputi. Kagaya ng mga ka-magaral ang kasuotan, barong na nakabutones hanggang kwelyo, abot sa pulsuhan ang manggas at malinis na nakaipit sa pambabang kasuotan, pero higit silang kapansin pansin. Mula sa makisig na pagtayo ng nasa 180 sentimetro, malinis na gupit ng buhok, malakas na karisma, sa mga mukhang maipagmamalaki naman talaga, hindi maalis ng mga kamagaral nilang babae ang tingin sa dalawang prinsipe.

Hah. Marahan na napabuntong hininga si Almira ng matapos magmasid at ibalik ang tingin sa dalawang prinsipe na ngayon ay nasisinagan ng araw ang mukha.

Nagmamasid siya sa posibleng kalaban na nagmamatyag ngunit puro dalagang tinamaan lang ng kapangyarihan ng Anito na gabay ng pag-ibig ang nakatingin sa mga prinsipe. Hindi niya maaitim na kung tignan ito ng mga babae ay parang ngayon lang nila ito nakita samantalang nakikita naman nila ito sa hapag tuwing tanghalian o kaya kapag naglalakad sa loob ng paaralan.

Iginala ulit ni Almira ang mata para suriin ang pwesto ng buong grupo, nasa unahan ng karwahe ng mga prinsipe si Siko at Deno, sa kaliwa si Rule at Maru, sa kanan si Sulong at Siyo, nakasakay sila sa kanya kanyang kabayo. Ang agwat mula sa karwahe ng mga prinsipe ay sapat lang upang mabantayan ito habang nakikihalubilo sa ibang bantay.

Tinignan ni Almira si Seda na nasa isang gilid na nakasuot ng baluti, mula ulo hanggang paa, may dalang espada at may sariling kabayo. Iniitay na makasakay siya ng karwahe na kasunod sa pila ng karwahe ng mga prinsipe, dahil higit sa lahat, ang pwesto nilang dalawa ay ang buntot.

May oras na lilipad ang mga karwahe at kailangan nila Sulong at ng iba pang mga sundalo na sumakay ng karwahe para masabayan ang mga mag-aaral. Gayunpaman, hindi ito problema dahil walang maglalakas loob na mang-aatake sa himpapawid at ang ere na liliparan ay ligtas mula sa mga lumilipad na halimaw. Ang problema ay habang nasa lupa sila at kapag nakalapag na sa Garis. Napangisi si Almira sa sarili, malinis ang pagkakaplano ng kapatid niya para sa operasyon nilang ito, wala pwedeng pasukan ang kalaban.

"... sesa," napabalik si Almira ng atensyon sa kasalukuyan, may tumawag ba sakanya?

"Prinsesa."

"Bakit... ba?" nautal si Almira sa sasabihin dahil pagkalingon niya sa tawag ay tumambad sakanya ang isang lalaki na nakasuot ng kulay abong barong

Ang lalaki na may berdeng mata at nakataas ang itim na buhok. Halos kasing tangkad ng mga prinsipe at katulad ng karamihan ang pagkakasuot ng damit pero may ibang karisma talaga itong inilalabas. Hindi alam ni Almira kung nasanay siya sa madungis at parang maton na estilo ni Arus ng pananamit, ngunit kapag ganito na malinis at maayos ang binata ay mas umaangas ang dating nito sakanya.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon