Kabanata 47

2.8K 183 33
                                    

Tanaw ni Ibarra ang bakuran mula sa balkonahe ng kwarto niya ang mga nakauniporme at nag eensayong sundalo at miyembro ng Anino. Kita niya din doon si Almira at Ar...Lirik na nagtuturuan ng gagawin at nagtatawanan. Isang buwan niya ng hindi nakakausap ang kahit sino sa dalawa, wala siyang balak at wala siyang lakas ng loob.

"Nakatingin ka nanaman sakanila."

Napalingon si Ibarra kay Isagani, isang linggo na itong nanatili sa palasyo nila dahil minabuti ng dalawang hari mag ingat sa pwedeng pag atake ng halimaw ano mang oras.

"Kung tititigan mo lang din naman sila araw-araw bakit hindi mo nalang sila lapitan at kausapin?" tanong ni Isagani at umupo katapat ng pinsan.

"May nararamdaman ka padin ba para kay Al... ibig kong sabihin para kay Heneral Almira?"

"Nararamdaman? Hah!" lumabas sa bibig ni Ibarra ang munting tawa.

"Kung ikukumpara yung nararamdaman ko sa nararamdaman ni Prinsipe Heneral Lirik, napakababaw ng akin."

"Ibarra, alam mong hindi 'yon gano'n, wag mong minamaliit ang damdamin mo," seryosong saad ni Isagani.

"Pero, Isagani, totoo naman... alam na natin ang buong kwento ngunit dahil sobrang mahal ng pinsan natin si Almira, kinalimutan niya yung pag ganti niya."

"Hah, tingin ko hindi ko kakayanin na balewalain ang magulang ko dahil lang nakahanap ako ng pagmamahal, hindi ko maintindihan si Prinsipe Lirik."

Natahimik si Isagani sa sinabi ni Ibarra, totoo nga naman kasi... mahirap alisin ang galit sa puso ng isang tao ngunit dahil sa pag-ibig, nagawa itigil lahat ni Lirik.

"Sa totoo lang parehas tayo, Ibarra, hindi ko din maintindihan. Ngunit siguro gano'n lang talaga, hindi mo maiintindihan ang isang bagay na hindi mo pa naman nararanasan," tinignan ni Isagani ang pinsan, nakatanaw itong muli sa lugar ng mga nag eensayo kaya napatingin din siya doon.

Mukhang nagkaroon ng saglit na pahinga ang mga ito dahil ang iba ay umiinom ng tubig at ang iba ay nag uunat. Ngunit isa ang higit na kapansin pansin sa gitna ng bakuran. Si Almira na nakaunat ang paa sa damuhan at si Lirik na nakahiga habang nakaunan ang ulo sa isa sa hita ni Almira. Napangiwi si Isagani.

Itong dalawang 'to, akala mo ay may sariling mundo! Agad din nawala ang mga iniiisip ni Isagani dahil nalala si Ibarra sa tabi niya, nilingon niya ito at nakatingin padin ito sa dalawa,

"Ibarra, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina... may nararamdaman ka pa din ba para sa heneral?"

"Hmm... nakapagisip isip ako nitong mga nakaraang araw, at tingin ko, yung nararamdaman ko para sakanya ay hindi nalalayo sa kuryosidad o paghanga."

"Sigurado ka?" may paghihinla na tanong ni Isagani, nilingon siya ni Ibarra at nginitian.

"Oo, sigurado, dahil sabihin mo, maski ikaw, nahihiwagaan padin sa binibini hanggang ngayon... kung mayroon man iba, 'yon siguro ay nabawasan ang pagkalalaki ko."

"At bakit naman iyon napasok?"

"Dahil sa totoo lang, nag usap kami ni Prinsipe Lirik noong si Arus pa siya, sabi niya lalaki sa lalaki namin na subukang kuhain ang loob ni Almira. Kinoronahang prinsipe tayo Isagani at sanay ako na lahat ng naisin ko nakukuha ko ngunit sa unang pagkakataon hindi ko nakuha ang gusto ko... kaya pakiramdam ko, nagasgasan ang dangal ko."

"Alam mo Ibarra, parehas tayong kinoronahang prinsipe pero minsan, hindi ko talaga maintindihan 'yang takbo ng utak mo."

"Seryoso ako, wag kang ganyan, hindi ko inakala na ganito kapait ang lasa ng pagkatalo."

"Ewan ko sayo!" sabi ni Isagani at tinalikuran ang pinsan, narinig niya ang pagtawa nito kaya ngayon alam niya na maayos lang si Ibarra, lumabas siya sa kwarto nito ng nabawasan ang pagaalala.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon