Kabanata 22

4.5K 250 6
                                    

Talasalitaan:

Kalahok- Participant

Tagapagsiyasat- Jugdes

Peluka- Wig

Maestro ng Seremonya- Something like Emcee

Arkero- Archer

Pagkatapos pumayag ni Seda na sumali sa paligsahan ay naging mabilis ang takbo ng oras, dumating ang mga dagdag na sundalo, sinabi ni Almira na napapayag niya si Seda para lumaban sa klase nila at nagsimula na nga ang tatlong araw na pagdiriwang. Maraming panauhing pandangal ang dumating; alkalde, anak ng gobernador, kapitan, retiradong mga heneral, karamihan ay lalaki ngunit may mga bilang din ng mga babeng panauhin.

Ginanap ang mga palaro kagaya ng pangangabayo, pamamana, pakikipagespada, hanggang sa pambansang laro na kung tawagin ay sipa na katulad na katulad ng pambansang laro ng Pilipinas na sipa.

Lahat ng mga palaro nanalo ang klase nila Almira. Kaya pala sobra nalang ang kagustuhan nila na manalo sa Rosas sa Gitna ng Tinik, dahil nakakapanghinayang nga kung iyon pa ang ikakatalo nila.

Sa ngayon ay tapos na ang ikalawang araw ng pagdiriwang at kasalukuyan nasa kanya kanyang dormitoryo na ang mga mag aaral, kailangan nila magpahinga dahil bukas ang pinakamalaking mga kaganapan.

"Prinsesa, sandali!"

Napatigil si Almira sa pagpasok ng dormitoryo dahil sa boses na tumawag sakanya, lumingon siya sa taong tumawag sakanya.

"Ginoo?" tanong niya sa humihingal na si Arus, ngayong niya lang ulit nakita ang lalaki.

Sa totoo lang, sa loob ng dalawang araw, hindi niya pa talaga nakikita ang mga kaibigan niya at mga kagrupo niya dahil sa sobrang abala. Bukod kay Ibarra na may binigay sakanya kanina at ngayon ay si Arus na nasa harap niya.

"Buti na lang naabutan kita... kanina pa kita hinahanap," sabi ni Arus na hindi man lang nabawasan ang kakisigan kahit na naghahabol na ng paghinga.

"Bakit, may kailangan ka ba?" tanong ni Almira para tanggalin kung ano man ang pinagiisip niya, umiling si Arus.

"May ibibigay lang ako saiyo, prinsesa," sabi ni Arus ng nakangiti sakanya.

Itinaas ng lalaki ang kaliwang braso niya at may nilagay sa palad niya bago isinara.

"Kung gusto mo, isuot mo iyan bukas sa Gabi ng Rosas," may makahulugang ngiti na sabi ni Arus na hindi naman makuha ni Almira ang ibig sabihin kaya ngumiti lang siya habang hindi pinuputol ang titigan nilang dalawa.

"Ahh..umhhh... pero kung ayaw mo, ayos lang naman saakin... hindi naman kita pinipilit... ayos lang talaga," ilang na sabi ni Arus habang paliit ng paliit ang boses, nakahawak sa batok at namumula ang tenga.

Lumaki ang ngiti ni Almira habang nakatingin sakanya na para bang naaliw siya kaya lalo lang nadagdagan ang ilang ni Arus.

"Ehem!" tumikhim si Arus para alisin ang nararamdaman.

"Ayon lang, prinsesa, mauna na ako, magkita nalang tayo sa bukas," sabi niya na lang, hindi na initnay ang sasabihin ni Almira at tumalikod dito.

Naglakad si Arus ng walang lingon likod dahil alam niya na hindi na maitatago ang ekspresyon niya ng ilang at hiya, hindi ganito ang plano niya! Pero masaya siya na kahit papaano ay nagawa niya ang dapat gawin.

Samantala si Almira ay nakatanaw sa naglalakad na si Arus palayo, mukhang may pagkakatulad naman pala kayo kahit hindi kayo magkadugo.

Ang pag kilos ni Arus ngayon ay parehas na parehas sa kaninang sa ginawa ni Ibarra, yung mga salita, tono ng sinabi at maski ang hindi nila paglingon ay magkatulad, pakiramdam niya tuloy ay nakikita niya din si Ibarra na kasabay na naglalakad ni Arus ngayon.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon