Kabanata 34

2.8K 217 51
                                    

Nabura ang ngiti ni Arus ng makarating siya sa hardin, pakiramdam niya natutunaw ang determinasyon niya. Hindi pa man siya nakakalapit ay nakilala niya na ang dalawang pigura ng tao, ang paligid nila ay sumisigaw na nagkakamabutihan ang dalawa.

Nang humakbang si Ibarra kay Almira at inilapit ang mukha ay napangiti siya ng mapait bago tumalikod at naglakad palayo doon. Mabilis siyang naglakad kahit na medyo nanlalabo ang paningin niya.

Naglalakad na si Arus sa pasilyo ng klinika ng paaralan nang may biglang humila sa braso niya at napaharap siya sa pwersa.

**********

Kasalukuyang patagong naglalakad ang kambal na tinyente ng Arda sa loob ng paaralan. Oras na para palitan nila ang mga kapitan nila na si Maru at Deno sa pagbabantay sa mga prinsipe.

"Siko, hindi ba si Ginoong Arus 'yon?" tanong ni Siyo, nakita kasi niya ang madilim na mukha ekspresyon nito sa mukha at mabilis na naglalakad.

"Sandali, babangga siya sa poste!" bulaslas ni Siko.

*********

"Babangga ka na, ginoo," sabi ng boses na humila kay Arus. Napatigil siya ng makita ang hinihingal na tao sa harap niya.

"Prinsesa?"

"Oo, ako nga, nasaan ba 'yang utak mo at hindi mo nakita na pabangga ka na sa poste?"

"Bakit ka nandito?" tanong ni Arus, kanina lang ay nakita niya si Almira kasama si Ibarra.

"May sasabihin ako," seryosong saad ni Almira, napangiwi naman si Arus ng maalala na mukhang sasagutin na ni Almira si Ibarra.

"Ah, prinsesa, pwede ba sa ibang araw na lang, may importante akong gagawin," dahilan ni Arus habang iniiwasan ang tingin ni Almira, ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito, ang lakas ng pakiramdam niya na masasaktan lang siya.

"Mas importante kumpara saakin?" tanong ni Almira, napatignin bigla sakanya si Arus at binigyan siya ng pamilyar na ekspresyon.

May mas iimportante pa ba sayo, prinsesa?

"'Yan... 'yan yung hindi ko maatim, 'yang ekspresyon na 'yan!"

"Bakit sa tuwing pinipili ko si Prinsipe Ibarra kapag nagtatalo kayo, nawawala yung kislap ng mata mo?"

"Bakit nabubura yung kurba sa labi mo?"

"Bakit bigla ka na lang mananahimik?!"

Nagsimulang malito si Arus sa sinasbi ni Almira.

"Hindi mo ba alam na sa tuwing ginagawa mo 'yan pakiramdam ko may nababasag dito!" inis na sabi ni Almira at itinuro ang sariling ng dibdib.

Oo, bawat pagkakataon na pinili niya ang mga binigay ni Ibarra, hindi niya maiwasan tignan kung ano ang magiging reaksyon ni Arus at... palagi siyang nababahala kapag nakikita niya ang ekspresyon nito na nasasaktan. Pinipiga ang loob niya sa tuwina at pakiramdam niya may mali siyang ginawa sa taong hindi dapat.

Kaya nga siya tumakbo para habulin si Arus, kanina nang hahalikan na siya ni Ibarra ay nakita niya sa gilid ng mata niya si Arus na suot-suot ang ekspresyon na nag papasikip sa dibdib niya.

"Prin-"

"Nasasaktan ako!"

"Sa tuwing nakikita kong nawawala yung kislap sa mata mo, nasasaktan ako! Kapag bumabaliktad yung ngiti mo sa labi, nalulungkot din ako!"

Huminga ng malalim si Almira, oras na ito, hindi niya inaalala ang misyon o ano mang plano, gusto niyang sundin ang nais ng puso.

"Pwede mo bang burahin na ang ganyang ekspresyon... dahil pangako, ikaw na ang pipiliin ko," malumanay ngunit may paninindigan sa tono na sabi ni Almira.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon