Almira: Bago ang Wakas 8

1.6K 82 3
                                    

"Ugh!" angil ni Beron sabay sandal sa kinauupuan at hinilot ang sentido.

Nitong sumunod na linggo ay wala siyang pahinga. Siya kasi ang nag-asikaso sa minadaling kasal ni Rule at Irah.

Wala siyang naging problema sa pera dahil ang pamilya ni Rule ang gumastos para sa lahat. Pero hindi ganoon kadali maghanda ng kasal sa loob lang ng isang buwan. Pasasalamat nalang ngayon ni Beron ay tapos na.

Kasalukuyang nasa bakasyon ang dalawa, kaya bukod sa pagiging mangagamot niya ay siya muna ang nag-aasikaso sa pamamahala ng pagiging kapitan.

TOK. TOK. TOK

Napatingin si Beron sa pinto ng opisina. Mula doon ay may pumasok na naninilbihan.

"Ginoo, may bisita po kayo."

Tumingin si Beron sa maliking orasan sa opisina. Ganitong oras?

"Nagpakilala ba?"

"Siya daw po ang bantay niyo, ginoo."

"Ah, ang kapitan, sige papasukin mo at padalhan kami ng tsaa."

"Masusunod ginoo"

**********

"Anong hangin ang nagdala sayo dito, kapitan?" bungad ni Beron kay Siko.

Si Siko ay ang namumuno sa mga bantay ng grupo nila sa tuwing magsasagawa ng pangagagmot sa malalayong lugar.

"Gusto kita makita."

Ngunit syempre hindi 'yan sinabi ni Siko, bagkus ay tinitigan ang umiinom ng kape na si Beron.

"Kapitan?" takang tawag ni Beron, hindi kasi ito umimik.

Kinuha ni Siko ang tasa ng kape bago nagsalita. "Gusto malaman ng mga kagrupo mo kung kailan ka makakabalik para makapagplano sila ng bagong lugar na pupuntahan."

Totoo ang sinabi ni Siko, palibhasa ay nagpaalam si Beron dahil sa pag pasa ng titulo kay Irah at para sa kaarawan ng ama nito.

"Ah, oo nga. Mukhang kailangan ko pahabain pa ang pagliban ko."

"Bakit?" nag aalala ngunit hindi nagpahalata na tanong ni Siko.

"May sakit ka ba? May malaking problema sa pamilya?"

Bumuntong hininga si Beron. "Oo nga pala, hindi niyo pa alam."

"Bukod kay Binibining Madaris at sa pamilya ni Heneral Rule..."

"Kinasal si Irah at ang heneral."

KRASH!

"Kapitan, ayos ka lang?!" tarantang sabi ni Beron.

Nagmadali itong nilapitan siya pagkatapos ay iniluhod ang isang hita at pinunasan ang natapon na kape sa hita niya.

Bago pa mapunta sa hindi dapat ang kamay ni Beron ay hinawakan ni Siko ang dalawang pulsuhan niya.

"Ayos lang ako, ginoo, hindi naman mainit."

"Nagulat lang ako."

Tumango si Beron habang hinila naman siya ni Siko para umupo sa sopa.

"Biglaan din ang lahat kaya pamilya lang talaga ang naimbita... nagdadalang tao si Irah, sa ngayon ay nasa bakasyon ang dalawa."

Muli ay nilamon ng gulat si Siko, napanganga siya sa mga pangyayari. Tinignan siya ni Beron at marahang tumawa.

"Kaya kapitan, mukhang kapag bumalik ako sa Mahnira, mag papaalam na hindi na muna ako sumama sa mga malalayong lugar at mag papadestino na muna ako dito."

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon