Kabanata 31

3.2K 217 29
                                    

Talasalitaan:

Paunang-lunas- First aid

Sutil, Suwail- Hard headed, stubborn

Karumalan- Menstruation

Nagmamanman ngayon si Seda at si Rule sa mga prinsipe sa hardin na madalas nilang paglagian, kasama ng mga ito si Arus at si Almira. May kanya kanyang ginagawa. Pero hindi maikakaila ni Seda na damang dama niya ang pagsunod ng tingin ni Almira kahit nakatago naman sila.

Naiinis si Almira! Naiinis siya, sobra! Paanong hindi? Pagising niya noong araw na tinulungan niya si Seda ay wala na ito sa kama at tatlong araw na siya nitong iniiwasan, napapaisip siya kung ganito ang naramdaman ni Arus nung iniiwasan niya ito.

Dahil abala sa pag hahanap at paghahabol kay Seda, nakaligtaan niya ang pagiwas na ginagawa kay Arus na wala namang ibang ginawa kung hindi titigan siya maya't maya. Hindi naman siya nito kina-usap tungkol sa halik kaya't hindi nadin siya umiwas.

"Palubog na ang araw, ayaw niyo pa ba pumasok sa dormitoryo?" tanong ni Isagani.

"Oo nga, pasok na tayo," sabi ni Almira at tumayo, may plano siya!

Hindi pwede na hindi niya makausap si Seda ngayong araw na ito! Nagsimula tumayo ang tatlo at ipagpag ang damit nila.

"Mauna na ako, mga kamahalan, ginoo," sabi ni Almira at hindi na inantay ang tugon ng tatlo at mabilis na naglakad papunta sa dormitoryo niya. Wala naman ng nagawa ang tatlong lalaki kung hindi ang sundan lang ito ng tingin.

"Halika na," sabi ni Isagani at naunang maglakad, naiwan naman si Arus at Ibarra, nagsalubong ang mata nila. Pero agad din binawi ang tigin at sinundan si Isagani.

Simula nung araw na dinamayaan ni Ibarra si Almira sa pag-iyak ay wala na siyang ginawa pa. Si Arus naman, makatapos ang halik na hindi naman maalala ni Almira, ay wala ng usad sa kwento nila. Sa ngayon iisa lang ang nasa isip ng dalawa, mukhang kailangan ko na ulit kumilos.

**********

Sa kailaliman ng gabi, nakamasid si Almira kay Rule at Seda na nagbabantay kung saan tanaw nila ang ang bintana ng kwarto ng dalawang prinsipe. Alam ni Almira na papalitan sila nung kambal o kaya nung mga kapitan sa pagbabantay ng mga hating gabi. Kaya't napagpasyahan niya na intayin matapos ang oras ni Seda.

Hindi nga nagtagal ay dumating ang kambal para palitan si Seda at Rule. Agad naman siyang naglakad papalapit sakanila at pinaramdam ang presensya niya.

"Binibini, gising ka pa?" tanong ni Siko ng makita siya.

"Kailangan ko kasing kausapin si Tinyente Seda," sabi ni Almira at makahulugang tinignan si Seda na iniwas ang mata.

"Anong paguusapan niyo?"

"Henreal Rule, saaming dalawa nalang iyon, diba, tinyente?" makahulugang sabi ni Almira.

"Ah, prinsesa, madami pa akong gagawin, e!" dahilan ni Seda at pilit na hindi sinasalubong ang mata ni Almira.

"Seda, ayos lang na samahan mo ang binibini dahil natapos na namin ang mga papel na kailangan ipasa ngayong linggo," sabi ni Siyo na ikinangisi ni Almira.

"Ah, umh..." naiilang si Seda dahil ayaw niya talagang kausapin si Almira.

"Sa totoo lang may kailangan kaming gawin ng tinyente, Almira, kaya sa susunod nalang kayo magusap," sabi ni Rule at hinila sa pulsuhan si Seda palayo na nagpadala naman.

Napakunot ang noo ni Almira at napansin iyon ng kambal at alam nila na senyales iyon na mas mabuti na umalis na sila.

"Ah, sige, binibini, una na kami," sabi ni Siyo.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon