Kabanata 5

8.7K 462 19
                                    

Talasalitaan:

Pasilyo- Hallway

Eskrimador- Swordsman

Gasuklay na buwan- Cresent shape

Kolorete- Make-up

Sining- Art

Tanyag- Popular

Dula- Play

Bulwagan- Hall

Sindak- Scare

Magarbo- Extravagant

Kalihim- Secretary

Salakay- Attack

Tuon- Attention 

Mabilis na tumakbo ang panahon at anim na taon agad ang lumipas. Si Migo at si Sulong ay dalawampu't lima na, si Rule ay labing siyam at isa ng heneral, habang si Almira ay labing anim na taong gulang na at unang beses siyang aalis ng Laso dahil isasama siya ng kanyang ama sa lungsod ng Wan kung nasaan ang kaharian ng Maharlika.

Tinignan niya ang sarili niya sa malaking salamin, habang tumatagal ay napapansin niya na walang pinagkaiba nag itsura ng mukha niya sa mukha niya noon, ang mukha niya ngayon sa katawang ito ay kamukhang kamukha ng mukha niya noong labing anim siya, pakiramdam niya tuloy ay talagang bumata lang siya.

"Binibini, tinatawag po kayo ng heneral," sabi sakanya ng kumatok na katulong tumango siya dito at lumabas ng kwarto.

Pagkadating niya sa salas ay nilingon siya ng kanyang dalawang kapatid, dalawang ina, ang ama, si Aro at Migo, pati na ang mga katulong na nagsisilbi sakanila. Lahat ito ay natulala. Lumapit siya sa dalawang ina.

"Napakaganda mo, anak," sabi ni Teresa sakanaya na nagbalik sa lahat sa katinuan. tumikhim si Migo at iniwas ni Aro ang tingin kagaya ng mga katulong na nakapaligid sakanila.

"Manang mana ka saakin," sabi ni Mariya na nagpasimangot kay Teresa.

"Wag kang magtampo Teresa, parehas nating anak si Almira."

Ano bang itsura ni Almira? Dahil nga mga dugong bughaw ang possible niyang makasalamuha sa palasyo ay pinagsuot siya ng pinaka magandang baro't saya, iyon ay sobrang hapit sakanya. Hindi sinasadya ngunit lumalabas ang mga hugis at korte ng katawan niya. Nakaayos ang buhok niya ng paikot na tirintas at nilagyan ng kolorete ang mukha, gumamit din siya ng bakyang may takong kaya't tumangkad ang tingin sa kanya. Masasabi mo ngang napakaganda niya, idagdag mo pa ang inosente niyang mukha.

Kung si Almira ang masusunod hinding hindi siya magsasayang ng oras para mag-ayos... ngunit para sa mas malaking dahilan, napagdesisyonan niyang maging presentable.

"Teresa, Mariya, tama na iyan, mahuhuli na kami sa imbitasyon ng mga hari," sabi ni Sado kaya't nagpaalam ang dalawa sa mga anak nila.

Sabay sabay na lumabas si Sado, Sulong, Migo, Rule, at Almira, bumungad naman sa kanila ang isang mahabang itim na karwahe na may tatlong kabayo at isang nagmamaneho.

Isa isa silang sumakay, kung papansinin, ang apat ay nakabarong din, kagaya ni Almira ay napakagarbo din ng suot nila.

**********

Tahimik na naglalakad si Almira kasunod ng apat sa pasilyo ng kaharian ng Maharlika na matatagpuan sa bayan ng Nal sa lungsod ng Wan. Mula sa Laso hanggang dito ay tatlong oras lang ang biyahe dahil ang mga karwahe sa mundong ito ay may kakayanang lumipad. Gayunpaman, nakakapagod iyon, ngunit masasabi ni Almira na nakakawala ng pagod ang napakagandang lugar na ito. Akala mo ay inilabas sa isang larawan, pinaghalong kulay asul, pilak at itim ang disenyo. Bawat poste ay may nakaukit na sining at may alpombra ang lapag.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon