Kabanata 33

3.1K 174 26
                                    

"Ginoo, tagumpay po ang pagsunog sa kaha ng dalawang kaharian, ano pa ang susunod na plano?" balita at tanong ni Pillo sa nakatigin sa malayo sa si Lirik at may hawak na baso ng alak.

"Pahingahin muna natin ang palasyo, pag akala nila ay maayos na ang lahat, saka tayo muling aatake."

"Masusunod, ginoo. Bukod doon ay meron pa ba kayong ibang kailangan ipagawa?"

Panandaliang nanahimik si Lirik bago sumilay sa labi nito ang makahulugang ngiti.

"Magsasampung taon na simula ng mabuo ang Anino, hindi ba? Oras na siguro para magpakilala ako sakanila, maghanda ka ng isang pagdiriwang at imbitahan ang lahat ng kasali sa Anino," sabi ni Lirik, yumukod naman si Pillo bago lumabas ng kwarto at simulan ang mga kailangan niyang gawin.

**********

Hindi alam ni Almira kung nahihibang na ba talaga ang dalawang lalaking nanliligaw sakanya o nangaasar lang. Paano ba naman kasi, pagdating niya sa upuan niya sa kwarto nila, may dalawang kahon ng regalo na halos kasing laki ng palad niya.

Hindi niya binuksan agad para hindi siya kulitin ni Arus o ni Ibarra, nung nagtanong ang dalawa sakanya kung, "Nagustuhan mo ba, prinsesa?" sinagot niya lang iyon ng "Hindi ko pa binuksan, wala pa akong binubuksan," para matahimik ang mga ito.

Isa pang dahilan kung bakit hindi niya binuksan ay dahil ayaw niyang makatanggap ng hindi kinakailangang atensyon mula sa mga kaklase niya. Nitong mga nakaraang araw kasi palaging may dalawang bagay sa upuan niya tuwing umaga. Mabuti nga na hindi padin nila napapansin na kay Arus at Ibarra galing ang mga iyon.

Mukhang alam naman ng dalawa kung anong problema ang haharapin ni Almira kapag kumalat sa buong paaralan na nililigawan siya ng dalawa sa masasabing may mataas na posisyon sa lipunan. Isang anak ng hari, at isang anak ng gobernador heneral, hindi ba't napakalaking eskandalo?

Kung may nakakaalam man ng panliligaw ng dalawa, si Isagani lang siguro dahil palaging nag-tatalo si Arus at Ibarra para kay Almira sa harap nito pag magakakasama sila. At syempre, si Seda, na sinasabihan ni Almira.

"Grabe, binibini, ibang klase magregalo mga manliligaw mo," komento ni Seda.

Nasa kwarto sila ngayon ni Almira at binuksan nila ang regalo. Ang kahon na may asul na laso ay naglalaman ng porselas na purong pilak at may nakasabit na pangalan niya.

Ang kahon naman na berde ang laso ay naglalaman ng gintong ipit na may nakadikit na berdeng korona sa bandang kaliwa, mukhang luntiang bato pa ang ginamit doon na bihira makita sa minahan. Palibhasa tinaggap niya ang mga nauna nitong ibigay, mukhang nawili ang dalawa at niregaluhan siya ng ganito.

"Binibini, huminahon ka," sabi ni Seda ng mapansin na nagngingitngit na sa inis si Almira.

"Huminahon?! Gusto mo akong huminahon?" inis na tanong ni Almira.

Iniisip palang niya ang halaga ng dalawa, nag iinit na ang ulo niya! Alam ba nila ang nagyari sa kaha ng dalawang palasyo? Nasunog! Tapos nagagawa nila gumastos ng ganito, kahit ba sabihin na hindi nila alam, parang sobra naman na para sa regalo.

"Teka, binibini, saan ka pupunta?" tanong ni Seda dahil biglang tumayo si Almira hawak ang dalawang kahon.

"Ibabalik ko itong higit sa nararapat nilang regalo! Kaya kong tanggapin yung pagkain, yung bulaklak, o kaya yung panyo na ibinigay nila noong nakaraang araw! Pero yung ganito, na isang tingin palang, kaya ng ituring na pamana ng ilang henerasyon, hindi ko kaya!"

"Sumusobra na sila! Idagdag mo pa na hindi natin magawa ang trabaho natin ng maayos na bantayan ang dalawang prinsipe sa malapitan dahil hindi ko maatim yung pagaaway nung dalawa sa harap ni Prinsipe Isagani," inis at may gigil na sabi ni Almira at pabalibag na binuksan ang pinto.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon