Kabanata 44

2.7K 222 28
                                    

Talasalitaan:

Limbag- Published

Burol- Hills

Dalisay- Pure or Bright

Tinignan ni Ibarra ang pulsuhan na may marka dahil sa pagkakatali sakanya. Inaalala niya lahat ng nangyari. Ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya.

"Isagani," bati niya sa pinsan, dalawang araw na ang lumipas simula ng matapos ang gulo na ginawa ni Lirik at kasalukuyan silang nasa palasyo ng Hinirang. Umupo si Isagani sa sopa para harapin siya.

"Ibarra, dumating na ang mga hari at kumpleto na din ang konseho... pinapatawag tayo sa pulong na magaganap mamaya, gusto nilang manood tayo sa magiging hatol na parusa kay Ginoong Arus."

"Hindi malayo na kamatayan ang ipataw na hatol sa ginoo, 'no?"

"Tama ka diyan."

"Tingin mo makatarungan 'yon, Isagani?" hindi nakasagot si Isagani sa tanong ng pinsan.

"May tinatago saatin ng mga hari, si prin- ibig ko sabihin, simula pa lang kay Binibining Almira. Simula pa lang doon masasabi ko na napakarami nating hindi alam," sabi ni Ibarra, palibhasa ay ipinaliwanag na sakanila ang naging misyon ni Almira.

"Ibarra kung ginagawa mo ito dahil nakita mo kung gaano kamahal ni Binibining Almira ang ginoo at ayaw mo siyang masak-"

"Isagani, makinig ka saakin. Noong oras na wala kang malay, sinabi saakin ni Arus na gumaganti lang siya, na binabalik niya lang lahat ng ginawa ng dalawang hari sakanya... sinabi na paghihiwahiwalayin niya ang katawan natin at isa isang ipapadala sa kaharian at... kung sino man ang tatanggap ng trono ay igagaya niya saatin para walang sino man ang magprisinta na maging hari."

"Nakita ko kung gaano siya kadesidido na patayin tayo at sirain ang pamamalakad ng bughaw na pamilya. Una ang naisip ko na gumaganti lang siya."

"Malahalimaw ang titig niya noon, na para bang sisirain niya lahat ng nasa daan makamit lang ang gusto pero yung mata niya ng oras na 'yon... 'yon ang mata ng taong pinagkaitan ng hustisya kaya naging masama...pero sumuko siya ng hindi man lang lumalaban."

"Ibarra, ano bang gusto mong sabihin?"

"Isagani, hindi kaya tayo ang masama dito?"

**********

Sa loob ng isang bulwagan sa palasyo ng Hinirang, kasalukuyang nakaupo ang konseho ng dalawang bansa. Ang konseho ay nagsisilbing tagaparusa sa mga hindi sumusunod sa batas. Ang nandito ngayon ay ang pito na pinakamataas ang katungkulan sa dalawang bansa. Nakadepende sa boto nila ang magiging parusa ni Arus... Lirik.

Ang dalawang hari, ang dalawang prinsipe heneral pati nadin ang mga kinoronahang prinsipe at si Almira ay naroroon din at nakaupo. Tapos na ang pulong at ang pinkamataas sa konseho ay muling pinapasadahan ang mga nakalimbag na ulat bago magbitaw ng hatol. Ibinaba nito ang mga papel.

"Kung ako ang tatanungin ay masasabi ko na kamatayan lang ang pwede nating iparusa sa ginoo at sa mga kasama niya na nahuli noong araw na 'yon... para naman sa mag amang Marka, pwede silang tanggalan ng titulo, itaas niyo ang boto," sabi ng matandang pinangungunahan ang konseho.

Nagsimula naman magusap ang anim na mas mababa ang posisyon bago isa isang itinaas ang karatulang nakalagay ang salitang sang-ayon.

"Kung ganoon ay-"

"Sandali ginoo, mawalang galang na, may gusto akong sabihin," pinutol ni Almira ang sasabihin ng matandang konseho. Itinaas niya pa ang kamay niya kaya ngayon ay nakatingin na lahat sa kanya.

"Haring Kayro, Haring Lagro... kung itutuloy niyo ang kaparusahang kamatayan kay Ginoong Arus... gusto ko lang sabihin na, ang sinasabi ni Tala na panagalawang gulo na parating, kahit pa bigyan niyo ako ng posisyon, ay hindi ko papangunahan."

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon