Kabanata 42

2.6K 177 6
                                    

Napangiwi si Irah habang pinapanood ang nangyayari sa dalawang prinsipe. Pinakawalan ito ni Lirik kanina at nagsimulang makipaglaban. Sinabi pa nito na kapag nabugbog siya ng dalawa ay papayagan niya itong bumalik sa palasyo na parang walang nangyari.

Dalawa laban sa isa ang nangyari, masasabi ni Irah na may kakayahan makipag mano-mano ang dalawang prinsipe ngunit wala sila sa kalingkingan ni Lirik. Sila ang mas dehado kung titignan, parehas putok ang labi at basag ang kilay.

"Ugh!" daing ni Isagani dahil sa sipa ni Lirik na dumiretso sa tiyan niya, napabaluktot siya sa lapag, hindi siya makahinga!

BOOGSH!

Sinuntok ni Ibarra si Lirik at sa swerte niya ay natamaan niya ito. Napaatras si Lirik ng ilang hakbang. Naramdaman si Lirik ng sakit sa kaliwang labi kaya dinilaan niya iyon at nalasahan niya ang sariling dugo. Pero imbes na magalit ay ngumiti lang siya at ikinuyom ang kamao.

BOOGSH!

Napasinghap si Ibarra dahil tinamaan siya sa sikmura at kagaya ng pinsan niya, napabaluktot siya sa lapag.

"Itali sila, mukhang hindi na nila kayang lumaban," utos ni Lirik, sumunod naman si Irah.

Lumabas mula sa dilim si Olen, Daren, at Nair at nagsimula silang apat itali ang dalawa. Alam nilang apat na walang planong pakawalan ni Lirik ang dalawa at pinaglalaruan niya lang ang mga ito. Lalo na si Irah, naawa siya sa dalawang prinsipe ngunit hindi nagbabago ang panananaw niya. Tinapos nila ang pagtali sa dalawa at bumalik sa kanya kanyang pwesto. Ang tatlo sa dilim habang si Irah ay pumunta sa likod ng nakaupong si Lirik at nakaharap sa dalawang prinsipe.

"Alam ba ni Prinsesa Almira na ganito ka?" tanong ni Ibarra, nataranta naman si Irah dahil sa pag banggit ni Ibarra sa pangalan ng dalaga. Samantalang makahulugang tinitignan ni Isagani ang pinsan.

"Tingin mo kung alam niya na ganito ka kasama, pipiliin ka niya?" nahihirapan ngunit may pang uuyam na sabi nito.

Gusto mo bang mapaaga ang kamatayan mo, kamahalan?

Ibarra, tigilan mo!

Tahimik na nagmamakaawa si Isagani at Irah gamit ang mata kay Ibarra ngunit mukhang hindi nito naramdaman ang pagmamakaawa nila.

"Magtapat ka nga saakin, ginoo, tingin mo kung alam ng prinsesa na may ganitong katauhan ka, mamahalin ka niya?"

Napahigpit ng hawak si Lirik sa basong hawak, nawala na ang ngisi sa labi at nagsisimulang uminit ang ulo niya.

"Grabe ginoo, sino mag aakala na ang mapaglaro at pilyong minahal ng prinsesa ay may tinatagong kasamaan sa katawan? Sa pagkakaalam ko, ang minahal ng prinsesa ay ang katauhan mo na palaging nakangiti ang mata at malokong personalidad. Paano kaya kapag nalaman niya na ang layo-layo mo sa pagkakaala-"

KRASH!

Naputol ang sinasabi ni Ibarra dahil lumipad sa gilid niya ang hawak na baso ni Lirik, ilang segundo namayani ang katahimikan. Ang tatlong nasa dilim ay nagmamasid lang, unang beses nilang makitang mapatid ang pasensya ni Lirik.

"Kamahalan, itikom mo iyang bibig mo kung gusto mong tumagal pa ang buhay mo," malamig na sabi ni Lirik habang matalas ang tingin sakanya.

Nagsimula din na lumamig ang presensyang inilalabas nito kaya kahit gusto ni Ibarra ituloy ang sinasabi para lalo itong inisin ay itinikom niya ang bibig. Pakiramdam niya isang salita mula sakanya ay talagang tutuluyan siyang lagutan nito ng hininga.

Sumandal si Lirik sa kinauupuan at ipinikit ang mata, Almira... paano bang nahulog siya sa dalaga? Nang makita niya na medyo napalapit ang prinsesa sa mga mailap na prinsipe, plinano niya na gamitin ito sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at personal na bantayan ang dalawang prinsipe ng malapitan. Para din matanggal niya na ang mga buntot niyang pinapadala sa dalawa at maibaba ng palasyo ang seguridad sa mga ito.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon