Kabanata 26

3.6K 244 54
                                    

Talasalitaan:

Panitikan- Literature

Pabalat- Book cover

Katunggali- Rival

"Siguraduhin niyong hahalughugin niyo ang bawat sulok ng paaralan," utos ni Sulong sa mga sundalong nasa harap niya.

Tumalima ang mga ito na pinangungunahan ng kagrupo niya at naghiwahiwalay papunta sa iba't ibang direksyon. Ilang oras na ang lumipas ng napag-alaman nila na nawawala si Ibarra, agad siyang humingi ng tulong mula sa kalapit na grupo ng mga sundalo para hanapin ito.

Naglakad siya papunta sa opisina ng punong-guro ngunit bago pa man pumasok ay tumigil siya sa pasilyo habang hawak ang pinto.

"Seda anong huling sabi ng mga kaklase nila?" tanong niya kay Seda na nakasunod sakanaya, ang sarhento nalang ang naiwan dahil may mga katanungan siya dito.

"Ayon sa kanila heneral, huli nila itong nakita ng mag hiwahiwalay sila para sa larong taguan, pagkatapos ng tatlong oras ay hindi padin sila nahanap o lumitaw man lang kaya't lumapit ang guro nila saatin."

"Pasensya na, Heneral, kung hindi ko siguro iniiwan ang binibini ay hindi sila mawawala sa paningin natin ngayon," dugtong ni Seda, napatingin sakanya si Sulong at nginitian siya.

"Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, sarhento, parehas nating alam na importante ang pulong kanina."

Bago tuluyang pumasok ng opisina ng punong-guro ay nagbigay ng huling utos si Sulong kay Seda.

"Seda, kausapin mo ang Kamahalan, Prinsipe Isagani, tanongin mo kung may napansin siyang kakaiba bago mawala ang Prinsipe Ibarra."

Tumango naman si Seda at umalis, naiwan si Sulong na mag isa sa pasilyo. Plano niyang kausapin ang punong-guro kung nagkaroon ba ng mga bisita o ano man na kahinahinala.

Bakit ba sumasabay pa 'to?

Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari, lalo na nakatanggap sila ng sulat mula sa palasyo sa Nal na... na may nagpadala ng katawan ni Migo sakanila. Hah. Kailangan nila mahanap si Ibarra at... si Almira, sa lalong madaling panahon.

**********

Sa kabilang banda ng nagkakagulong mga sundalo sa paghahanap kay Ibarra, Arus at Almira, nandoon sila sa aklatan at wala pading ginagawa kung hindi magbasa. Sa totoo lang sinubukan tignan ni Almira ang malaking bintana kung may daan, ngunit ang problema, hindi iyon nabubuksan, isang malaking salamin lang iyon para pasukan ng liwanag.

Kaya kahit hindi siya ang klase ng tao na mahilig magbasa, nakakalimang libro na siya! Sa kagustuhan niya na hindi kausapin ang kahit sino sa dalawa, hindi din naman nagsalita ang kahit sino sa kanila, limang oras na ata sila dito o higit pa, pero wala pading nakakahanap sa kanila.

Tinapunan niya ng tingin si Ibarra at si Arus, magkakahiwalay lang sila ng halos dalawang dipa, alam niya na mahilig talaga mag basa si Ibarra kaya't hindi na iyon bago sa paningin niya. Ngunit ang makitang abala at seryoso sa pagbabasa si Arus, hindi siya makapaniwala. Dahan dahan siyang lumapit sa tabi nito.

"Anong binabasa mo, ginoo?" mahina niyang tanong, ngunit dahil wala namang nag-iingay, narinig siya ng dalawa at sabay na tinignan.

"Ah, pag-ibig tungkol sa isang prinsesa at sundalo na bantay niya," sagot ni Arus na nawala na ang konsentrasyon sa binabasa, tumango-tango si Almira.

"Maganda?" tanong ni Almira, sa totoo lang kanina pa siya natutuyuan ng laway kaya gusto niya makipagusap, pero mas naiilang siya kay Ibarra kaya si Arus ang tinanong niya.

"Ayos lang, hindi naman ako mahilig sa kwentong pag-ibig," sabi niya tumango ulit si Almira at tumingin kay Ibarra.

"Ikaw, kamahalan, hindi ko alam na nagbabasa ka din ng kwentong romansa," sabi niya kay Ibarra na nakatingin sakanila, pagkakataon niya ito para alisin ang nakakailang na katahimikan, hindi niya ito papalampasin!

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon