Kabanata 10

7.4K 390 3
                                    

Talasalitaan:

Pain- Bait

Saya- Skirt

Hudyat- Cue, signal

Edukasyong Pampalakasan- Physical Education

KRASH!

BOOGHS!

TUHGS!

Walang ibang maririnig sa loob ng isang malawak na silid na gawa sa bato kung hindi ang pagwawala ng isang lalaki na nasa mga dalawampu ang edad. Kulay pulang buhok at kulay berdeng mata. Gigil na gigil siyang pinagtatapon ang bawat mahawakan, nakatitig naman sakanya ang isang lalaki na nasa mga apat napu't lima ang edad na may kulay abong mata at dilaw na may halong itim ang buhok. Tumigil ang lalaki sa pagbabato ng gamit.

"Nakakalma ka na?"

"Hindi ko maintindihan, Pillo, bakit walang bumabalik sa mga ipinapadala natin na magmanman sa bwisit na mga prinsipe?!"

"Ganoon ba sila kawalang kwenta at hindi nila magawang bumalik at mag ulat ng nakalap nila?" inis na tanong nito at umupo, sumasakit ang ulo niya dahil hindi sila makausad sa susunod nilang plano.

"Lirik, alam mong pain lang ang mga pinadala natin nitong mga nakaraang buwan, huwag mong painitin ang dugo mo sa mga tauhan."

"May ipinadala ako na isa sa pinakamagaling natin, sigurado akong babalik siya," may pang-aalo ani ni Pillo.

"Hindi na kailanagan, ako na ang mismong kikilos, nakahanap na ako ng paraan," matalas nitong sabi at tinungga ang baso ng alak sa harap niya. Napatango nalang si Pillo, wala siyang planong pigilan ang anak anakan, kahit siya pa ang nagpalaki dito, hindi niya maikakaila ang pagalang at takot kay Lirik.

**********

Simula nung bumalik ang mga prinsipe, si Tala at Almira sa paaralan galing sa tahanan ng pamilya ni Sado ay palagi ng magkakasama ang apat. Sa klase, palaging magkausap. Sa tuwing tanghalian, palaging magkakasabay kumain.

Halos lahat nga ng nasa paligid ay nagtataka dahil para bang may namumuong pagkakaibigan. Samantalang, sa dalawang taon na nag aral ang mga prinsipe sa pamantasan, palaging sila lang ang magkasama at ang mas nakakagulat pa ay dahil ang isa sa madalas sinasamahan ng prinsipe ngayon ay isang babae. Katulad nalang ngayon na nasa hapag sila, pinagtitinginan padin silang apat habang kumakain.

"Prinsesa, hindi ata nakasunod sayo si Migo?" tanong ni Ibarra, hindi niya alam pero nung araw na binigyan siya nito ng pagkain ay gumaan ang loob niya dito.

"Oo nga, prinsesa, sa taltlong buwan mong pamamalagi dito, ngayon ko lang nakita na hindi mo kasama si Migo, samantalang maski ata sa pagtulog ay binabantayan ka niya, " dugtong din ni Isagani.

"Pinatawag si Migo sa kaharian."

"Para saan?" tanong ni Isagani.

"Para magkaroon ng ka-buoang pagiimbistiga sa mga sumusunod sa inyo," ngunit, syempre hindi iyan ang sinabi ni Almira.

"Hindi ko alam," sagot niya at itinuloy ang pagkain nila.

Natahimik ulit silang apat ngunit napatigil si Almira sa pagkain niya ng makaramdam ng hindi magandang tingin. Alam niya, nakatingin karamihan ng mag-aaral sa kanila ngunit ang tingin na iyon ay nangingibabaw.

Ilang minuto ang lumipas at hindi na matiis ni Almira ang tingin na iyon at tumayo siya.

"Saan ka pupunta, prinsesa?" tanong ni Isagani habang hawak ang braso niya.

Tinignan niya ang dalawang prinsipe na ngayon ay nakatingin din sakanya at si Tala na nakikiramdam. Nakalimutan niyang nandito ang mga ito dahil masyado niyang iniintindi ang mga titig na naramdaman niya.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon