Kabanata 35

3K 204 31
                                    

Talasalitaan:

Hikayat- Encourage

Kasangkapan- Appliances/Furnitures

"Sige na, binibini, ako ng bahala, iniintay ka na ng kasintahan mo," saad ni Seda kay Almira, palibhasa ay nagkalinawan na sila ni Arus kaya't may lakad sila ngayon.

"Sigurado ka?" nakokonsensyang tanong ni Almira.

Nag-aalangan siyang umalis dahil sinira niya ang napagplanuhan nila para mapalapit ang pagbabantay sa dalawang prinsipe. Ngayon ay iniiwasan na siya ni Ibarra at nadamay pati si Isagani na naiipit sakanilang tatlo.

"Oo nga, bilisan mo na bago pa mag bago ang isip ko."

"Sabi ko nga, aalis na!" mabilis na sabi ni Almira at nagpaalam sakanya.

Tinanaw naman siya ni Seda, para sa pagtatago ng sikreto ko, binibini, napakaliit na bagay nito.

Nang mawala sa paningin niya si Almira ay inilabas niya ang isang kulay berdeng sobre at may disenyo ng kulay pulang linya sa gilid. Noong una ay nagulat siya kung bakit siya may natanggap na sulat ngunit nang makita ang baybayin ng letrang "A" sa sobre ay napagtanto niya na galing iyon sa grupong Anino. Binuksan niya iyon at binasa:

Magandang araw Binibini/Ginoo,

Nais naming ipaalam na sa ika-sampung taon na pagdidiwang ng Anino ay plano naming ipakilala ang tao sa likod ng tagumpay ng grupo.

Hinihikayat ang lahat na dumalo sa munting salo- salo.

Namamahala,

Na

Nakalagay din kung anong kailangan isuot, kailan at ang lugar ng paggaganapan. Tiniklop ni Seda ang papel, sa tingin niya, pupunta siya.

Gusto niya makilala ang taong nagbigay sakanya ng karapatan na hindi niya naranasan bilang babae, at syempre gusto niyang makita ang tao na binigyan niya ng respeto at katapatan.

**********

Hawak kamay na naglalakad si Almira at Arus sa gitna ng magulong liwasan, suot nila ang binili nilang kapa na may kaputsa at kagaya noong nakaraan, tumakas sila mula sa paaralan. Nakapagusap na sila, nagkapaliwanagan, nagkaintindihan, at makatapos ng araw ay opisyal ng magkasintahan. Unang beses silang lumabas ng sila na at parehas nilang inaabangan ang araw na ito.

"Nandito na tayo, binibini," sabi ni Arus pagkatigil nila sa harap ng isang malaking bahay na bato, iyon ay tindahan ng kakanin at matatamis na pagkain na ang pangalan ay Malagkit.

"Pero, hindi ka mahilig sa matamis."

Napatigil si Arus sa sinabi ni Almira at napangiti, natutuwa siyang isipin na kagaya niya ay palagi din pala siyang inoobserbahan ng dalaga.

"Pero mahilig ka," may nasisiyahang ngiti niyang sabi at hinila si Almira paakyat ng bahay. Pagpasok ay hinubad nila ang kapa, kinuha iyon ng isa sa mga serbidora. Lumapit sila sa salamin na istante at tinignan ang mga nakalatag na pagkain.

"Anong gusto mo?"

Hinagod ni Almira ng tingin ang mga kakanin. Mula sa palitaw, puto, bibingka, puto bung bong, turon, nilupak, suman, sapin-sapin, hanggang sa yema, ube halaya, biko at ginataang bilo bilo. Lahat ata ng matatamis at malagkit ay presentableng nakalagay sa kanya kanyang lalagayan.

"Ayon, ito, ito, tapos ito, ito din... saka ito."

Tinuro ni Almira lahat ng gustong kainin, tinignan naman siya ni Arus na may ngiti, paanong ganyan siya kaganada, gayong namimili lang siya ng kakainin?

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon