Kabanata 46

2.8K 211 18
                                    

Talasalitaan:

Batikos- Criticisms

Bungisngis- Laugh, giggle

"May mga katanungan ako kamahalan, dahil sa nakikita niyo naman, kagagaling ko lang ng pulong dahil sa panaginip ng babaylan na si Tala at may mga hindi ako maintindihan," panimula ni Almira kay Kayro, nasa opisina siya ngayon nito kasama si Arus.

"Heneral, hindi ba pwede na lilipas ang araw na wala kang tanong saamin tungkol sa kasaysayan ng kaharian, hindi ba pwedeng gawin mo na lang kung anong kaya mo?" inis na tanong ni Kayro dahil alam niya na kung anong itatanong nito.

"Pasensya na, mahal na hari, hindi po kasi ako sumusugod sa gera na matatalo ako, kaya kung maari po sana ay sagutin niyo ako," may pang uuyam na sabi ni Almira ngunit hindi na pinansin ni Kayro dahil dinig niya din ang tono nito na seryoso.

"Kung ganoon ay anong tanong mo, hindi para sayo ang buong araw ko."

"May hindi pa po kayo sinasabi saakin... kamahalan, hindi ko kayang hulaan ang lahat kaya't para sa ikabubuti po sana ng dalawang bansa, sabihin niyo saakin kung ano man 'yon."

"Mukhang may isa pang buhay sa pamilya ni Larel... si Loyen, matanda siya kay Lirik ng limang taon... sabi ni Lagro saakin ay buong kinaiin ang batang 'yon ng halimaw noong oras na papatayin niya 'to."

"Sa tingin ko buhay siya, dahil ako nga, saksi ako na nasa loob ng bahay 'yang batang 'yan noong sinunog ko 'yon pero, tignan mo, buhay siya."

"Ano pong... koneksyon, hindi ko maintindihan, kamahalan."

"Tanungin mo ang Prinsipe Lirik," sabi ni Kayro, napalingon naman si Almira sakanya at tumango nalang sa hari.

"Kung ganoon ay, mauna na kami kamahalan," paalam ni Almira at yumukod bago tumalikod at hilahin si Arus papuntang pinto.

Tinanaw ni Kayro ang dalawa na lumabas, sa tingin niya ay totoo ang kumakalat na balita na magkasintahan ang dalawa. Napailing siya, nagawang suwayin ng labing-anim na taong gulang na batang iyon ang buong konseho at bughaw na pamilya dahil lang sa pagmamahal, hindi niya alam kung isa iyong katangahan o katapangan.

**********

Sa loob ng isang linggo ay naipalaganap ng pwersang militar ang mas makabago at puspusang pagsasanay para sa mga sundalo. Naipatupad ang bagong palatuntunan ng pagroronda sa dalawang bansa at pinaalam din ang panaginip ni Tala tungkol sa posibleng pagdami at pag atake ng halimaw. Pinaalam din ito sa mga mamayan para sa mas maayos na kooperasyon. Nilatagan ang mga sundalo ng mga nararapat nilang gawin kung sakaling may bigla ngang umatakeng halimaw.

Lumabas na din ang opisyal na pagkakakilanlan ni Almira bilang may pinakamataas na posisyon ngayon sa militar, maraming nag hinala at hindi makatanggap, ngunit lahat sila ay pinatahimik ng kanya kanyang heneral o kaya pinuno ng grupong kinabibilangan.

Ngunit hindi matatapos ang kuro-kuro dahil lang pinagsabihan sila. Alam ng lahat na mahihirapan sila na kontrolin ang mga sundalo na sumunod sa bagong konsepto na babae ang pinunong heneral nila.

Nagsimula ang pamamahagi ng kasapi ng Anino sa iba't ibang bahagi ng bansa para punan ang kakulangan ng tauhan. Marami ang nagulat dahil una sa lahat, ang alam ng sundalo ay puro kriminal lang ang mga kasapi ng Anino. Pangalawa, ang kasapi nito ay animnapung porsyentong puro babae. Maraming nagreklamo at nadagdagan nanaman ng bagong pipintasan at paguusapan ang karamihan, hindi lang sa loob ng militar, pati na ang mga may titulo sa pangalan at ordinaryong mamamayan.

Gayunpaman, sa gitna ng hindi matapos tapos na batikos ay walang nagawa ang kahit sino dahil nga kulang sila ng tao at paraan iyon ni Almira para protektahan ang dalawang bansa at pagtibayin ang depensa nila. Ang inaakala nilang mahihina at mahihin na babae ay nagpamalas ng abilidad habang nakikpagbuno sa kanila, noong una ay ginawa nila iyon para ipahiya ang mga babae ngunit malayo sa inaasahan nila ang kinalabasan ng pakikipagbuno... kayang kaya silang sabayan ng mga babaeng ito sa espada at pana.

Almira: Unang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon