MAMA KO
KARIBAL KO
(Chapter 45)
J E S S I C A
Naabutan ko si Vince, na pinipisil ang kanyang baba habang nakatitig siya sa mga sangkap sa pagluluto na nakalapag sa lamesa.
"Good morning!" Siguro sa lalim ng kanyang iniisip kung papaano sisimulan ang pagluluto, kaya naman ay nagulat siya sa pagdating ko. Ako din naman ay nagulat pagkakita sa kanya na naririto sa kusina para magluto. Ito kasi ang unang pagkakataon na makikita ko siyang magluluto. Sa pagkakaalam ko ay hindi talaga siya marunong magluto sa kabila na may sarili itong negosyo at iyon nga ay ang kanyang restaurant sa BGC na hindi ko pa napupuntahan.
"Ah, kayo pala, Auntie. Good morning din." At ayan na naman ang ugali niya na napapakamot na lang sa ulo.
"Magluluto ka?" tanong ko naman kahit obvious na.
"Hindi pa ba obvious, Auntie?" Ngumisi pa ang loko.
Tumabi ako sa kanya. "So... ano namang lulutuin mo?"
"Ah, adobo sana, e." Ngumiti ako kahit gusto ko ng tumawa. Kasi naman akala ko kung ano nang lulutuin, adobo lang pala.
"Madali lang 'yan. Hiwain mo ang sibuyas, bawang at igisa mo ito kasabay ng mga manok. Pagkatapos pag medyo brown na ang manok saka mo titimplahan ng toyo at hayaan mong kumulo. At para may konting asim at tamis, ay maglagay ka rin ng kaunting suka at asukal." Kumamot ulit siya sa ulo, kutohan ko na kaya 'to?
"Iyon nga Auntie... ang kaso, ay hindi ako marunong maghiwa." Tinapik ko lang siya sa balikat.
"Don't worry, I'll help you. But you have to answer me first. Why all of a sudden ay naisipan mong magluto ngayon? Or mas dapat ko bang tanungin kung para kanino ito?" Doon na nagsimula na pamulahanan ng pisngi si Vince.
"Para k-kay Macoy sana." Natutuwa naman ako kasi kahit ilang beses na siyang ni-reject ng anak ko, ay patuloy pa rin siyang nagpu-pursige para mapasagot ito.
Mayamaya pa'y...
"Ouch! Ouch!" panay ang impit na daing ni Vince, sa tuwing tumatalsik ang mga mantika nang sinimulan niya nang igisa ang sibuyas at bawang.
"Relax lang kasi. Ganito... obserbahan mo muna ako kung paano ko hawakan ang spatula habang naggigisa." Hinayaan niya naman ako at tumabi siya para manood sa akin.
Nang makumpleto na ang timpla at kumukulo na ang tuyo ay pinatikim naman sa akin ni Vince 'yong adobo.
"Hmm... pwede na!" At nag thumbs up pa talaga ako. Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa sariling luto kaya inagaw ko ulit sa kanya ang hawak na spatula para ipatikim sa kanya kung gaano kasarap ang niluto niya.
Na-survived ni Vince ang pagluluto kahit pa sobra siyang na-stress dito. Ako lang taga-gabay na maging tama at maayos ang pagluluto niya.
And as a first timer ay masasabi kong may talento siya sa pagluluto na ngayon niya lang matutuklasan.
M A C O Y
Mabilis na lumipas ang mga araw, ika-unang araw na ngayon ng november at ngayon nga ay kasalo namin sa tanghalian ang mag amang sina John at Michael, matapos naming bisitahin si Hans sa kanyang puntod. Hindi nakasama ang asawa ngayon ni John, dahil sa hindi ito sana'y sa malayo at mahabang biyahe. Isa pa gusto ding bigyan ng asawa ni John ang mag ama ng quality time na sila lang dalawa, lalo pa't maraming mga taon ang nagdaan na hindi nagkita ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
