CHAPTER 8

1.9K 43 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: PARE MAHAL MO RAW AKO

(CHAPTER 8)

H A N S

WARNING: MATURE CONTENTS BELOW.


"Good morning!" nakangiti kong pagbati kay Macoy, sa pagitan nang paghihiwa ng sibuyas. Mukhang nagulat pa ito pagkakita sa akin, at as usual ay para naman akong hangin dahil in-ignore niya na naman ako. May nakasukbit na tuwalya sa balikat nito dahil maliligo na ito bilang paghahanda sa pagpasok sa eskwahan.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang pambabalewala niya sa akin at nagpatuloy na lang sa paghihiwa ng sibuyas. Magluluto ako ng cornbeef, scramball egg, hotdog at bacon para sa aming agahan at pambaon niya na rin sa school. Actually itong cornbeef na lang ang lulutuin ko, dahil naluto ko na ang iba kanina bago pa man magising si Macoy.

Nang maluto ko na ang cornbeef, ay mabilis kong inilagay na sa babaunan ang pagkain na ipapadala ko kay Macoy, para may makain siya sa school mamaya. Kaya habang naliligo pa rin siya ay palihim akong pumasok sa kwarto niya at isinilid ang baon niyang iyon sa loob ng bagpack niya. Dahil for sure kapag binigay ko ito sa kanya ay hindi niya naman ito tatanggapin.

Hinahanda ko na ang mga plato sa lamesa nang lumabas na si Macoy sa CR. Nakatapis na lang ito ng tuwalya at hindi man lang tumingin sa akin na naglakad ito nang mabilis papasok sa kanyang kwarto.

Handa na ang aming agahan. Pero inintay ko muna si Macoy, bago ako kumain. Siguradong gutom na siya, dahil hindi siya naghapunan kagabi. Nasayang tuloy ang niluto kong tinola.

Ilang sandali nga ay lumabas na si Macoy sa kwarto niya pero mukhang nagmamadali na ito, dahil hindi siya magkandaugaga sa pagbubutones ng school uniform niya.

Kaya tumayo na ako at mabilis ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang dalawang braso niya at ako na ang nagbutones ng maayos sa uniform niya. Walang siyang nagawa kundi ang tumingin na lang sa malayo habang iniintay akong matapos na maibutones ang uniform niya.

"Kumain ka muna. Nagluto ako ng agahan natin."

"Hindi na, nagmamadali ako." Tiningnan ko naman ang oras sa relo ko at kunot-nuo akong nagtanong.

"Nagmamadali? Maaga pa naman, ah." Six thirty pa lang kaya..

"Mister, seven AM po ang pasok ko." Mister? Haha I like it..

"Talaga ba? O baka naman, iniiwasan mo lang ako? Kasi ang sabi sa akin ng Mama mo, ay eight thirty ang pasok niyo sa school."

"Bakit, hindi ba pwedeng magbago?" Naaamoy ko ang gamit niyang tootpaste habang nagsasalita siya.

"Kagabi kapa hindi kumakain... 'di bale nang ma-late ka, basta may laman lang ang tiyan mo. Ako ang malalagot sa Mama mo kapag nagkasakit ka."

"So what?!" Umalis na siya sa harapan ko at umupo sa sofa dala ang itim niyang sapatos para suotin ito.

Ako naman ay nagtungo sa kusina at kinuha ko ang babaunan na wala namang laman. Remember? Nilagay ko na sa bag niya ang pagkain na ipapabaon ko sa kanya. Kaya ko lang 'to ginagawa ay para subukan siya kung tatanggapin niya ba ito.

"Ito, nag-prepare ako ng baon mo. Kainin mo 'yan sa school kapag nagutom ka." Ngunit walang emosyon niyang tiningnan lang ang babaunan na hawak ko.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon