MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 26)
H A N S
Ngayon ako nagsisisi dahil kung kailan naman hindi ko dinala ang kotse ko, dahil hindi ko kailangan kanina, ay saka pa mangyayari ang ganito.
"Macoy..." Umupo ako at tinapik-tapik ko pa ang mukha niya. Pero wala pa rin siyang response.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ang tainga ko naman ang itinapat ko sa bibig niya at wala akong maramdamang hangin dito.
Hindi na siya humihinga!
Pinakiramdaman ko pa ang puso niya pero hindi ko na nararamdamang tumitibok pa ito.
"Please, tulungan niyo kami!" Dahil sa pagpa-panic, ay mabilis ko siyang inihiga. Tinanggal ko ang butones ng pantalon niya para maging maayos ang pag-flow ng dugo nito. Saka ko siya pinanganga bago ko sinimulang i-pushed ang chest niya nang magkakasunod na tatlong beses.
Pero hindi pa rin siya nag re-response. Isinubsob ko ang mga labi ko sa bibig niya upang magkaroon ng pressure ng hangin mula sa akin papunta sa lungs niya, at muli kong pinump ang dibdib niya gamit ang palad ko. Iyon ang paulit-ulit kong ginagawa. Pawis na pawis na ako pero hindi ako tumitigil.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko, dahil nakatuon lang ang atensiyon ko kay Macoy. Binabantayan kung magre-react ba ito sa ginagawa ko sa kanya.
Pawis na pawis na ako pero tuloy pa rin ako sa pag-pu-pushed sa dibdib niya. Hanggang sa wakas ay huminga na siya, ngunit hinang-hina pa rin siya no'ng magkamalay.
Kaya sa tuwa ko ay nayakap ko siya at hinagkan sa nuo nito. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin. Ang mahalaga ay gising na siya.
"Tinakot mo ako, Baby ko... Sobra mo akong tinakot... Please.. huwag mo na ulit gagawin sa akin iyon, ha..." bulong ko habang yakap ko siya.
Maya-maya pa ay may narinig na akong tunog ng sirena, at mabilis na pinuntahan naman kami ng mga rescue team para isakay si Macoy sa stretcher.
Sa buong biyahe sakay ng ambulansya ng aming barangay patungo sa ospital na aming pupuntahan. Ay mahigpit ko lang na hawak-hawak ang kamay ni Macoy, habang umuusal ng mga panalangin.
Puno ng mga katanungan ang isip ko. Kung ano ang nangyari sa kanya bago siya nakapunta sa court kanina? Sino ang walang hiyang may gawa ng putok sa nuo niya? Kapag sa oras na malaman ko kung sino ang may gawa nito kay Macoy. Sisiguraduhin kong mata niya lang ang walang latay. Walang pwedeng manakit sa Macoy ko!
Wala pang labing limang minuto ay huminto na nga ang ambulansya sa tapat ng pinakamalapit na ospital. Matindi pa ang traffic sa highway pero dahil sa tunog ng ambulansya ay nagbigay daan naman sa amin ang mga sasakyan, kaya nakarating din kami kaagad.
Mabilis na ibinababa ng mga medical team si Macoy na nakahiga sa stretcher, nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
"Hello," sagot ko. Dahil sa kay Macoy ako nakatingin habang sumusunod lang ako dito, habang hila-hila nila ito papasok ng emergency room, kaya hindi ko na nakita ang pangalan nung tumawag.
"Hayop ka!" iyon ang kaagad na bungad sa akin ng tumawag na iyon.
At dahil sa kanina pa ako natutuliro ay wala sa sariling namura ko tuloy siya. Total ito naman ang unang naging bastos. "Putang ina mo, ah! Sino ka ba?!"
"Hindi mo ba nakikilala ang boses ko." Nangunot ang nuo ko, habang sinusundan pa rin ng tingin si Macoy na kapapasok pa lang sa E.R kung saan ay hindi na ako pwedeng sumunod pa.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
