MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: IKAW PA RIN BY MOIRA
(CHAPTER 17)
M A C O Y
Nagising akong natagpuan ang sarili na nakayakap sa hubad na katawan ni Hans. Natulog kaming hindi patay ang ilaw kaya malaya kong napagmamasdan ang kanyang payapang mukha habang natutulog.
Nakangiti kong pinaglalaruan gamit ang aking hintuturo ang mahahaba niyang mga pilikmata. At dahan-dahan kong pinagapang iyon sa tungki ng kanyang ilong hanggang sa dulo nito, at pagkatapos ay mistulang gusto pang pag aralan ng gamit kong daliri ang perpektong hugis ng kanyang mapupulang labi na kagabi lang ay umaangkin sa akin.
Doon na nag-focus ang aking paningin sa nakakaakit na parte na iyon ng kanyang mukha. Dahilan kaya para akong biglang nauhaw at ilang beses pang napalunok.
Hay, Hans... pasalamat ka hindi ka lang gwapo, ang cute mo pa.
Sa sinabing iyon ng aking isipan ay wala sa sariling napakagat labi ako at hindi ko na pinigilan ang sarili ko upang nakawan ito ng madaliang halik. Pagkatapos ay sa katawan naman ni Hans, masayang humaplos ang mainit na palad ko kahit pa ang totoo'y ang lamig dito sa loob ng kwarto ni Hans dahil bukod sa madaling araw na. E, nakabukas pa ang AC.
Mukhang napagod siya sa ginawa namin kagabi kaya minabuti ko na lang na hindi siya gisingin. Kaya tumayo na ako at ako na ang nagluto sa kusina para sa aming almusal.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na parang mag-asawa na kaming dalawa ni Hans dito sa iisang bubong.
Nakapagluto, naligo at nagbihis na ako lahat-lahat pero hanggang ngayon ay napakahimbing pa rin nang tulog ni Hans.
Gusto ko sana siyang kasabay na mag almusal pero ma-le-late na ako sa school. Kaya tinakpan ko na lang sa lamesa ang niluto kong mga itlog at hotdog kasama ng kanin. At bago umalis ay nag iwan pa ako ng note para kay Hans at idinikit ko ito sa aming refrigerator.
Habang naglalakad ako sa hallway ng aming eskwelahan ay napahinto ako sa paglalakad dahil sa biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Ini-expect ko nang ang girlfriend kong si Mabeth ang makikita ko.
Nakanguso ito sa akin nang magtama ang aming mga mata habang nanatili pa rin siyang nakayakap.
"I miss you..." Kahapon lang ay magkasama kami, tapos nami-miss niya na ako kaagad? "Nagtatampo ako sa 'yo..."
Automatic naman na nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. "Bakit, may kasalanan ba ako?"
Well, alam ko sa sarili ko na may kasalanan nga ako sa kanya na hindi niya nalalaman. I never would have imagine in my life that I can become a two timer, and it's tormented my conscience.
"Hindi mo sinasagot ang text ko sa 'yo kagabi, para namang hindi kita boyfriend. Hindi ka man lang nag-goodnight sa 'kin."
Marahang hinaplos ko naman ang pisngi niya. "Sorry na..." Pero ang totoo niyan hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang sinasabi niyang mga text niya sa akin kagabi. Alam niyo na... Busy... "What can I do to make it up to you?"
Ang nakasimangot niyang hitsura ay biglang napalitan nang matatamis na ngiti.
"Later after school. Let's date!"
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
