CHAPTER 36

536 13 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 36)

J E S S I C A

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa narinig na malalakas na mga katok sa pintuan ng aking kwarto, kasunod ang nagmamadaling boses ni Vince.

Mabilis kong itinali ang roba ng nightgown kong suot bago ko hinarap ang anak ng aking amo.

"Bakit?" Namumutla ito na akala mo'y nakakita ng multo. Pero higit pang nakakatakot kaysa multo ang ibinalita nito sa akin.

"Macoy is not in his room. I think he left." Hindi na ako nag aksaya pa ng laway para magsalita at agad ko na ngang tinungo ang kwarto ng aking anak.

Nagkalat ang mga damit niya sa sahig. Naroon din ang bagong ipininta niya na mukha ni Hans, pero walang Macoy ang nasa loob.

Nilingon ko si Vince. "B-baka naman nasa CR lang siya..."

"Nilibot ko na ang buong bahay pati sa labas, pero wala siya."

Dahil anak ko ang pinag uusapan, ay hindi ko magawang makumbinsi sa sinasabi ni Vince. Kaya nagtungo ako sa CR pero walang tao doon, sunod ay sa guest room, at dahil sa basta ko na lang binuksan ang pinto at in-on ang ilaw ay naalimpungatan tuloy ang natutulog na si Michael.

"Bakit? May nangyari ba?" Sa inaantok na boses ay tanong nito.

"Ang anak ko kasi... Hinahanap namin. Wala siya sa kanyang kwarto, e." Naihagod ko ang dalawa kong kamay sa aking buhok. "Teka, pwede bang pahiram ng cellphone mo?" ani ko kay Vince at hindi naman ito nagdalawang isip na ibinigay niya sa akin ang cellphone niya.

Mabilis kong dinayal ang number ni Macoy. Pero hindi pa man nagtatagal ang pag-ring nito, ay nag busy-tone na kaagad ang linya.

Ibig sabihin...

"Nakapatay ang cellphone niya," hopeless kong nasabi saka muling napasapo sa aking nuo.

Hindi mapakali na nagpalakad-lakad ako. Si Michael naman ay tuluyan nang nawala ang antok at heto siya ngayon na pinapakalma ako. Dahil wala daw maitutulong kung magpapanic lang ako.

"Babalik din 'yon. Malaki na ang anak mo, alam na niya ang ginagawa niya." Nagpanting ang mga tenga ko sa tinuran ni Michael. Kaya napakagat labi ako dahil sa inis saka nagsalita.

"Ikaw ba, may anak na rin Michael? Anong mararamdaman mo kung ikaw ang magulang at magising ka na lang na nawawala ang anak mo? Hindi ka ba mag aalala?" Hinawakan ni Michael ang balikat ko at nagbuntong hininga.

"I'm sorry, I didn't mean to offend you."

"Kayo..." At sabay kaming napalingon ni Michael kay Vince na may mukhang hindi maipinta habang nakatitig siya kay Michael. "Kayo ang huling magkasama ni Macoy kagabi 'di ba? Maaaring alam mo kung nasaan siya?"

Umiling-iling naman kaagad si Michael. "Ewan... Nagising na lang ako na nasa kwarto ko siya." At makahulugang tiningnan naman ako ni Michael. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit nangingibabaw ang pag aalala niya kung dapat pa niyang ituloy ito. "Uhm... Jessica, pwede ba kitang makausap in private?"

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon