MAMA KO
KARIBAL KO
(Chapter 43)
V I N C E
Naiilang ako habang nakahalukipkip sa harapan ko si Jessica, kagat-kagat pa niya ang kuko niya sa hinlalaki habang sinusuri niya ako ng tingin.
Umiling-iling siya bilang pag-dis-aproba sa ayos ko. What's wrong? I never fail when it comes to fashion trends.
Naka red T-shirt ako na pinatungan ko ng itim na polo at kulay itim na pants naman ang pang ibaba ko.
"Teka, hintayin mo ako. May kukunin akong damit na mas babagay sa 'yo."
Tumingin ako sa relo ko. "Teka, auntie, sa'n kayo pupunta? Baka kanina pa naghihintay sa akin si Macoy."
"Madali lang ako, diyan ka lang." Kaya wala na rin akong nagawa dahil tumakbo na siya kaagad palabas ng kwarto ko.
At wala pang isang minuto...
"Sharan!" Bigla na din siyang bumungad sa pinto na dala ang damit na tinutukoy nito.
Isa iyong white long sleeve polo na may dalawang bulsa sa harapan. May butones din sa mga manggas kaya pwede mo itong gawing hanggang siko lang.
Napakamot naman ako sa aking ulo dahil hindi ako kumbinsido na babagay nga sa akin iyon. Para lang akong papasok sa opisina.
"Huwag ka nang magreklamo diyan. Hubarin mo na 'yang damit mo at isuot mo 'to." Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Parang ang laswa kasi na maghuhubad ako sa harapan niya.
At mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko kaya nag-react na rin ito. "Oh, okay okay. Lalabas muna ako. Then pagtapos kana tawagin mo ako, okay?"
Tumango ako.
After a minute..
"Ah... Auntie..." medyo alanganin pa ang pagngiti ko, nang muli niya akong tiningnan.
"Hmm... medyo may kulang pa." Bagay na ikinasalubong ng mga kilay ko. Mag iisang oras na kasi akong nag aayos, kulang pa rin?
Umangat ang mga kamay niya para ayusin ang collar ko ng polo ko, pagkatapos ay ang buhok ko naman ang bahagyang hinawi niya. "Ayan... perfect na..."
Napangisi ako. "Auntie naman, mamasyal lang kami ni Macoy. Hindi kami pupunta sa Prom."
"Well, consider it, as your first date with my son." Napaawang tuloy ang bibig ko, kaya natatawa na lang siyang tinapik pa ang balikat ko. "Sige na, puntahan mo na si Macoy sa kwarto niya para hindi kayo tanghaliin."
"Wait... What's this auntie?" Kasi kanina pa ako nagtataka dahil mukhang ito pa ang mas excited sa alis namin ng anak niya.
"What do you mean?"
Itinaas ko ang mga balikat at kamay ko. "Ito," itinuro ko ang sarili ko. "Why all of a sudden, you seems so excited and even help me with my attire today?"
Tumaas naman ang kaliwang kilay niya bago nagsalita. "Gusto mo ang anak ko hindi ba?" napatango-tango naman ako dito. "Kung gano'n ay gusto din kita para sa anak ko. Tinutulungan kita para sa kanya and the same time, ay tinutulungan ko din ang anak ko, na makapag-move on kaagad."
Oh, okay..
Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagulat pa kami pareho dahil nakaabang na pala si Macoy sa labas.
"Mama... a-anong ginagawa mo sa kwarto ni Vince?" Nagtatakang tanong ni Macoy. Napatulala naman ako sa ayos niya. His fashion when it comes to his attire is always effortless but seductive...
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
