MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 35)
M A C O Y
Kinakailangan akong alalayan ni Vince sa paglalakad, dahil hindi pa rin ako handa na harapin ang katotohanan sa likod ng mga sinasabi nila. But I forced myself to get up and take steps forward to Hans' grave, a few meters away from where we parked our rental car. It was two PM in the afternoon, but I'm shivering because of the cold wind that's caressing my skin. I'm so confused because I can feel his presence... I always loved the presence of Hans when he's around—but not like this. It makes my heart tear apart for an indescribable reason.
Lumuluhang nilingon kami ni Mama mula sa may 'di kalayuan kasama nito si Micheal—ang ka-look-a-like ni Hans. At halata din sa hitsura nito ang pagkabigla nang makumpirma nga niyang kamukha niya ang lalaking nasa tarpaulin katabi ng kinatatayuan nilang puntod.
Naging mabigat ang bawat paghinga ko kasabay nang panlalabo ng aking mga mata. Napatigil ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ko ang tarpaulin ni Hans. Dahil do'n ay lalo pa akong nanglambot.
"Baka nagkakamali lang sila. Imposible ito, hindi ito totoo... hindi pwedeng mamatay si Hans," pagtutol pa ng isip ko, o marahil ito ang tinutukoy nilang reverse psychology; iyong kabaliktaran nang sinasabi ng bibig mo ang katotohanang nakatatak sa isip mo.
"Hindi... Hindi pa patay si Hans!" naisigaw ko. Gamit ang natitira kong lakas ay mabilis kong naihakbang ang mga paa ko, at napaluhod na lang nang mabasa ko ang kanyang pangalan na nakaukit sa lapida.
HANS R SAMONTE
Born: June 28, 1992
Died: October 1, 2019
"I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh."
Ezekiel 36:26
"Hans, why?..." ang naging pag-anas ko. I wanna hear your voice Hans. Please, magsalita ka at sabihin mo, hindi ito totoo... "H-hans... bakit? Ano bang kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? 'di ba, sabi mo, hindi mo ako iiwan? S-sinabi mo 'yon 'di ba? Hans, bakit? Bakit?"
Bakit...?
Iyon ang katanungan na siguro kahit kailan ay hindi na mabibigyan pa ng kasagutan. Dahil wala na siya.
Wala na si Hans.
Unti-unti ay naramdaman ko ang malalaking butil na pagpatak ng tubig ulan.
Umupo si Mama sa tabi ko at hinawakan niya ang aking balikat. "Tara na sa kotse. Umuulan na."
Umiling ako. "No, 'Ma. Hindi ako aalis dito...Hindi ko iiwan si Hans."
"P-pero... Umuulan na. Babalik na lang ulit tayo dito bukas." Lumakas na nga ang ulan. Hinihila na ni Micheal si Mama pabalik sa kotse dahil basang basa na kaming lahat. "Anak, tara na! Baka magkasakit ka."
"Auntie, mauna na po kayo. Ako na lang ang sasama kay Macoy dito. Kung ito ang paraan upang maka move on na siya, ay siguro hayaan na muna na natin siya." Naunawaan naman kaagad ni Mama ang sinabi Vince.
"Hihintayin namin kayo sa loob ng kotse."
Kapagkuwan ay narinig ko ang pagtikhim ni Vince. May ilang hakbang ang distansya namin sa isa't isa. "I believed, this rain was Hans tears from heaven. See? He doesn't want to leave you. Pero ang mga buhay natin ay may hangganan din. Si Hans, nakatakda na siyang umakyat sa langit. At ayaw man natin... Pero kailangan nating tanggapin. Isipin na lang natin na at least doon, alam nating masaya na siya, at iyon din ang gusto niya para sa 'yo—ang maging masaya. Maybe the reason why, he gave you his heart, ay para malaman mo na hindi ka niya iniwan... Because you have his heart."
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
